WC #16: Masquerade

65 2 0
                                    

Chapter XVI

Hapon na pero tila magsisimula pa lang ang araw nina Maddison at Ryker. Kasalukuyan silang nasa sala at nag-aayos ng sarili dahil dadalo sila sa isang masquerade ball na magaganap mamayang gabi.

"Ang shala naman ng damit na 'to. 'Di yata bagay sa hampaslupang tulad ko," sambit ni Maddison habang nakatingin sa kaniyang repleksyon sa salamin. Suot niya ang kulay brown na long puff sleeve and sweetheart neckline long gown with slit. Hapit ito sa kaniya kaya naisip niyang mas mapayat si Amity sa kaniya.

Isa sa mga dahilan kung bakit ito ang napili niya sa daming gown na nakasabit sa aparador ay dahil sa mga pasa niya sa braso at iba't ibang parte ng katawan. Kinailangan niyang takpan ang mga iyon kaya balot na balot ang katawan niya. May pasa rin siya sa pisngi pero nagawa niyang takpan ng concealer at makapal na kolorete na galing din mismo kay Ryker. 

Ingat na ingat pa siyang hawakan ang pisngi dahil bagong pasa pa lang iyon at medyo masakit pa. Nasampal na naman kasi siya nito at naitulak nung sinabi niyang aalis na siya. Nagkaayos naman agad sila pagkatapos dahil  ito ang umalis at pagbalik ay may dala nang pagkain na parang walang nangyari. 

Bumaling siya kay Ryker na nag-aayos na rin ng sarili. Suot nito ang black tuxedo, makintab na sapatos, at naka-brush up ang buhok. Lalo tuloy siyang nanliit sa sarili niya. "At sino ka naman d'yan, pogi? 'Di yata ako bagay na maging partner mo. Mahal kita pero alis na lang kaya ako?"

Saglit itong sumulyap sa kaniya gamit ang salamin at saka lumapit. He then kissed her on cheeks and whispered to her ears. "Don't leave. I still need you."

Kinagat ni Maddison ang labi niya para pigilan ang ngiti. Hanggang ngayon ay kinikilig pa rin siya kapag sinasabi iyon ni Ryker. Pakiramdam niya ay sobrang importante niya at ayaw nitong mawalay sa piling niya. At sa tingin niya rin ay mas kaya niyang tiisin ang pisikal na sakit kaysa emosyonal na maaaring maranasan niya kapag nagkahiwalay sila. Isa pa, hindi paghihirap ang binibilang niya kundi kung gaano niya ito kamahal.

"'To naman, nagbibiro lang ako," aniya at tiningnan ulit ang sarili sa salamin. He never said a thing about her looks but she's secretly wishing she wore it better than the original owner, her sister Amity.

Nang makuntento na sa kani-kaniyang itsura, naglakad lang patungo sa tulay sina Maddison at Ryker. Bitbit ni Maddison ang isang maliit na bag at  maskara nilang dalawa na kulay puti, samantalang walang kahit anong dala si Ryker.  Dahil alam na niya ang mahikang bumabalot sa kagubatan, kung saan namamanipula ni Ryker ang daan, sandali lang silang nakarating sa paroroonan. Pagkatapos ay nag-commute na lang sila gamit ang taxi papunta sa venue.

Nasa isang five star hotel ang venue ng masquerade hall. Huminto sa entrada ang sinasakyang taxi nina Ryker at Maddison.

"Ryker, libre raw sigarilyo rito. Smoke-free," biro ni Maddison at tinuro ang signage na nasa labas ng hotel kung saan may nakatalikod na tao. Hindi ito tumawa kaya napatikom siya ng bibig at napasabi sa sarili, "sabi ko nga malakas ang senses ng mga bampira maliban sa sense of humor."

Papasok na sana sila sa loob pero nahagip ng tingin ni Maddison paglingon ng kayumangging lalaking nakatayo. Naka-blue tuxedo ito at puting maskara sa mata, at sapatos na bagong kiwi. Naka-wax ang hockey hair nito pero nakilala agad niya agad ito.

"Ryker, pwedeng mauna ka na sa loob? Pa-save na lang ng upuan," pakiusap ni Maddison pagkakalabit kay Ryker. Kanina niya pa sana gustong kumapit sa braso nito o 'di kaya ay humawam sa kamay pero pinagbawalan siya nito at hindi niya alam kung bakit. Medyo nagtampo tuloy siya sa parteng iyon dahil pakiramdam niya ay ikinahihiya siya nito kaya ayaw nitong magpahawak. Gayunpaman, isinawalang bahala niya ito dahil ayos na sa kaniyang maging escort ito sa ganitong okasyon.

Winged ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon