Chapter 6 Confessions

52 1 0
                                    

*Beethoven's P.O.V*

Sabi ni Miles, Dalhin ko daw sya sa isang lugar na malayo kay Lia at Yael. Kaya nandito kami ngayon sa isa sa mga bar na tinutugtugan ko.Umupo agad sya sa counter at umorder ng isang bucket na beer. Mukhang wala syang kahit ano na nadala kaya nagprisinta na ko na ako, na ang magbabayad.

Hindi sya umiimik. Umiinom lang sya at parang bata na panay ang pahid sa luha nya gamit ang kamay nya.

Wala akong ideya na umiiyak sya nung tinawag ko sya kanina. Ang buong akala ko, ininis nya lang ako o kaya gumaganti sya sa pagsusungit ko kaya hindi nya ko nililingon kaya hinabol ko sya.

Ngayon ko lang nakita na nagkaganito si Miles.Sanay kasi akong palagi syang nakangiti at masayahin.

Ako pa nga minsan ang sumusuko sa pagkamasayahin nya. Para kasing WALANG KAHIT SINO ANG MAKAKABURA ng mga NGITI nya.

Pero NAGKAMALI ako.........

Kung titignan mo sya ngayon....Daig nya pa ang NABASAG NA BASO.

Hindi ako nakatiis at kinuha ko na ang panyo ko at pinunasan ang mga luha nya. Mukhang wala syang planong magsalita kaya binasag ko ang katahimikan at inis na tinanong sya "Bakit ka ba umiiyak ng ganyan? Ano bang nangyari sa'yo?"

Hindi naman sya umimik. Mukhang iniisip nya kung sasabihin nya ba sa'kin o hindi ang nangyari sa kanya pero dala siguro ng epekto ng alak nagsimula syang magsalita "I did something stupid Hoven."

"Eh ano naman? Lagi ka naman nakakagawa ng katangahan. Wag mong iyakan yun"

Ngumiti sya ng mapakla tsaka nya sinabing "Minahal ko ang taong, nung una palang HINDI ko na dapat minahal"

Natahimik ako sa sinabi nya. Kahit wala syang sabihing pangalan, Alam kong si Yael ang tinutukoy nya. Hindi ko kilala ng personal ang lalaking yon, Pero popular kasi sya sa mga kaklase kong babae kaya kilala ko sya. "Oh? Wala namang masama dun, Anong iniiyak mo dyan?"

Hindi sya sumagot agad. Pero nagulat ako ng sabihin nyang "Hinalikan nya ko"

GAG* pala yun eh! Nilalandi nya na nga si Miles, Hinalikan nya pa?! Bangasan ko kaya yun?!

"Ang sakit. Ang sakit-sakit. HInalikan nya ko, tapos SORRY?! T*NG INA NYA!" umiiyak na sabi ni Miles

Ngayon ko lang sya narinig na magmura. Ngayon pa lang naiisip ko na kung gaano kasakit ang nararamdaman nya. Nakakaawa na syang tignan. Ang tangi ko lang nagawa ay ang yakapin sya at haplusin ang likod nya.

Hayop yung Gag* na yun. Ang lakas ng loob nyang paiyakin ng ganito si Miles! Paano nya nagawa 'to?!Bakit sa dami ng paiiyakin nya yung tao pang walang ibang ginawa kundi ang NGUMITI?

Ano 'to? TESTING? kung tatalab ba ang style nya sa katulad ni Miles???

PESTE sya!

Nanggigigil talaga ko sa kanya. Iniinis ko si Miles, sinusungitan pero kahit kailan hindi ko naisip na paiyakin sya ng ganito.

Siguro kung yung ibang babae ang umiiyak ng ganito sa harap ko, Babalewalain ko lang. Dahil natural sa babae ang iyakin.

Pero IBA si Miles, kahit gaano na sya kains, kagalit, kapikon.. Idinadaan nya lang ang lahat sa ngiti. Nakakaya nyang gawin yun ng wala kang mababanaag na kahit ano.

LOVING THIS MUCH!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon