Chapter 34

3 0 0
                                    

*Mylene's P.O.V*

Tatlong taon.

Tatlong taon na pala ang nakalipas nung nagdesisyon akong iwan sya.

Tatlong taon na ng durugin ko ng todo ang mga pangarap naming dalawa.

Ayokong magsisi, kahit hirap na hirap na ko. Ayokong umuwi at bawiin ang desisyon na ginawa ko kahit halos mamatay na ko kakaisip sa kanya.

Simula ng mamatay si Papa, nawala lahat ng rason ko para mabuhay. Hindi ko namalayan na unti-unti, sinisira ko na pala ang buhay ko at kasabay nun ay pagsira din sa buhay ni Hoven.

Isinakripisyo nya ang lahat para sa'kin, Isinuko nya pati ang pangarap nya para lang sa'kin pero .. anong naging kapalit ng lahat?

Wala. Wala akong naidulot na maganda sa buhay nya tapos naisama ko pa sya sa pagbagsak ko.

Sobra na. Hindi ko na kaya pang sirain sya. Ni hindi ko nga alam kung may itinira pa ko sa kanya kasi pakiramdam ko, binigay nya na sa'kin lahat at nasira ko na lahat.

Umaasa na lang ako na makayanan nya ang lahat at makalimutan nya din ako.

- - -

Alam ko naman na mahihirapan ako nang wala sya, pero hindi ko akalain na halos ikakamatay ko pala kapag wala sya.

Hindi ko akalain na sa kanya ko na pala napaikot ang mundo ko.

Sa lahat ng oras, lagi syang nasa tabi ko. Kapag masaya ako, kapag nahihirapan ako, kapag malungkot ako at lalo na sa mga panahong kailangan na kailangan ko ng taong magpaparamdam sa'kin na hindi ako nag-iisa.

Iniiwan nya lahat, anuman ang ginagawa nya para lang masigurong ayos lang ako. Ganon nya ko kamahal, ganon umikot ang buhay ko sa kanya.

Pero nagawa ko lang syang saktan at iwan.

Hindi ko akalain na babalik sa'kin ang lahat. Akala ko kasi matagal ko nang nakalimutan ang tangkang pang-gagahasa sa'kin, pero si Hoven lang pala ang dahilan kung bakit nawala ito sa isip ko pero ngayong wala na si Hoven sa tabi ko, bumalik ang lahat.

Di katulad ni Hoven, hindi ako kayang pakalmahin ni Yael kahit gaano nya subukan. Minsan nga, kahit sya napapagkamalan ko na isa dun sa demonyong yun.

Alam kong nahihirapan na rin si Yael sa sitwasyon namin, kaya naintindihan ko sya ng humingi na sya ng tulong sa mga espesyalista.

Hindi ako humindi sa lahat ng test at therapy na ipinagawa nila sa'kin pero napansin ko na nahihirapan na si Yael sa pinansyal naming gastusin. Umayaw na ko.

Meron namang mga gamot na pampakalma at pampatulog, yun lang naman ang kailangan ko sa ngayon dahil wala namang ibang makakaintindi sa pinagdadaanan ko kundi si Hoven.

Ang maganda sa mga gamot na iniinom ko ay nagiging manhid ako. Manhid sa pangungulila at sa konsesya ng pananakit sa damdamin ng taong walang ginawa kundi ang mahalin ako.

Sinubukan kong mamuhay ng normal. Nagtrabaho ako at ginawa kong abala ang sarili ko.

Itinuon ko ang atensyon ko kay Yael. Sinisigurado kong hindi ako nagkukulang sa pag-aasikaso sa kanya.

Asawa na nga ang pakilala nya sakin sa mga tao kahit hindi naman talaga kami kasal. Hindi ko na rin tinututulan kasi ayaw kong saktan ang damdamin nya.

Tama ng may isang buhay akong sinira, Hindi ko na uulitin pa ang pagkakamali na yun.

Hindi biro ang ginawa ni Yael para sa'kin kaya naman sinusubukan ko syang mahalin.. pero siguro hindi pa talaga ang tamang panahon para magmahal ulit ako.

Sana sapat na sa kanyang, nandito ako.

LOVING THIS MUCH!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon