Chapter 1 Meet Mr.Nice Guy

159 3 2
                                    

*Mylene P.O.V*

Ayun oh.. 5mins na lang mala-late na ko sa English Class ko.Bakit kasi ang hirap gumising ng maaga???

Heto ako ngayon tinatakbo ang daan papunta sa college bldg. namin.At kung minamalas ka nga naman 5th flr pa ko!

WATTALAYF!

Buti sana kung may escalator or elevator dito, kaso lang WALA!

A-Y-O-K-O maghagdan! Pero since wala akong choice, tinakbo ko ang bawat steps ng hagdan.

After 989,100,392,787,834 years! Naka-akyat din ako sa 5th flr! Tinatakbo ko na lang yung hallway papuntang room. Walang preno ang mga paa ko at naka-takip pa ang thesis paper ko sa mukha ko dahilan para may makabunggo ako sa daan.

"OUCH!" daing ko.

ANSHAKET! Daig pa ng BATO ang tigas ng ulo nya ah?! Nakatungo pa ko kaya hindi ko nakita ang nakabunngo ko

"ok ka lang ba??" tanong nung nakabunggo ko.

Aba't loko 'to ah? May gana pang magtanong kung OK lang ako samantalang mawawalan na yata ako ng malay sa pagkabunggo ng ulo ko sa ulo nya. Unti-unti kong inangat ang ulo ko para makita ko yung TAONG BABALIAN KO NG BUTO AT DADALHIN KO SA ORTHOPEDIC! Pagkakita ko ng mukha ng taong naka-bunggo ko

SHEET OF PAPERS FROM TREES!

It's YAEL!

Ang crush ng BAYAN!

PATAY na ko neto sa YAELNATICS! So, dapat pala nagpagawa na ko ng last will and testament kanina kasi panigurado, ILILIBING na ko ng BUHAY ng fansclub nitong mokong na 'to.

"Ah, miss? Ok ka lng ba? Gusto mo bang samahan kita sa clinic?" nag-aalalang tanong nya ulit.

"Ah.. hindi na kailangan OK lng naman ako.." na-out of balance ako ng tumayo ako. medyo nahihilo pa kasi ako buti nahawakan nya yung braso ko.

HANUBA!

Hinawakan nya ko! Pwede na bang mamatay sa kilig???? :D

"Oh? ganyan ba yung ok?? Natutumba?? Tara, punta na tayong clinic" pilit nya pa

Tatanggi pa sana ako kaso hawak nya na ko sa braso at akay-akay nya pa ko.. Makakatanggi pa ba ko??

Ilang sandali lang nakarating na rin kami ng clinic.

"Tao po? nurse? May tao po ba?"

Grabe! Kaya pala andaming nagkakandarapa dito, MABAIT na, MAGALANG pa. Tipong pa-fall talaga.

"Wala yata yung nurse. Tara, alis na tayo" suhestyon ko. Pero hindi nya ata ako narinig

"Tara, dito ka umupo baka matumba ka na naman eh" sabay tapik nya dun sa parang hospital bed.

Sinunod ko na naman sya na maupo sa kama. Napahawak naman ako sa noo ko, napansin nya ata kaya nakitingin na din sya.

"Masakit ba??"

"Ahmm.. medyo??"

LOVING THIS MUCH!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon