Chapter 8 Mine, but Not mine

49 1 0
                                    

*Beethoven's P.O.V*

Simula ng basagin ko ang mukha ni Yael, Lagi ng parang tuko na nakakapit si My-my sa'kin. Yung tipong kahit saan ako pumunta, Nandun din sya. Naiirita na nga din ako minsan at pinapagalitan sya pero nginingitian nya lang ako at binabalewala ang mga sinasabi ko.

Kahit sa pag-uwi kasama ko pa din sya dahil sa iisang lugar lang kami nagtatrabaho.

"Bakit parang  napapansin ko palagi kayong magkasama ni  Miles, Ha Hoven?" Tanong ni Bradley habang pauwi na kami at para na namang tuko na nakakapit sa'kin si My-my

"Oo nga, Kayo na ba?" gatong pa ni Jon

Sasagot na sana ako pero biglang sumingit sa usapan si My-my "Sinagot nya na ko eh. Kaya kami na!" nakangiting proklama nya.

'Tss! Paano magiging KAMI? Eh may iba syang MAHAL? Ang labo nya talaga!'

 "TALAGA?? KAYO NA??"

Kailangan talaga sabay-sabay nilang isigaw yon?

"Tss! Makatanong kayo ha?! Bakit IMPOSIBLE bang maging KAMI??" inis kong sabi

 "OO!"  sabay-sabay ulit nilang sabi. Napailing na lang ako. Yung TOTOO? Kaibigan ko ba talaga sila??

Pero minsan naiisip ko din, Ano nga bang relasyon namin ni My-my?? Lagi kaming sabay kumain, Lagi kaming magkasama at hindi ko alam kung bakit lagi ko syang hinahatid.

Pero kung titignan ngayon kaming dalawa, Siguro nga iisipin ng marami na KAMI nga. Dahil lagi syang tuko na nakakapit sa'kin dahil ayaw nyang lapitan sya ni Yael.

Parang KAMI na HINDI NAMAN KAMI.

 Ang gulo!

Ang isa pang gumugulo ngayon sa isip ko ay ang nararamdam ko. Pakiramdam ko, minsan kapag wala sya parang na-mi-miss ko sya.

O kaya naman madalas iritable na ko pero kapag nginitian nya ko, Nawawala na ng instant ang inis ko.

Kahit naiinis ako na sinasabi nyang KAMI pero hindi naman kami, may lihim na tuwa sa puso ko na nagsasabing: LAMANG na LAMANG  na ko dun sa HAYOP na nagpa-iyak sa kanya. Kapag binibitawan nya ko dahil sa nakita nya lang si Yael, Naiinis talaga ako.

Posible kayang gusto ko na sya? O Higit pa dun ang nararamdam ko?

Mali bang magustuhan ko sya kahit alam kong may mahal syang iba?? Mali ba 'tong nararamdaman ko?

LOVING THIS MUCH!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon