Chapter 27 Last goodnight sleep

12 0 0
                                    

*Mylene's P.O.V*

"Miles!"

Napalingon ako sa tumawag sa'kin. Si Lia. Mula sa pagkakayakap kay Hoven, kumalas ako at sabik na niyakap ang bestfriend ko. "Ano bang nangyari Miles?" tanong nya pero niyakap din ako pabalik

"Si Papa kasi.." Nagsimula na namang umamba ang mga luha ko pero inalala ko ang sinabi ni Hoven. Kailangan kong maging kalmado ngayon. "Si Papa kasi, Nasa ICU ngayon kasi naaksidente sya pabalik ng Manila. May namuong dugo sa loob ng ulo nya kaya kailangan nyang ma-operahan sa lalong madaling panahon" nagawa ko ng sabihin yon na hindi humahagulgol. Effective therapy talaga si Hoven.

Iniharap ako ni Lia sa kanya at tinignan ako sa mga mata "My Gosh! I'm so sorry. Are you ok?"

Maluha-luha man, tumango pa din ako. Alam kong mas okay na ko ngayon kesa kanina. Napatingin sya sa direksyon ni Hoven at tumango lang ito, tapos nakahinga na sya ng maluwag. Pakiramdam ko nga kanina pa nya pigil ang hininga nya. Mas tense pa sya kay Hoven.

Hinawakan nya ang magkabilang kamay ko "Don't worry Miles, Tutulungan ka namin ni Papa sa gastusin dito sa Hospital"

Ayoko man tanggapin pero I will need every help I can get. Kaya wala akong nagawa kundi ang yakapin syang mahigpit sabay sabing "Thank you so much Lia"

***

Agad naming napa-opera si Papa dahil na rin sa tulong ni Lia at ng Papa nya. Pampa-opera pa lang ang nairaos namin at ang araw-araw na bayarin sa Ospital ay ibang bagay pa. Nasa ICU kasi Papa kaya mas malaki ang gastos. Taltlong araw pa lang kaming nasa Ospital pero ubos na ubos na ang naipon ko mula sa pagpa-part time ko.

Tinutulungan naman ako ni Hoven sa Hospital bills pero ayokong abusuhin si Hoven. Alam ko naman na may mga bagay din naman syang ginagastusan pero anong magagawa ko? 

"Okay ka pa?" napatigil ako sa malalim na pag-iisip dahil sa pagyakap ni Hoven sa'kin mula sa likuran. Tumango lang ako at muling tumanaw mula sa bintanang gawa sa salamin para tunghayan ang kahabag-habag na kalagayan ng aking Papa. Puno ng galos at sugat ang mukha ni Papa at kinailangan putulin ang isa nyang paa dahil naipit ito sa aksidente at nakapagpalala pa ng kaawa-awa nyang itsura ay ang mga tubong nakasaksak sa katawan nya. Sa tuwing hihinga sya parang ako ang nahihirapan, ayoko man makaramdam ng awa pero hindi ko maiwasan sa twing titignan ko sya.

Humigpit ang yakap sa'kin ni Hoven at hinalikan nya ang tuktok ng ulo ko. Hinawakan ko lang ang kamay nya na nasa bewang ko. Ayokong magsaita dahil baka yun ang maging dahilan ng muling paghagulgol ko.

I'm so glad I have Hoven in my life. I thank God so much for bringing Hoven into my life. He's the reason why I keep going and he's the last strand of my sanity. I don't know what will happen to me if ever I lose him.

Mula sa likod ay pumunta sya sa harap ko at pilit na tinitignan ang mga mata ko. Hindi pa sya nakuntento at hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at pinagtagpo ang tingin namin "Magiging maayos din ang lahat, Ok?"  

Napapikit ako dahil kinintalan nya ko ng munting halik sa labi. Napangiti ako sa ginawa nya. Alam na alam nya talaga kung paano ako ibabalik sa katinuan. Bahagya syang humiwalay sa'kin at hinawakan ako sa kamay "Tara, kain muna tayo"

LOVING THIS MUCH!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon