WC #23: Chaos

49 1 0
                                    

Chapter XXIII

Present...

"See you on the other side," mahinahong sambit ni Prince habang nakahawak sa magkabilang balikat ng nakatalikod na si Maddison. Pilit siyang ngumiti at hindi na sinundan ang sinasabi para hindi tumulo ang luha kanina pa gustong bumuhos mula sa mga mata niya. Pasalamat na lang siya ay nagawa niya pang pigilin.

Mabigat sa dibdib ni Prince ang ginawang pagtalikod ni Maddison kahit na alam niyang ito ang dapat gawin. Sa katunayan, siya ang nagpupumilit na paalisin ito para maako niya ang responsibilidad na tapusin ang sumpa. Lalo pang sumikip ang loob niya nang makita ang pagbigat ng paghinga nito. Hindi man ito nagsasalita ay alam niya kung gaano kahirap rito ang sitwasyon.

Tahimik na pinanood ni Prince si Maddison na maglaho sa dilim. Nang mawala na ito sa paningin niya, napaupo siya sa upuan at saka lang nakaramdam ng pagod at takot. Ibinigay na niya ang relo niya kay Maddison kaya wala na siyang orasan. Ang alam niya lang ay halos isang oras na lang ang natitira bago sumapit ang alas-dose ng hatinggabi.

Wala pang sampung minutong paghihiwalay ay sobra na siyang nag-aalala para kay Maddison dahil sa mga pasa nito sa katawan na alam niyang kay Ryker nagmula. Kinakabahan siya sa kaligtasan nito pero wala siyang magagawa kundi magtiwala sa kakayahan nito. Gusto niya sana itong ihatid hanggang sa makarating ito sa ligtas na lugar pero mas mahihirapan sila kapag nagkataon. Baka pareho silang mahuli at mapahamak kung walang magbabantay sa mansyon.

"Kalahating oras na lang siguro..."

Hindi pa siya pwedeng lumabas sa silid na ito dahil iniiwasan niyang makagawa ng dagdag na ingay na maaaring magpalabas kay Ryker sa silid nito. Base sa librong binasang niyang isinulat ni A. P., may ritwal pang kailangang isagawa bago sumipsip ng dugo ng tao ang isang bampira. Mag-isa nitong ginagawa ang ritwal sa sariling silid at sa mga oras na iyon, sarado ang limang pandama nito.

Kung tama ang hula ni Prince ay mamaya pa pupunta sa si Ryker sa basement, kung nasaan siya, para sunduin si Maddison. Plano niyang salubungin ito.

"I am a hero. I am Maddy's hero," paulit-ulit na banggit ni Prince sa sarili. Hindi pa man niya nakikita si Ryker ay tinatakasan na siya ng lakas ng loob.

Kiniskis niya ang mga palad niya at naghanap ng magagawa para maibaling ang atensyon. Saka niya lang napansin ang isang parihabang bagay na nakapatong sa lamesa. Ang nawawala niyang laptop.

Kung kanina ay masama na ang loob ni Prince, ngayon ay nadoble—o natriple pa ito. "Sinubukan pala ng kumag na 'yon kung sino ang pipiliin ni Maddy. Malamang, 'di ako 'yon. 'Di nga nag-abalang sabihin sa akin ang tungkol dito."

Para may magawa ay binuksan niya ang laptop. Bumungad sa kaniya ang baby picture ni Maddison. Magtitingin sana siya ng mga lumang files pero nahagip ng paningin niya ang maliit na caption na nasa ilalim ng litrato. Kumunot ang noo niya dahil sa pagtataka. Wala siyang natatandaang naglagay siya ng kahit anong salita rito.

"Prince, kung sakaling mabasa mo 'to, I love you. Sorry huli na nang matanto ko. -Maddy." Nag-unahang tumulo ang luha sa mga ni Prince dahil sa nabasa niya. Sa isang iglap ay gumaan ang pakiramdam niya at lumuwag ang paghinga. Kung pwede niya lang yakapin ngayon si Maddison ay ginawa niya na at paulit-ulit na sasabihin kung gaano niya ito kamahal.

"Sana may pagkakakataon pa," bulong niya sa hangin. Now he had the guts to face him.

Inilatag ni Prince ang mga gamit na galing sa bag niya kanina. Gusto na niya sanang sumugod kaagad kaso natatakot siyang baka hindi pa nakakalabas si Maddison sa mansyon. Habang nagkikitil ng oras, inihanda niya ang kutsilyo niya, holy water, bawang, at kung anu-ano pang gamit na maaaring makaapekto kay Ryker.

Winged ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon