₱ 4 - daddy, let's make a deal

66.6K 1.1K 593
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


TW: Suicide, Death


♡ ₱ ♡



Napapikit ako nang maalala na naman ang itsura ng katawan ni Cecilia nang matagpuan namin siyang patay na sa fountain sa harap ng aming Manor.


Parang naririnig ko pa rin ang sigaw nila Julianne at ang paghagulgol nila Karina. At hanggang ngayon ay parang nakatitig pa rin si Cecilia sa akin gamit ang mga walang buhay niyang mata.


Hindi ko naalis ang tingin sa mata ni Cecilia ng moment na 'yun. Humarang lang sa harap ko si Sir Havoc kaya napapikit ako at naramdaman ang mga luha sa mata ko na umagos sa pisngi ko.


That was the first time I saw a dead body. At hinding hindi ko makakalimutan ang nangyari na 'yun.


Walang nakagalaw sa amin bukod kay Sir Havoc. Halatang may pagpa-panic sa mata niya pero hindi niya pinakita 'yun at hinandle ang nangyari nang maayos. Sinabihan niya sila Seb na tumawag ng staff sa school. Na-estatwa pa si Seb sa una pero nang tumaas ang boses ni Sir Havoc ay natauhan ito.


"Move, Kensington!" utos ni Sir.


Gumalaw naman si Seb at agad tumakbo paalis ng Manor at ginawa ang utos ni Sir. Hindi lang si Seb ang nagising sa sigaw ni Sir at maging sila Karina. Ako ang unang nilapitan ni Sir at iginaya papasok ng Manor.


"Don't look, Xy," he told me in a gentle manner as he left me inside the Manor to get my other classmates.


Nang pasarado ang pinto ng Manor ay unti unti ring nawala sa paningin ko ang nakadilat na mata ni Cecilia.


Naging usapan ang section namin dahil sa nangyari. Pero ang ikinapagtataka ko ay hindi tumagal ang usapan. Isang linggo na ang lumipas matapos ang insidente at bukod sa wala na ang bahid ng dugo sa fountain ng Manor namin ay wala na ring sinabi ang eskwelahan sa nangyari.


Nagpatawag ng dinner ang director sa aming lahat ng gabi ng insidente. Inobliga kaming lahat na pumunta, kahit kaming nakakita at hindi pa rin maalis sa isipan ng kalunos lunos na pangyayari.


"Sorry about what happened. The school will take care of everything so please remain calm," 'yan lang ang sinabi ng direktor at hindi man lang pinaliwanag ang gagawin nila.

daddy, i need your moneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon