WC #14: Attic

76 2 0
                                    

Chapter XIV

Inabot ng gabi sina Maddison at Prince sa labas tulad mismo ng hininging pabor ni Maddison. Naglakad lang sila paikot sa bayan habang pinagkukwentuhan ang kahit anong bagay na makita at mapansin nila sa daan. Tinuturing niya itong pabaon kay Prince para sa mga nagawa nitong magagandang bagay para sa kaniya.

"Did you know that Artemis is an ancient Greek goddess who is known as a virgin huntress and associated with the moon,"  paglalahad ni Prince habang nakatingala sa maliwanag na buwan at nakalagay ang magkabilang kamay sa likod.

Napatingin din doon si Maddison bago sumagot. "Malamang hindi. Ang alam ko lang gabi na at malapit na tayong umuwi."

Suminghap ito at tumungo. Bumagal din ang paglalakad nito. "Yung boyfriend mo ba... mapagkakatiwalaan 'yon? Paano mo siya nakilala?" 

Kasintahan ni Maddison. 

Ito ang paksang kanina pa nila iniiwasan sa kabila ng maraming katanungang bumabagabag kay Prince. Ito mismo ang humingi ng pabor sa kaniya na huwag magbabanggit ng kahit anong bagay na may kinalaman sa estado ng relasyon niya.

"Oo. Gentleman at maaalalahanin. Buti naman na-open up mo na kasi kanina pa ako kating-kating magtanong kung anong pwedeng iregalo sa kaniya sa birthday niya ngayong November 8."

"Alam mo kung kailan?"

"Malamang, bakit hindi?"

"Parang ang weird naman? Ba't niya pa inaalam ang birthday niya kung ilang dekada o siglo na siyang nabubuhay? 'Di ba parang ordinaryong araw na lang dapat 'yon?"

Nagkibit-balikat si Maddison. "Ay ewan. Either way, gusto kong gumawa ng paraan para maging espesyal ang kaarawan niya sa November 8. Ano sa tingin mong gusto niya? Base sa perspective ng lalaki."

"Ang tagal pa ng November 8. Ano bang gusto niya?" walang interes na tanong ni Prince kay Maddison.

"Okay na raw basta magkasama kami. Sobrang simple nga niya kasi ba't niya pa hihilingin 'yon e lagi naman kaming magkatabi magtulog."

"Anak ng pucha?" bulalas ni Prince at nanlalaking mga matang napatingin. "Akala ko ba inis ka sa ate mo kasi inuna niya ang sarili niya?! Bakit ginagawa mo na rin?!"

"Magkaiba kami ng ate ko. Marami pa akong pangarap kaya wala akong balak magpabuntis nang maaga. Atsaka kung sakali man, mapera si Ambrosio at magkaiba sila ng boyfriend niya. Walang rason para 'di niya ako panindigan."

Ginamit ni Maddison ang pangalang Ambrosio para hindi malaman ni Prince na ang amo niya at kasintahan ay iisa.

Napahilamos ng mukha si Prince at halatang hindi pa rin kumbinsidong ayos lang ang lahat.

"Wag mo na nga tong problemahin. Wala ka namang kinalaman kung may mangyari man sa akin o hindi."

"Kung gano'n, ba't ka pa nagkukwento sa'kin imbis na sa pamilya mo? 'Di ba dahil may pakialam ka sa'kin? Sa opinyon ko? At patas lang dahil may pakialam din ako sa'yo. Kung mabuntis ka nga, baka panindigan kita kahit pagalitan ako ng magulang ko," ani nito at halos pabulong na ang huling linya.

"No. 'Wag ikaw."

"Bakit?"

"Masyado kang bata para sa'kin, Prince. Mas gusto ko yung mature na tulad ni Ambrosio." Wala sanang balak si Maddison na sabihin ito pero si Prince din mismo ang nagtulak sa kaniya para magbitiw ng masasakit na salita. Para tuluyan na itong bumitaw, prangka pa siyang nagsalita. "Wag kang delusyonal, Prince. Nagsasabi lang ako para 'di mo na ako habulin."

Tuluyang bumagsak ang loob nito. Bumakas sa itsura nito ang pagkadismaya at walang ingay sa kalsada ang nakapagpabaling ng atensyon nito sa ibang bagay. Nanatili itong nakatitig sa kaniya at tila inaalam kung paano tatanggapin ang mga salitang lumabas sa bibig niya.

Winged ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon