₱ 16 - daddy, it's not me

39.6K 589 144
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


TW: Corpse


♡ ₱ ♡



Napaupo ako sa sahig nang ma-realize ang lagay ni Ophelia. Bukas ang mata, natuyong bula sa bibig.


Patay na siya.


"Ophelia," tawag kong muli pero gaya ng kanina ay hindi ito sumagot or gumalaw man lang.


Hindi ko alam kung ano ang iniisip ko pero tumayo ako at nilapitan siya. Inalog ko ang balikat niya at sinubukan siyang sampalin.


"Hoy," paggising ko sa kanya habang tinatapik ko ang pisngi niya.


Hinawakan ko ang panga niya at hinarap sa akin ang kanyang mukha. Nang makita nang diretso ang mata niya ay alam kong patay na nga siya. Wala na ang liwanag sa mata niya at para nalang itong manika sa sobrang diretso ng tingin niya.


Kahit ramdamin ko pa ang tibok ng puso niya at hanapin ang pulso niya sa leeg, dibdib o sa palapulsuhan niya ay wala akong mahahanap.


Patay na siya.


Patay na si Ophelia.


Kusang gumalaw ang katawan ko at tumayo mula sa sahig ng banyo. Sinarado ko ang pinto ng banyo at pinatay ang ilaw doon. Dire-diretso akong naglakad palabas ng kwarto ko. 


Hindi ko alam kung maingay ba ang bawat paglakad ko sa hallway ng Manor dahil ang tenga ko ay wala nang marinig dahil sa nakakabinging ring sa utak ko na hindi ko mapigilan. Ginaanan ko lang ang bawat hakbang para walang makaalam na gising pa ako ng oras na 'to.


Nang makababa sa hagdan ay hindi ako sa main entrance lumabas. Inikot ko ang Manor at sa likod na parte lumabas. Tanging tanglaw lang ng buwan at mga bituin sa langit ang tumulong sa akin para hindi madapa at makalabas ng Manor sa gilid na parte at hindi sa main entrance.


Nilakad ko ang damo. Dahil naka-shorts lang ako 'pag natutulog ay laking hadlang ng matataas na talahib sa gilid ng Manor. Pero tiniis ko 'yun hanggang sa marating ko ang madilim na parte ng pathwalk. Curfew na at hindi pwedeng mahuli ako.

daddy, i need your moneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon