S₱ECIAL CHA₱TER 2 - daddy, i love you

39.3K 642 336
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


♡ ₱ ♡



"Looking at your crime?"


Nilingon ko ang lalaking tumatayo sa tabi ko. Ang mata nito ay nasa kaharap naming painting na may malaking slash na X sa gitna. Nakalugay ngayon ang mahabang buhok ni Isaac. At ngayon ko lang narinig siyang magsalita. Matinis ang boses niya parang isang ipis.


"How are you sure I did this?" tanong ko habang sinusuri siya.


Matangkad ito, lampas nang kaunti sa painting na nasa pader. Ako kasi, sa three-fourths lang ng painting na naka-display sa pader ang abot ang ulo ko. So, it's not him.


"Many reasons." Tinapunan niya ako ng tingin. Seryoso ang mukha nito. "Aunt Jacinta doesn't like you, right?"


"If she doesn't like me, I'm sure doing this would be a bad idea."


Wala naman nang sinabi ang lalaki. Pinagpatuloy ko lang ang pag-obserba sa sirang painting kahit alam kong katabi ko pa rin ito.


Ang painting na sinira ay 'yung may pulang kakaibang bulaklak. Napakaganda pa naman ng painting pero ngayon ay halos hati na ito sa gitna. Mula sa corner right sa taas, diretso ang punit hanggang sa corner left sa baba. Pero sa left side, ang punit ay nagsimula lang sa tapat ng mukha ko pababa sa corner right.


So, technically, hindi siya nasira sa apat dahil mas mababa ang naging hiwa sa kaliwa.


Na-bored na yata si Isaac kaya umalis ito. Nang maramdamang wala na ang presensya niya, tinaas ko ang kaliwang kamay ko at sinundan ang hiwa sa kanan. Halos hindi ko maabot ang dulo ng slash sa taas, need pa tumingkayad. Then, still using my left hand, sinundan ko naman ang kaliwang hiwa.


Tama ang hinuha ko.


"Xy," narinig kong tawag sa akin ng boses ni Havoc.


Nilingon ko naman ito. Sapat na ang obserbasyon ko. Iisipin ko nalang kung sino ang gumawa nito.


Galing si Havoc sa pagpapakalma sa kanyang ina. Kanina kasi, nang makita ako nito ay nag-init siya at muntik pa akong sugurin. Buti ay katabi siya ni Havoc at napigilan niya ito. With worried eyes, hinila ni Havoc ang ina niya palayo. Sa kwarto yata sila pumunta pero ang alam ko ay kinausap niya ang ina niya.

daddy, i need your moneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon