POST WC: What happened to Ryker?

57 0 0
                                    

What happened  to Ryker?

Heroes and Villains are just the same except for one thing— the way they react to every situation they're facing. 

Nang dahil kina Prince at Maddison, nalaman ni Ryker ang pagkakaiba ng kahulugan ng mga salitang ito. Aminado siyang akala niya noon ay may karapatan siyang gawin ang lahat ng gusto niya dahil sa mga taong nanakit sa kaniya at sa buong angkan niya. Hindi niya inasahang mababago ang pananaw niya pagkatapos ng pinatunayan ng mga ito.

Maddison is a heroine, well at least for him. Sa kabila ng pangit nitong karanasan mula sa kaniya, hindi pa rin ito tumigil na magmahal at umunawa lalo na sa mga pagkukulang at kalabisan niya. 

Ganoon din pagdating kay Prince. Bugbog-sarado man ang inabot nito sa kaniya, hindi pa rin ito naging makasarili hanggang sa huli. Ang kaligtasan pa rin ni Maddison ang inisip nito, bagay na hindi siya makapaniwala dahil kasalungat nito ang ginawa niya noon kay Amity.

And he— he is the villain. Even though he tried to change the last minute before his birthday, it was too late. He can't undo all his actions before that... even way before Amity's time. Ang kinaibahan lang, pinagsisihan niya ang pagpatay kay Amity  ilang segundo pagkatapos niya itong gawin. Samantalang nasiyahan naman siya nang mapagtagumpayang hindi sumipsip ng dugo ng tao, lalo na kay Maddison, kahit napakahirap nitong pigilan. Naging mortal siya at tuluyang natapos ang sumpa.

Nothing went according to his plan, honestly.
When he planned to marry Amity, she rejected so he ended up killing her.
And when he planned to kill Maddison, she showed him some more love so he ended up letting her go.  

Hatinggabi noong ikawalo ng Nobyembre, kaarawan niya, inabandona niya ang mansyon. Isang araw matapos no'n ay nagkaroon ng bali-balita sa bayan nila tungkol sa pagiging bampira niya. Ilang linggo siyang nagtago at bumalik lang sa mansyon noong humupa na ang isyu. 

Gumawa siya ng paraan para tuluyang tapusin ang kuro-kuro. Kinuha niya ang ilang mahahalagang gamit na kaya niyang bitbitin saka sinunog ang buong mansyon. Dahil dito, ang naging suspetsa ng mga tao ay namatay na siya. Pagkatapos no'n ay namuhay siya nang mag-isa sa iba't ibang gubat at hayop, gulay, at prutas na lang ang kinakain. He never drank human blood again.

Hindi maitatangging nahirapan siyang magsimula ulit pero mas ayos iyon kaysa bumalik siya sa dating gawi kung saan halos gabi-gabi siyang nagnanakaw. Tulad ng ibang kontrabidang hindi namamatay sa kwento, nagkaroon siya ng pagkakataon para magbago. Inisip niya na lang na karma ang lahat ng nangyari sa kaniya. Isa pa, ang kasalukuyan na ang mas naging importante sa kaniya. Dito ay gumawa siya ng bagong kwento para sa hinaharap kapag babalikan niya na ito, hindi na pangit ang masasabi niya.

Sa paglalakbay nang mag-isa, hindi maiwasan ni Ryker na magnilay-nilay tungkol sa nakaraan niya. Nakakalungkot isiping hindi naging maganda ang huling tagpo nila ni Maddison. Hindi naging epektibo ang paghahabol nito sa kaniya dahil saka lang nito natanto ang halaga niya noong magkahiwalay na sila. He realized how much Maddison means to him, not because of her blood, but because of her herself. No one knows him and cares for him aside from her.  

Matagal siyang binagabag ng konsensya niya. Isang araw, nang makarating siya sa bayan ay napagawi siya sa bahay ni Maddison. Doon ay nakaisip siya ng isang ideya. Gamit ang pera mula ilang mga mamahaling ari-ariang binenta niya, kumuha siya ng tseke. Inilagay niya ito sa sobre saka inilusot sa ilalim ng pinto ng bahay ni Maddison. Gustuhin man niyang maglagay ng kahit maikling note ay hindi niya ginawa. Bukod sa hindi niya alam kung saan magsisimula, para sa kaniya ay hindi sapat ang salitang "sorry" at "salamat" para malimutan nito ang lahat ng mga ginawa niya o para patunayang nagbago na siya.

Sa halip, pinatunayan ni Ryker na nagbago na siya sa pamamagitan ng aksyon. Hindi na siya muling nanggulo kahit na alam niya ang tinitirhan ni Maddison. Noong una ay nahirapan siya, lalo na nung aksidente niyang malaman ang lokasyon ng bagong pinagtatrabahuan nito. Hindi mabilang sa daliri kung ilang beses siyang patagong sumunod para lang siguruhing maayos ang bago nitong amo.

'It's not too late to change, maybe,' sa isip-isip ni Ryker habang tinatanaw mula sa malayo si Maddison. Halata ang lungkot sa mga mata niya habang nakatitig sa itsura nito para kabisaduhin ang bawat detalye. Dahil mortal na siya ay limitado na ang kakayahan niya. Hindi niya kayang laging sumunod dito at para sa kaniya, oras na rin para tuluyang isara ang pahina ng buhay ni Maddison kung saan kabilang siya rito. 

It's kind of tragic for Ryker, and for Maddison maybe. But it's the best thing he could do to show his genuine love for her.

Winged ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon