₱ROLOGUE - daddy, i met my father

106K 1.7K 874
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


TW: Suicidal Ideation


♡ ₱ ♡


Tangina. Hirap naman maging mahirap.


"Oh ano ka ngayon? Tinatanong ka lang kung taga-saan ka, tinarayan mo na ko!"


Naibaba ko ang tingin sa uniform ko habang niraramdam ang lamig ng alak na dumadaloy mula sa ulo ko matapos itapon sa akin ng lasing na customer na 'to ang inumin niya. Binalik ko ang tingin sa lalaki.


"Ano, what are you looking at?" inis niyang singhal.


"Bro, awat na muna." Hinawakan siya ng ka-tropa niya sa braso at humarang sa pagitan namin.


Panget, masama ugali at feeling entitled. Alam mong pagiging lasinggero lang ang ambag sa pamilya.


Tatlong beses na akong tinawag ng lalaking ito sa table nila kahit wala naman siyang kailangan. Paulit-ulit niyang tinanong kung taga-saan daw ba ako. Tinanggihan kong sagutin syempre pero nang huling balik ko ay humawak na ang kamay niya sa puwitan ko kaya natampal ko ang kamay niya. Pati yata ego niya natampal ko dahil doon kasi pinagtawanan siya ng mga kasama. Nagalit ang gago at tinapunan ako ng alak sa ulo.


"Ano, huh?! Pakipot ka pa ah! Waitress ka lang naman!" sunod sunod niyang sigaw at sinubukang itulak ang kaibigang pumipigil sa kanya. "I can buy you, bitch!"


Nahinto na ang kasiyahan ng mga table na nakapaligid sa kanila. Ang focus na nila ay panoorin ang isang kawawang waitress at videohan kami.


Natawa naman ako sa sinabi ng lasing. "Bakit naman ako magpapabili sa panget na tulad mo?"


"Ohh." Malakas na reaksyon ng mga nanonood sa'min. Napatingin si tanga sa paligid at mas lalong nanggalaiti sa galit.


"Tangina mo ah!" Halos maligo na ako sa laway niya sa dami ng sunod niyang sinabi.


Hinawi niya ang kaibigan at naging successful siya. Nang papalapit na siya sa akin ay inamba ko ang tray na hawak ko. Nang makitang nasa tamang distansya na siya ay hinampas ko sa ulo niya ang tray.

daddy, i need your moneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon