₱ 15 - daddy, why?

43.6K 663 239
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


♡ ₱ ♡



"Is that your perfume?"


Inis kong tinignan ang babaeng katabi ko ngayon sa kama sa kwarto ko. "What is it this time?"


"It smells really bad." Her nose scrunched, moving away to put a distance between us.


"It's my shampoo."


"Ang baho!"


"Ede umalis ka rito!" singhal ko sa kanya at tinulak siya lalo palayo sa'kin.


Sineryoso ni Ophelia ang utos ng adviser niya. Naging bodyguard ko nga siya. Pero kung tatanungin ako, mas gusto ko siyang tawaging aso. Kahit saan kasi ako pumunta ay nandoon siya.


Kapag nasa klase, since hindi naman kami magkatabi, sinusulyapan niya ako as if may magagawa ako. Dahil new semester na, bago na ang mga kaklase ko per subject. And anim na subject ay kaklase ko si Ophelia. Sa dalawang hindi ko siya kaklase ay si Edmund naman ang sumusulyap sa akin.


Kapag natapos ang klase, nakabuntot agad sa akin si Ophelia tapos sabay kaming pupunta sa next ko na klase or if maagang natapos ang klase ay sasamahan niya ako sa kung anong balak kong gawin para magpalipas ng oras. Madalas ay nasa library lang ako para mag-aral. Tatabi naman siya sa akin tapos matutulog. Kapag tatakas ako, makakaramdam ito.


Kapag lunch naman ay magkalayo kami. Sa time lang na 'yun ako nakakalayo sa kanya. Pero ramdam ko pa rin ang sulyap niya sa akin. After school naman, lagi niya akong aayain somewhere at kahit ayaw ko sumama, pipilitin niya ako.


Nakakainis. Hindi nila ako pinapagalaw. Isang linggo na at wala pa rin akong matinong plano dahil hindi ko alam kung saan mag-uumpisa.


"Change your shampoo," utos ni Ophelia na naglagay ng distansya sa pagitan namin sa kama. "I'll help you buy it in the Town."


"Whatever." Hindi ko pinansin ang sinabi niya at tinuon nalang ang pansin sa movie na pinanonood namin.


Kahit sa Manor ay sinusundan niya ako. At dahil ang ginagawa ko lang lagi ay mag-aral, nabagot siya. Dinala niya ang school laptop niya and she showed me a flash drive na pinuslit niya papasok ng school. Laman ng flash drive ay movies. Hihiga siya sa kama ko at magpapakakomportable doon habang nanonood ng movie.

daddy, i need your moneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon