WC #3: The mansion

171 2 0
                                    

Chapter III

Nanigas sa kinatatayuan si Maddison nang tumambad sa harapan niya ang isang malaking mansyon sa gitna ng kakahuyan. Sobrang layo nito sa inaasahan niya—wala ito sa eksenang iniisip niya habang tinatahak ang daan patungo rito. Nasa imahinasyon niya na nga ang pinakamalalang pwedeng mangyari tulad ng pagkuha ng laman-loob niya at pagllibing ng bangkay sa gitna ng gubat. Ang mga katulad niyon ang naisip niya, hindi ito.

"Pu. Tang. Ina," unang salitang lumabas sa bibig ni Maddison. "B-Bahay mo ba 'to?" 

Saglit siyang sinulyapan ni Ryker. "Sumunod ka sa'kin."

"S-Sumunod saan?" tarantang tanong ni Maddison at nadagdagan pa nang magtungo si Ryker sa tarangkahan at buksan ito saka pumasok. Nakita niya ang fountain sa gitna at hardin sa magkabilang bahagi. No way. I'm not gonna enter that fucking gate and that fucking door—and that fucking mansion itself.

Napaatras si Maddison habang kumakabog ang dibdib at nanginginig ang tuhod. There's something fishy with this creepy mansion, she thought. Kung tutuusin, sa umpisa pa lang ay may kakaiba na rito at parang may mali. Pero dala ng pangangailangan, pinatulan niya agad ito kahit hindi pa siya nakakapag-background check tungkol sa papasukan niya at sa mismong taong biglang kumausap sa kaniya. Hindi niya alam kung huli na ang lahat pero nagsilbi itong aral sa kaniya ngayon.

Nilakihan ni Ryker ang awang ng tarangkahan at sinenyasan siyang pumasok. Sa halip na sumunod, tumalikod siya at akmang hahabang ngunit agad ding natigilan nang matantong hindi na niya alam ang daan pabalik. Hindi niya alam kung guni-guni niya lang pero nag-iba ang ayos ng paligid. Ang kaninang lugar na napalilibutan ng mga puno ay ngayong may tulay na sa bandang tapat ng tarangkahan.

"What on Earth—i-imposible!" habol-hiningang sambit ni Maddison at lumingon ulit kay Ryker. Blangkong nakatingin ang pares ng mga mata nito sa kaniya, tila nag-aabang ng susunod niyang gagawin.

"Mamamatay na ba ako?" she can't help but ask after recovering from shock.

"Magtatrabaho, Maddy. At unang araw mo ngayon." Kahit papaano ay lumuwag ang paghinga niya sa sinabi nito. Bukod sa tinawag siya sa kaniyang palayaw, nasagot ang tanong niya kaniya pang naglalakad sila papunta rito.

"Ah-hah, sorry bobo. Ano nga ulit ang trabaho ko, sir?" Awkward na tumawa si Maddison at pumasok na rin sa loob. Bitbit niya pa rin ang tote bag at hawak pa rin ang swiss knife sa kaliwang kamay.

"Assistant," tipid nitong sagot at iginiya siya papasok sa loob.

Tumambad kay Maddison ang malaking sala. Pinagmasdan niya ang lugar. May mataas na chandelier  na nakasabit sa kisame, dim lights, and wooden but classy furnitures. Marami ring kandila sa paligid pero walang sindi.

Tumuloy sila ni Ryker papunta sa kabilang silid at nasilayan ang silid-kainan. Sa gitna ay may isang mahabang lamesa at labindalawang upuan. Gothic ang disenyo nito, pati ang ilang mga display sa ibabaw ng kabinet sa gilid. Sa wari niya'y pinaglalagyan iyon ng mga pagkain at ilang kagamitan. Sa kaliwang bahagi naman ay may itim na glass cabinet kung saan nakapatong ang makikintab na mga kubyertos, at babasaging plato at baso.

Sa lahat ng mga nakita, nabuo ang kongklusyon sa isip ni Maddison. Paglilinisin ba ako ng buong mansyon? Hell, no.

Hinanap ni Maddison si Ryker at nakitang nasa tapat na ito ng isang medyo maliit na itim na pinto sa kabilang dulo ng silid-kainan. At nang buksan nito ang pinto, bumungad sa kaniya ang madilim at makipot na silid at hagdan pababa. Naisip niya tuloy ang pinakamalalang scenario na pwedeng mangyari sa kaniya kapag sumunod siya.

"Sumunod ka sa'kin," seryosong utos nito.

Muling nakaramdam ng takot si Maddison. Kumabog ang dibdib niya at nanlambot ang tuhod.

Winged ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon