Chapter XVII
Naging mabilis ang buong pangyayari para kay Maddison. Parang kanina lang ay nakaupo siya sa isang sulok ng function hall habang matiyagang naghihintay rito—ay mali, parang kanina lang ay ayaw nitong magpahawak habang naglalakad sila sa carpet, tapos ngayon ay siya na ang hawak ni Ryker. Hindi nga lang bilang magkasintahan kundi bilang isang hostage-taker at bihag.
"Maddy!" sigaw ni Prince mula sa kumpol ng mga taong takot na nanonood sa kanila.
"P-Prince," mangiyak-ngiyak na sambit ni Maddison at napadaing dahil sa paghigpit ng pagpulupot ng braso ni Ryker sa leeg niya. Hinawakan niya ang braso nito para kahit papaano ay hindi siya mapwersa kapag humakbang ito o kumilos.
Sa isang iglap ay nanumbalik sa isip ni Maddison ang buong usapan nila ni Prince kanina.
"Paano kung mabago ko ang puso niya?" pahabol ni wika ni Maddison habang nakatungo. Natigil sa paghakbang si Prince at napalingon sa kaniya.
"What if I can change Ryker's heart?" pag-uulit niya kasabay ng pag-angat ng ulo.
"Paano kung hindi mo kaya? Paano kung hindi lang 'yan ang abutin mo sa kaniya?"
"Susubukan ko pa rin," giit niya na para bang siguradong sigurado na sa sariling desisyon. "Yung sa mga kanta nga, handa nilang ibigay buong buhay nila para sa taong mahal nila."
"Ibahin mo ang mga kanta dahil karamihan sa mga 'yon ay exagg at dala lang ng bugso ng damdamin. Base sa nararamdaman niya sa mga oras na 'yon."
"Sinasabi mo bang exaggerated ako?"
"'Di naman pero... tulad ng nasa kanta, pwedeng exagg nga, o selfless, o 'di kaya naman..." pabiting sambit ni Ryker at diretsong tumingin sa mga mata ni Maddison.
"Ano?"
"Hindi sila mahal kaya ganoon na lang sila kadesperada. Alin ka sa tatlo?"
Kahit na yung pangalawa yung gustong sabihin ni Maddison, hindi niya ito masabi. Hindi niya alam kung dahil ayaw niyang magyabang o sadyang hindi siya sigurado sa tamang sagot.
"Tama ako, 'no? Hindi ka talaga niya pinahahalagahan." Sa halip na maging mapagmalaki ang boses ni Prince, magkahalong lungkot at galit ang bumakas dito. Pero kahit anong emosyon ng binata ay walang tumalab kay Maddison na tila nagsara na ang isip.
"'Wag ka ngang magmagaling. Wala ka namang alam sa nangyayari. 'Di mo alam ang kalagayan niya at ang dahilan kung ba't niya ginawa ang mga 'to."
Nangibabaw ang galit ni Prince at halos magdikit na ang mga kilay. "Ba't mo ba pinagpipilitan? Para patunayan sa'king kaya mong magtiis?"
"Hindi. Para patunayan ko sa'yo kung gaano ko siya kamahal at handa akong sumugal. Kung inaakala mong lumalandi lang ako, nagkakamali ka. Seryoso ako sa kaniya, Prince," pagpapaintindi ni Maddison at lumapit. Hinawakan niya ito sa balikat at nagsalita ulit. "Be a hero as much as you want, but don't get in the way of my villain. Parang awa mo na, hayaan mo na kami."
"Baka sa sobrang pagmamahal mo ay nabubulag ka na, Maddison. Real lovers don't do that." Tinabing nito ang kamay niya at itinuro ang braso. "At correction nga pala tungkol sa sinabi mo kanina sa hero at villain. Kung kaya niyang isakripisyo ang mundo kung saan maraming inosenteng tao, hindi malabong gawin niya rin sa'yo kahit gaano ka pa kaespesyal."
'Hindi malabong gawin niya rin sa'yo kahit gaano ka pa kaespesyal.' This echoes in Maddison's mind as he gets captured with Ryker's arms. Parang tambol ang tibok ng puso niya at kulang na lang ay matumba sa sahig dahil sa panginginig ng tuhod.
BINABASA MO ANG
Winged Chaos
VampireAs soon as Maddison realized that Ryker was winged and the way they flew in the night sky, she knew it was chaos. *** Maddison Palacio, a senior high school graduate, works as an assistant of Ryker Verano- a lone vampire heir who lives alone in a ma...