Chapter 9 The Confrontation

34 0 0
                                    

*Mylene P.O.V*

"Mukhang nagkakamabutihan na kayo ni Mr.Sungit ha?" Tanong ni Lia habang naglalakad kami sa hallway.

"Sino si Mr.Sungit?"

"Asus! Kunwari pa 'to! Edi sino pa, kundi si Hoven"

Huminga muna ako ng malalim bago magsalita"Hindi ko din alam kung anong relasyon ang meron sa'min ni Hoven. Ang alam ko lang............. Masaya ako kapag kasama ko sya."

"Asus! May alam kanang ganyan-ganyan ah?" sabi ni Lia habang kinukurot ang tagiliran ko ng mahina.

"Aray! Ano ka ba?" natatawa kong awat sa kanya

"Pero alam mo mas gusto ko sya para sa'yo. Kasi seryoso syang tao at alam kong hinding-hindi ka nya sasaktan." seryoso sya habang sinasabi yun

Natahimik ako sa mga sinabi nya. Hindi ko alam kung paano tutugon sa sinabi nya.

"Oh? Ba't ka tumahimik? Iniisip mo sya noh?"  asar nya sabay sinusundot-sundot sa tagiliran ko

"Hahahhha... Ano- ka b- Tig- lan m... nga"  utal-utal kong sabi habang tumatawa.

"Oh, Sya. Sige. Alis na ko. Tapos na break ko"

"Aalis kana agad?? Wala akong kasama!"

"Edi magpasama ka sa BOYFRIEND MO! BYE!" sabi nya sabay halik sa pisngi ko at tuluyan ng umalis

'Hay! Ano kaya yun? Iniwan talaga ko. Kainis!  Mahanap na nga lang si Hoven.'

Mula sa hallway, Nagpunta ako sa school grounds dahil alam kong dun ang madalas na tambayan ni Hoven. Hindi ako nagkamali. Nandun nga si Hoven sa damuhan sa ilalim ng puno at may hawak na gitara.

"HOVEN!" 

Agad syang lumingon nung tinawag ko sya. Ngumiti sya at sumenyas na lumapit ako.

"Asan yung bestfriend mong maingay?" agad nyang tanong ng makalapit ako sa kanya

Ngumiti ako bago sumagot. "Hindi maingay yun. Sya ang MOST BEHAVE namin nung grade school eh"

LOVING THIS MUCH!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon