Chapter XI
It's been a week.
Hìndi pa rin bumabalik si Maddison sa mansyon dahil wala pa siyang natatanggap na tawag mula kay Ryker. Sa totoo lang ay gusto na niya itong makita para alamin ang kalagayan nito pero ayaw niyang bumalik nang hindi nagpapaalam.
Am I fired?
Isa ito sa mga tanong na hindi nagpapatahimik kay Maddison. Sa loob ng isang linggo ay hindi siya mapakali. Batid niya ang tungkol sa kasunduan nilang kung ano ang nararanasan niya sa mansyon ay hindi pwedeng ipagkalat pero nahihirapan siyang sarilinin ang bigat sa dibdib niya. Hindi lang dahil sa takot na baka tinanggal na siya sa trabaho, kundi dahil sa takot na hindi na niya ulit ito makikita.
Siguro mali ako. Pero paano nga kung tama? Paano kung nag-e-exist ang tulad nila tulad ng sabi ng librarian?
Dapat ko na bang pigilan 'tong nararamdaman ko kay Ryker kahit na nagsisimula pa lang?
Bumuga ng hangin si Maddison.
Halos dalawang buwan na buhat noong nagsimula siyang magtrabaho sa mansyon at sa dalawang buwang iyon, hindi siya gaanong pinahirapan ni Ryker. Minsan lang siyang utusan nito kaya ang madalas niyang ginagawa ay titigan ito at obserbahan ang mga kilos. Hindi rin kasi siya tumatambay sa sariling kwarto para pwede siyang tawagin anumang oras. Ang madalas nilang pinagtatambayan ay sa sala, hardin, silid-aklatan, at sa kusina kung saan ito nagluluto at tumutulong siya.
Hindi pa rin gaanong kilala ni Maddison si Ryker pero hindi hadlang iyon para magustuhan niya ito. May kakaibang awra itong nakakahatak sa kaniya kaya ganoon na lamang ang paghanga niya sa kaniyang amo. Pero ngayong may hinala niyang hindi ito ordinaryong tao, bigla siyang nag-alangan at kinabahan.
Dahil wala siyang mapagkakatiwalaang iba, si Prince ulit ang tinawagan niya. Medyo maagang natapos ang klase ng binata kaya naisingit nito ang oras para makipagkita sa kaniya.
Hapon na at galing sina Maddison at Prince sa burger house malapit sa unibersidad na pinapasukan ni Prince para kumain ng meryenda at mag-uwi ng pasalubong para sa mga kapatid ni Maddison. Paulit-ulit siyang bumuntong hininga habang magkasama silang naglalakad.
"Lalim ng paghinga mo, ah. 'Di ka pa rin ba ayos? May bumabagabag pa rin sa isip mo?" tanong nito at sinilip ang mukha niya.
"Tangina, oo, nadagdagan pa nga yata."
"Bakit? Ano pa bang iniisip mo?"
"Ano kasi..." pabiting sambit ni Maddison at nag-aalangan sa sasabihin. Nag-isip siya kung paano magkukwento sa paraang hindi mahahalata ni Prince ang buong pinagdaraanan niya nitong nakaraang buwan. "M-May sinabi sa akin y-yung kaibigan ko."
"May kaibigan ka pa bukod sa'kin?"
"Inamo, Prince! Anong akala mo sa'kin, loner?"
"Tuloy na sa kwento," natatawang saad nito at tinapik siya sa balikat.
"S-So ayun nga! Sabi gusto ng amo niya— I-I mean, ng kakilala niya confidential daw dapat lahat. Yung silang dalawa lang ang nakakaalam ng ginagawa nila."
"Ano bang ginagawa nila? Ilegal? Kalaswaan?" tanong ulit nito kaya sumama ang tingin niya. Agad nitong tinaas ang dalawang kamay at hilaw na ngumisi. "Sabi ko nga shut up na ako."
"Tapos ayun nga, sinabi niyang you're all I need. At muntik pa nga yata siyang halikan nito kung 'di lang ito nakapagpigil! Sa tingin mo ba may gusto yung taong 'yon sa'kin?"
"Sa'kin? Anong sa'yo? Ikaw ba ang tinutukoy mo?" naguguluhang tanong ni Prince.
"I-I mean sa kaibigan ko kasi!" asik ni Maddison at napamura sa isip. Gusto niyang sapakin ang sarili niya dahil muntik na siyang malaglag.
BINABASA MO ANG
Winged Chaos
VampireAs soon as Maddison realized that Ryker was winged and the way they flew in the night sky, she knew it was chaos. *** Maddison Palacio, a senior high school graduate, works as an assistant of Ryker Verano- a lone vampire heir who lives alone in a ma...