E₱ILOGUE - daddy, i need your money

48.5K 901 465
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


TW: Violence, Abuse


♡ ₱ ♡



"How are you, Xy?"


Tinitigan ko ang aking ama na nakaupo sa kanyang swivel chair sa likod ng kanyang narrang table. Magka-krus ang mga daliri niya at ang siko ay nakapatong sa arm rest ng inuupuan. Prente siyang nakasandal habang may ngising nakatingin sa akin.


Nandito na naman kami sa kanyang office sa mansyon niya. Naka-upo na naman ako sa velvet na upuan sa harap niya na siya ko ring inupuan noong una kaming magka-usap.


Umayos ako ng upo at inilibot ang mata sa opisina. Walang nagbago. Nandoon pa rin ang mga libro na mukhang hindi naman nagagalaw. Ang view sa labas ay nandoon pa rin at kahit hapon ngayon ay natatandaan ko pa rin ang tanawin na nakita ko ng umagang inilahad niya ang kanyang deal. Pero mayroong isang nagbago sa opisina na 'to.


Nilingon ko ang family picture sa pader. Hindi na 'yun picture ng aking ama at ni Genevieve. Picture na niya 'yun at ni Gwendolyn – ako.


Mahina akong natawa at umayos ng upo. Binalik ko ang tingin sa kanya at sumagot. "Fine, I guess."


Tumagal naman ang tingin niya sa akin. "How are you liking your life so far?"


Tumaas ang isa kong kilay. "Which life, outside the school or inside?"


"Which one do you like better?"


"'Yung walang patayan, syempre. 'Yung nagbabakasyon lang ako."


Napatango tango naman siya. "Congratulations on proving your innocence."


I cocked my head sassily to the side. "I am completely innocent anyway."


"Xy, there's no complete innocence," pagdidiin niya nang umiiling. "You did something in one way or another, may it be small."


I hid a body, cleaned it and then nilabas lang namin na parang isang laruan.


daddy, i need your moneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon