Chapter 5 Ignoring him is a difficult thing

44 1 0
                                    

I don't know how to start this but, gusto ko na talagang iwasan mula ngayon si Yael  kasama si Abby. Ang hinihiling ko lang sana this time, makisama ang tadhana. Wala pa man ako sa school, grabe na ang kabang nararamdaman ko.Daig ko pa sumali sa isang MATH quiz bee na walang alam kundi multiplication table.

Umaasa din ako na sana, kahit ngayon lang.. hwag ko munang makasalubong si Yael. Pero imposible yata yun. Pagtungtong ko palang sa college bldg. Agad ko na syang nakita.Nakita nya din ako, Kaya nginitian nya ko pero mukhang hindi sya kuntento na ngitian lang ako, Kaya papalapit sya ngayon sa'kin.

Mabilis akong kumilos at lumihis ng  landas sa kanya, binilisan ko ang lakad ko dahil natatakot akong abutan nya. Daig ko pa nasa MARATHON sa bilis mag-lakad. Nilingon ko kung nakasunod sya sa'kin, Nakahinga ako ng maluwag ng masigurado na WALANG Yael na naksunod sa'kin.

Kahit na mapapalayo ako ng daan papunta sa room ko, Mas OK na sa'kin ang ganto.

Unang beses ko palang sya iwasan pero hirap na hirap na ko,Paano pa sa mga susunod na araw???Pero agad kong inalis ang alinlangan sa isip ko at mahina kong sinabi sa sarili ko na "Kaya mo 'to Mylene! You're better than this!"

Nasa ganun akong pag-iisip ng bigla akong may naulinigan na nag-chi-chismisan. Nang tignan ko sila, Nakumpirma ko na AKO nga ang pinag-uusapan nila.

"Grabe noh??? Akala mo kung sinong ANGHEL, MALANDI naman pala"

"at si Yael pa talaga napili nyang landiin! Kawawa naman si Ms.Abby, Wala syang kaalam-alam na NILALANDI ang bf nya"

"Balita ko pa nga, kinaibigan pa nya si Abby para mas makalapit sya kay Yael"

"Talaga?? Grabe! Ang landi nya talaga!"

Yan ang pinag-uusapan nila.Itinaon pa talaga nila na dumadaan ako tsaka nila ko pinagchismisan.

 THEY ARE PATHETIC!

Sana NILAKASAN  pa nila para mas MALINAW kong narinig! Hindi yung KUNWARI bumubulong pa sila!

 PESTE sila!

Ang sarap nilang SAKALIN hanggang sa malagutan sila ng hininga. Kapag nangyari yun LIBRE ko na LIBING at KABAONG nila! Masyado silang mapanghusga, Ni hindi nila alam ang totoo pero kung magsalita sila, Akala mo nandun talaga sila sa pangyayari.

Ngayon, Naiintndihan ko na kung bakit galit na galit si Lia kahapon.Dahil siguro dito. Siguro narinig nyang pinag-uusapan ako ng mga pesteng yon kaya nagalit sya ng ganun. Malamang, Kinompronta nya at inaway ang mga pesteng yon nang marinig nya na sinisiraan ako.

 Naiisip ko palang na ginawa ni Lia yun, Mas lalo akong naging determinado na tuluyan ng iwasan si Yael.

 ---

Buong araw ko talagang napanindigan na iwasan sya. Yung tipong, Malayo palang kapag nakita ko na ang pamilyar na pigura nya, Agad na kong lumalayo.Nagtagumpay akong gawin yun ng sunod-sunod na LIMANG ARAW.Ni ang tignan sya mula sa malayo, Iniiwasan ko.

LOVING THIS MUCH!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon