WC #22: Cinderella

58 1 0
                                    

Chapter XXII

"M-Mahal din kita, Prince," puno ng emosyong wika ni Maddison sa binata. Whether it be romantic o platonic, one thing is for sure, she can't afford to lose Prince in her life. "A-At makasariling isipin pero masaya akong andito ka ngayon sa tabi, Prince. 'Di ko alam kung ito ba ang tamang oras na sabihin to pero... I'll let you call me love pag nakalabas ka rito."

Napangiti si Prince at nabuhayan ng loob. He's speechless by Maddison's sudden confession. He didn't expect this to happen, especially now that they're trapped in this hellish mansion.

"Maddy," pagsinghap ni Prince at akmang magsasalita pa pero pinutol ito ni Maddison.

"Saka na tayo mag-usap nang masinsinan kapag nakalabas na tayo rito nang buhay. Sa ngayon anong pwede kong gawin para makatulong sa'yo?" aligagang tanong niya at nagpalinga-linga. "Sorry wala akong maitulong sa'yo. S-Sorry talaga nadamay k-ka pa rito."

"Maddy, kalma. Kumalma ka." Hinawakan ni Prince ang magkabilang balikat niya at pinahinga siya nang malalim. Diretso siya nitong tiningnan sa mga mata at ginabayan sa paghinga para mabawasan ang pagkataranta. "Maddy, look. May power ka."

"A-Ano?"

"'Wag ka nang lilingon sa oras na makalabas ka rito sa mansyon."

Umiling-iling si Maddison at lalong nataranta. "Hindi, masyadong mababaw 'yon."

"No, Maddy. Alam ko kung gaano kahirap ang 'di lumingon at iwan ang taong gusto mo. 'Yon ang bagay na hindi ko rin magawa sa'yo kahit ilang beses mo pa akong itaboy."

It took Maddison some time before she could finally make up her mind. She decided to follow Prince's instruction.

"I'm sorry, Prince," naluluha niyang sambit at tumalikod. Wala pang ilang hakbang ay nilingon niya ito at dala ng takot na maaaring hindi na sila magkita ulit, ipinatong niya ang mga kamay niya sa balikat nito at hinalikan ang kaliwang pisngi. Paghiwalay ay saka siya nagsalita. "Thank you for being my true prince. And sorry if this first kiss of ours might be the last. And this might kill you, not make you live. And sorry... sorry for being like a Cinderella who's running away before midnight."

Dahil sa ginawa ni Maddison ay tila tumigil ang mundo ni Prince sa ilang segundo. Natulala ito at napapigil-hininga habang nakatingin sa kaniya. Nang makabawi ay kumurba pataas ang labi nito. "Ngayon literal na pwede na akong mamatay."

"Prince naman!" aniya at yumakap. Nahagip ng paningin niya ang mga nakaselyadong kahon na nasa sulok ng silid. Sa isang iglap ay nagkaroon siya ng lakas ng loob para tingnan ang kahit isa man lang nito.

"Joke lang, joke lang."

Paghiwalay nila sa isa't isa ay nilapitan ni Maddison ang isang kahon at hiniram ang kutsilyo ni Prince para gamitin itong pambukas. Nang matanggal ang tape ay tumambad sa kaniya ang napakaraming papel na may sulat-kamay ni Amity. Napaawang ang bibig niya dahil sa mga nadiskubre. Drafts tungkol sa libro at hate letters kay Ryker ang andito sa kahon. Mayroon ding ilang love letters para kay Julio na wala siyang ideya kung sino.

"Ba't iningatan niya pa ang mga 'to?"

"Ano, Maddy? May problema ba?"

"Itong mga sinulat ni Ate Amity. Bakit iningatan niya pa? Hindi kaya kahit papaano ay naging mahalaga siya kay Ryker?"

"Parang imposible 'yang sinasabi mo. Walang puso ang tulad nila. Hindi magsusulat ng ganitong libro si A. P. kung maganda ang pagsasama nilang dalawa. Don't complicate things too much, Maddy. Umalis ka na bago mahuli ang lahat."

Bumaling si Maddison kay Prince dahil sa natanto. "Prince, parang hindi ko yata kayang umalis."

"Ano? Bakit?" nagtatakang tanong nito.

Winged ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon