₱ 6 - daddy, i've made progress

61.4K 914 404
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


♡ ₱ ♡



"Since the midterm is coming and the end of the month is near, I'm going to announce the project you all need to accomplish for my subject," seryosong saad ni Sir Havoc sa harap ng buong klase.


Nakarinig naman ako ng mahihinang reklamo sa mga kaklase ko sa subject na 'to, particularly sa mga Beta kagaya ni Ophelia. Ang mga Alpha naman ay seryoso lang habang ang mga Charlie ay chill lang kagaya ni Seb.


Tinakpan ni Sir ang hawak na whiteboard marker na ginamit niya at binaba sa teacher's desk sa harap. "This is going to be an activity by partner."


Nagkaroon naman ng pagdiriwang dahil doon kahit mahina lang. Si Sir Havoc nga pala ay ayaw ng ingay. Seryoso lagi sa klase at kapag nag-iingay ka ay tatanungin ka niya if may mali sa ginagawa niyang solution. Hindi ko kaklase ang kambal na Blackwood dito pero naiimagine ko na kung gaano sila nagpipigil kapag si Sir Havoc ang klase nila.


May kinuha si Sir na papel na naka-ipit sa libro niya. "And I already have the list of who's gonna be partners."


"What?" Naging verbal na ang reklamo ng lahat.


Unang nagtaas ng kamay si Atticus. Tinignan naman siya ni Sir hudyat ng pagsasalita nito. "You'll assign partners?"


"I've assigned partners," pagtatama ni Sir at tinuro ang listahan niya.


"Why can't we choose our own partners?" may inis na tanong ulit ni Atticus.


"Because I want to assign your partners," walang emosyong sagot ni Sir. 


Kung hindi ka si Atticus ay matatakot ka na agad sa kaseryosohan ni Sir. Pero dahil si Atticus ito ay may kasunod na naman siyang reklamo.


"Is that necessary, Sir?"


"It is."


"Why?"


"So you can work with other people," seryosong sagot ni Sir. "And because I want to."


"Huh?" Atticus was dumbfounded.


Tinakpan ko ang bibig ko at nagpigil ng tawa. Nakita ko namang sumulyap si Sir sa akin at maging siya ay nagpipigil ng tawa dahil nakita ko siyang basain ang labi gamit ang kanyang dila.

daddy, i need your moneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon