₱ 22 - daddy, it's not your fault

43.1K 652 234
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


R-18


♡ ₱ ♡



Halos thirty minutes na yata ang nakalipas at hindi pa rin kami nagsasalita matapos ni Havoc matapos ang kwento niya.


Hindi ko alam ang sasabihin. Ngayon, naintindihan ko na kung bakit gano'n nalang ang binibigay na konsiderasyon para kay Sir Magnus.


Hindi humawak ng patalim si Havoc. Hindi siya humawak ng baril. Pero nakapatay siya nang dahil sa desisyon niyang hindi paniwalaan si Sir Magnus.


Lumunok ako at sinubukang magsabi ng kahit na ano. "It's not your fault."


"Hmm?" Bumaba ang tingin niya sa akin.


Simula ng magsimula siyang magkwento, sa bintana sa labas ng hotel lang nakatanaw ang mga mata niya. Hindi naalis ang tingin niya ro'n at tiningala ko siya at pinanood mula sa pagkaka-unan ko sa braso niya. Simula rin nang mag-kwento siya ay hindi niya binitawan ang tirintas ko. Parang ito ang nagpapakalma sa kanya.


"I don't think hindi mo kasalanan na hindi mo siya pinaniwalaan."


Madilim ang ekspresyon ng mukha niya simula nang alalahanin ang nangyari. At hanggang ngayon ay gano'n pa rin iyon. Pero hindi ako natakot dahil naiintindihan ko siya. He's telling me his story, his trauma. I think it's just right that he doesn't smile.


"Kahit naman ako, I tell the officers na hindi ako ang pumatay kay Ophelia yet they don't believe me." Nginitian ko siya para kahit papaano ay gumaan ang loob niya. "We both know I didn't do it."


"He told me several times that he didn't do it."


"And it's just the natural response to not believe someone who's being accused of murder."


"But he's my brother. I should be supporting him."


Malalim na hininga ang hinugot ko habang tinitignan ang mukha niya. "Sorry."


Finally, ngumiti siya na parang pinapagaan ang paligid. "We probably shouldn't have talked about that on your birthday."


daddy, i need your moneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon