WC #1: Man in black

206 3 0
                                    

Chapter I

9 years later...

"Langya, tagal kong hinintay na tumanda ako tapos ito ang bubungad sa'kin? Gusto ko na yatang bumalik sa pagkabata!" paghihimutok ni Maddison nang makatanggap ng email na hindi siya pumasa sa isa sa mga pinagpasahan niya ng resume. Ang dami niyang pinasahan pero kung hindi bagsak, hindi naman siya sinasagot.

Inasahan na niyang wala siyang aasahan sa pagpapasa ng resume sa online kaya gumawa siya ng backup. Naglaan siya ng oras para sa job interview at ngayong araw na iyon. Naka-dalawa na siyang pinuntahan at sa dalawang iyon, mas mahaba ang oras niya sa pagpila kaysa mismong job interview. Wala siyang ideya kung papasa siya pero alam niya sa sarili niyang ginawa niya ang lahat ng kaniyang makakaya.

Inayos ni Maddison ang medyo gusumot niyang blazer at itinali ang plantsado niyang buhok. Hinatak niya rin pababa ang pencil skirt niyang medyo umaangat na. Dahil wala nang nakakakita sa kaniya, tinanggal niya muna ang suot niyang heels at binitbit ito. Masakit na kasi ang paa niya dahil hindi talaga siya sanay magsuot ng mga may takong na sapatos. Mamaya niya na lang ulit ito isusuot kapag i-interview-hin na ulit siya. May tatlo pa siyang balak puntahan ngayong araw.

"Ba't ba kasi ang aarteng pumili ng mga HR? Ang chachaka naman ng mga itsura," irap ni Maddison habang naglalakad patungo sa pinakamalapit na tindahan ng sigarilyo. Tanghali pa lang pero nai-stress na kaagad siya. 

Dalawampung taon gulang na si Maddison pero kakatapos lang sa Senior high school. Dapat nasa ikalawang taon na siya sa kolehiyo kaso dala ng kahirapan, tumigil siya ng dalawang taon.

Marami silang magkakapatid at sila ang nagkaroon ng pagkakataon para ituluy-tuloy ang pag-aaral. At para sila ang hindi huminto, nakikipagsapalaran si Maddy ngayong mag-apply ng trabaho kahit hindi pa siya nakakapagtapos sa kolehiyo. GAS strand ang tinapos niya dahil wala pa siyang maisip na kurso pero ngayong tapos na siya, wala pa rin siyang mapili. Ito rin ang isa sa mga rason kung bakit hindi siya tumuloy sa kolehiyo. Paniguradong masasayang lang ang pera pampaaral sa kaniya.

Morena si Maddison at payat ang katawan kahit na bilugan ang mukha. Kulot ang buhok niyang kulay itim, medyo singkit, maliit ang ilong, manipis ang kilay, at makapal ang labi. Hindi siya gaanong katangkaran kaya kailangan niya pang magsuot ng may takong na sapatos.

"Manang, isa ngang yosi," sambit ni Maddison pagkaalis ng isang binatang nasa harap niya. Nakaitim na turtleneck ito at halatang makapal ang tela. Kung tutuusin ay nakaitim ito mula ulo hanggang paa. Wala itong suot na sumbrero pero may black shades na nakapatong sa ulo nito. Naka-itim itong pantalon at sapatos. Dahil napansin niya ang suot nito, pakiramdam niya ay siya ang nainitan. Anong trip ng mamang 'to? Hindi na lang magpayong kung ayaw maarawan.

"Ilang yosi, ga?" tanong sa kaniya ng tindera at sumenyas siya ng tatlo gamit ang daliri.

"Pahiram na rin ng lighter," dagdag pa ni Maddison at sinundan ng tingin ang matangkad na lalaki kanina.

"Manang, anong binili ng mamang 'yon?" bulong niya at ngumuso rito.

Inabot sa kaniya ng tindera ang sigarilyo at lighter at saka sinilip mula sa butas ang tinitingnan niya bago sumagot. "Isang bar ng chocolate."

"Ohh," patango-tangong sagot ni Maddison at nagbayad na. Hindi niya napigilang magkaroon ng kuro-kuro sa binatang nakita. Kaya naman pala pak na pak ang awrahan ni kuya, may date pala- pero mukhang lamay ang pupuntahan niya dahil sa damit niya.

"May defense ka pala, ga? Ba't ganiyan ang suot mo?"

"Job interview, manang," pagtatama ni Maddison at sinindihan na ang sigarilyo.

Winged ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon