Chapter VIII
"Horror house. Gawin mong horror house 'tong bahay mo. For sure maraming dadayo rito," panimula ni Maddison habang nakatayo sa tapat ng isang malaking sofa na inuupuan ni Ryker. Nakasuot siya ng formal attire at mataas na nakapuyod ang buhok. Halos kararating lang nila sa mansyon at sinundo ulit siya nito sa may tulay.
Habang naglalakad kanina, natanggal na naman ang sintas ng sapatos niya. Noong lumuhod siya para ayusin ito tapos tumayo pagkatapos, tila nagbago ulit ang itsura ng paligid at naging malapit na sila sa mansyon. Hindi lang pangalawang beses nangyari iyon dahil sa ilang beses siyang hinahatid o sinusundo siya ni Ryker, matuon lang saglit ang atensyon niya sa iba ay pagtingin niya, malapit na agad sila sa paroroonan—sa mansyon man o sa tulay. Nagtataka siya pero hinahayaan niya lang din tulad ng pagsasawalang bahala niya sa katotohanang nagtatrabaho siya sa isang malaking mansyon sa gitna ng kagubatan.
"You're all I need," sagot ni Ryker sa negosyong binanggit ni Maddison.
"Meaning...?"
"I don't need any staff. Kaya mo bang i-manage ang lahat ng costume na kailangan? Ayusin ang lahat ng dekorasyon?"
"Syempre hindi! Kahit gaano pa kalaki ang sahod ko, hindi ko kaya," pag-amin ni Maddison. "At oo nga pala, confidentiality rin base sa rule na ginawa mo. Walang makakaalam na andito ka sa mansyon nakatira at dito ako nagtatrabaho. Understood, sir—Ryker. Understood, Ryker."
"'Yan lang ba ang naisip mong negosyo?" tanong ni Ryker at bakas sa boses ang pagkadismaya.
"Of course not! Ako pa ba?"
Pumunta si Maddison sa kabilang dulo ng sofa kung saan niya ipinatong ang bag niya kanina at kinuha ang isang nakatuping manila paper. Bumalik siya sa harap ni Ryker at saka binuklat ang papel. Tumambad dito ang naka-bullet form na mga posibleng trabaho at tig-iisang pangungusap na deskripsyon ng mga ito.
"Gagawa pa sana ako ng ppt kaso wala akong laptop kaya sa manila paper na lang," paliwanag niya at isang beses na pumalakpak. "Anyway, here's my proposal. The first one in the list is podcast. Since maganda ang boses mo Ryker at mukhang marami kang alam sa mga bagay-bagay, may potensyal ka sa ganito. Ako na ang bahalang mag-upload sa iba't ibang social media platforms at hindi mo na kailangang lumabas ng mansyon. Pero kung shy-type ka o kaya tinatamad magsalita, pwede kang mag-blog. May computer naman kayo rito. Need lang siguro ng mas updated na PC or laptop kung balak mong seryosohin 'to."
Sasabihin pa sana ni Maddison ang pros at cons ng parehong trabaho pero napansin niya ang walang emosyong itsura ni Ryker. Nakasandal ito sa sofa at parang kaunti na lang ay tatayo na at aalis. Umayos siya ng tayo at nilaksan ang boses para sa huling trabahong nasa listahan niya.
"Vending machine kaya? Less hassle 'yun at hindi mo kailangang laging bantayan. Bibili ka lang ng vending machine at supplies. Pwede mong damihan dahil may budget ka naman tapos itayo natin malapit sa school, ospital, o kaya kahit saan basta malapit sa matataong lugar. Ano sa tingin mo, Ryker?"
"This is hopeless," komento ni Ryker at hinilot ang sentido.
"Eh? Pagkatapos ng lahat ng sinabi ko wala kang napili?"
"Nevermind about the business. Tatawagin na lang ulit kita kapag may iuutos ako." Tumayo na si Ryker at tumalikod.
Samantala, naiwan sa sala si Maddison na nanghihinayang sa pag-aayos niya ng sarili para sa wala dahil walang napili si Ryker. Nilukot niya ang hawak na manila paper at mapaklang bumulong. "Pft. Palibhasa unlimited ang pera kaya ayos lang kahit walang trabaho."
BINABASA MO ANG
Winged Chaos
VampireAs soon as Maddison realized that Ryker was winged and the way they flew in the night sky, she knew it was chaos. *** Maddison Palacio, a senior high school graduate, works as an assistant of Ryker Verano- a lone vampire heir who lives alone in a ma...