₱ 19 - daddy, we're making progress

48.1K 656 306
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


♡ ₱ ♡



"Anong meron?" pag-usisa ni Seb sa nasa harap namin.


Lumingon naman ang kinalabit niya na si Beatrice pala. Hindi ko nakilala dahil sa bago niyang hairstyle. And laki na talaga ng pinagbago niya simula ng first semester. Pero ang hindi nagbago sa kanya ay ang masamang tingin niya na binigay niya kay Seb.


"If I knew, I wouldn't be here," maarte niyang sabi.


Seb made a face, halatang naasiwa sa ugali ng babae. "Do'n tayo sa harap," pag-aya niya sa akin at hinila ang braso ko para sumiksik kami papunta sa harap ng mga schoolmates naming nagtitipon sa labas ng dining hall.


Katatapos lang ng klase namin na pang-umaga. Syempre, ang kasunod na nito ay lunch na. Dahil Calculus ang subject namin bago nito ay sagad ang dalawang oras na klase. Kaya naman nang dumating kami sa dining hall ay nagtaka kami nang makitang sarado ang pinto at nagkukumpulan ang lahat sa labas.


Bawal kaming hindi sumalo sa lunch. Kapag suspended ka lang o may sakit ka pwedeng hindi sumalo. Hindi rin naman nagse-serve ng pagkain ang mga butlers sa Manor nang ganitong oras at sarado ang gate papunta sa Town kaya pagkain lang dito sa dining hall ang pampalipas ng gutom tuwing tanghali.


Bakas ang gulat sa lahat dahil sarado pa ang pinto ng dining hall kahit alas-onse na. Dapat ay bukas na 'to bago pa mag 10:30 pero ngayon ay narito kaming lahat sa labas.


Dinala ako ni Seb sa malapit sa mga kapwa namin Charlie. Tinanong agad ng mausisang Seb si William.


"We've been here for half an hour. The door is just locked," sagot nito.


"Oh, here comes a butler," mahinang anunsyo ni Karina na kami lang ang nakakarinig.


Isang butler ang dumaan sa mga nagkukumpulan naming mga schoolmates. Nang makarating sa harap ay binuksan niya ang pinto gamit ang isang malaking susi na kagaya ng sa mga cartoons.


"Sa harap tayo," pag-aya ni Seb kaya sumunod nalang ako.


Chismoso rin naman ang mga schoolmates namin pero may class ang mga anak mayamang 'to kaya agad kaming napunta sa harap.


daddy, i need your moneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon