POST WC: Blood moon

65 1 0
                                    

Blood moon

It's November 8, 2022 today. The day Maddison used to look forward to. The birthday of the man she once loved.

Nasa mataas na lugar siya ngayon kung saan kitang kita ang kalangitan. Kasalukuyang kulay pula ang buwan, tila nagpapaalala sa kaniya ng mga napagdaanan niya na karamihan ay mga pasakit na naranasan niya mula sa kamay ni Ryker. Not everything is bad memories so it's kind of bittersweet.

Pasado alas-otso na ng gabi at mag-isa lang si Maddison habang nagmumuni-muni. Buti na lang ay maganda ang maganda ang kalikasan kaya kahit papaano  ay gumagaan ang pakiramdam niya. Isa itong malawak na lupain kung saan puro puno ang nasa paligid. Sa bandang gitna ay merong kubo kung saan pwedeng tambay. Dito siya inihatid ng taxi driver na ipinadala ni Prince. Pansamantala lang daw iyon para makapagpahinga at makapag-ayos siya bago umuwi sa bahay kinabukasan. Ang lugar na ito ang napili ni Prince dahil ito ang madalas nitong pinagtatambayan.

Ang isa pang nakakapagpagaan ng loob niya ay ang mga salitang isinusulat niya. Kapag may naiisip ay nilalagay niya ito sa kaniyang phone. Tahimik ang paligid at tunog lang ng phone niya habang nagtitipa, mga insekto tulad ng kuliglig, at pagaspas ng dahon ang naririnig. 

Gumagawa siya ng isang maikling artikulo tungkol kay Ryker— ang nag-iisang bampirang nakilala niya. Balak niya itong ibahagi sa social media para balaan ang mga tao, lalo na ang mga nakatira malapit sa kanila.

Ang bilis ng pangyayari. Parang dati lang ay ayaw niyang ipakilala sa mga tao si Ryker dahil gusto niya itong sarilinin. Ngayon naman ay gusto niyang isiwalat ang pagkatao nito hindi upang ipagmalaki, kundi para iwasan nila ito kung sakaling bigla itong lumitaw.

"What happened to Ryker?"

Ito ang pamagat ng artikulong isinusulat niya. Nakapaloob dito ang huling mga tagpo nilang dalawa ni Ryker kung saan siya sinaktan, pati ang mga kuro-kuro niya tungkol sa nangyari rito ngayon. Nabalitaan niya sa taxi driver kaninang tanghali na walang tao sa mansyon at ang bugbog-saradong si Prince na lang ang naroon. Ayon pa rito, dinala na nito si Prince sa ospital. Masakit man sa loob niya dahil siya ang may kasalanan no'n, kahit papaano ay napanatag rin ang kalooban niya dahil buhay ito at maaari pang maagapan ang natamong mga sugat.

Lately, she had a lot of goodbyes. From Ryker, Prince,... and Amity. 

Hinihiling ni Maddison na hindi sa mansyon ang magiging huling pagkikita nila ni Prince. Gusto niya sana itong bisitahin nang malamang nasa ospital ito pero wala siyang lakas ng loob na humarap sa mga magulang nito. Kaya ngayon, ipinagdarasal na lang muna niya ang agarang paggaling nito. Saka na niya iisipin ang ibang bagay kapag masinsinan na silang nakapag-usap. 

Pagdating naman sa namayapa niyang ate na si Amity, gusto niyang mas makilala pa ito. Parang imposible na dahil nasa kabilang buhay na ito pero may isang bagay na maaaring magkonekta sa kanilang dalawa. Hindi iyon sa pamamagitan ng panaginip, kundi isang materyal na bagay. Ang librong katha nito.

Binuksan niya at binasa ang ilang parte ng libro. 

"I miss my family... my home. Kahit pa walang-wala iyon sa laki ng mansyong ito, mas gugustuhin ko pang doon tumira at lumaki kasama ang kapatid ko. Wala akong gaanong naaalala tungkol sa kanila pero gusto kong gumawa ng bagong memorya kahit ngayon lang na dalaga na ako," pagbasa ni Maddison. Wala pang isang pahina ay tumulo na agad ang luha sa mga mata niya nang malamang kilala sila ni Amity, o kahit man lang ang mga magulang niya at si Marigold na nag-iisang kapatid nito noon.

Sa ilang oras ay marami pang nabasang pahina sa "A Vampire Book" si Maddison. Iyak-tawa ang ekspresyon niya sa ilang bahagi ng buhay ni Amity na isinalaysay niya sa libro. 

Samantalang magkahalong lungkot at galit ang nararamdaman niya sa tuwing nababasa niya ang tungkol kay Ryker at sa lahi nito. Pagdating niya sa huling pahina ng libro, sa kauna-unahang pagkakataon ay nakakita siya ng litrato. Hindi ito normal na litrato dahil pininta lang ito. Hindi na nakakapagtaka dahil hindi nakikita sa salamin at camera ang mga tulad nila.

Sa baba ay may nakalagay na caption , "Ryker's portrait by Olympia".

Kitang-kita sa larawan ang karaniwang ekspresyon ni Ryker na seryoso. Kuhang-kuha rin nito ang mga matang nakakalunod. At nang titigan ito ni Maddison, hindi niya mapigilang mapaluha. Ironically she hates his cruel deeds, but she can't hate him at all. He still holds a special place in her heart that can't be erased even after everything.

Pinunit ni Maddison ang larawang nakadikit sa libro. Itinupi niya ito at itinago sa loob ng pitaka niya.

Karamay. Kailangan niya ng karamay ngayon. Hindi na sapat ang kalikasan para pagaanin ang naninibugho niyang damdamin. Tumingala siya sa maulap na kalangitan at suminghap. Patuloy ang pag-agos ng luha sa mga mata niya. Naninikip ang dibdib niya sa kabila ng magandang sandali kung saan nasaksihan niya ang pagtatapos ng blood moon.

It took Maddison some time before she could finally wipe away her tears. Inilabas niya ang kaniyang phone at lakas-loob na tumawag kay Marigold kahit gabi na.

"Oh, napatawag ka, Maddy?" bungad ni Marigold mula sa kabilang linya. Halaya sa boses nitong wala itong kaalam-alam sa nangyari sa kaniya. Baka nga kung hindi siya magkukwento ay hindi nito, o kahit na sino sa pamilya niya, malalaman ang mga pinagdaanan niya.

"A-Ate..." garagal niyang sambit at humikbi.

Nagbago ang tono ng pananalita ni Marigold. Ang pagtataka niya ay naging pag-aalala. "Ba't ka umiiyak? Asan ka?"

"H-Hindi na mahalaga 'yon, a-ate. G-Gusto ko lang magkwento..."

Hindi man sila magkasama ay iniiyak ni Maddison ang lahat sa kapatid ate niyang si Marigold. Kahit na tahimik lang ito sa kabilang linya at hindi nakapagbigay ng kahit anong payo, sobra siyang nagpapasalamat sa presenya nito. Sa gabing iyon, isinantabi muna nilang dalawa ang pagkakaiba at hindi pagkakaunawaan. Pinairal nila ang pagmamahal bilang magkakapatid.

At buhat din noon, mas lalo silang naging malapit sa isa't isa, pati na sa anak ni Marigold na si Tammy. 

Si Tammy, ang pamangking itinuturing na anak ni Maddison, ang madalas niyang pingkukwentuhan tungkol kay Ryker hanggang sa lumaki ito. Madalas niya itong binabalaan dahil ayaw niyang maulit dito ang nangyari sa kaniya noon. Lagi niyang sinasabing huwag mahuhulog sa inosenteng itsura dahil hindi rito nababase ang pagkatao ng isang tao. Marami pa siyang payo at mga kwentong halos puro masasama tungkol kay Ryker nang hindi binabanggit ang mismong pangalan nito. 

Pero sa huling sandali ng buhay niya, bigla niya itong binawi. Saka niya lang din pinangalanan ang taong madalas na pinatutungkulan ng mga kwento niya kay Tammy. Ikinwento niya ang masasaya nilang mga alaalang nakabaon pa rin sa alaala niya kahit ilang beses niyang sinubukang makalimot.

Even after years, Maddison still thinks that Ryker is incapable of changing for the better based on their last interaction before running away from the mansion... but deep inside her heart knows she's still hoping that he would someday. And she'll be waiting for that day 'til they meet again.

Unfortunately, it didn't happen.

Winged ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon