Chapter V
"Holy shit," unang reaksyon ni Maddison habang nililibot ang tingin sa basement na kinalulugaran nila ni Ryker. Ito ang tinutumbok ng silid ng pababang hagdan na kinatakutan niyang pasukin noong isang araw. At ngayon, nasilayan niya na kung gaano ito kaayos, nahiya na naman siya sa sarili niya dahil sa pagiging duwag at delusyonal niya.
"So, ito ang magiging working place ko. Tama ba, Sir Ryker?" tanong ni Maddison habang pinapanood itong nagpupunas ng isang gothic desk. Creepy ito sa paningin niya noong una pero nabawasan nang makita ang computer na nakapatong rito.
"Oo ito na."
"What. The. Fucking. Hell!" hindi makapaniwalang sambit ni Maddison. Maglalakad na sana siya ulit nang mapansin niyang nakatingin sa kaniya si Ryker. Tinampal niya ang sariling bibig. "I-I mean mas maayos pa 'to kaysa nasa isip ko. Kulang lang sa linis 'to at heaven na!"
Malaki ang basement sa mansyon pero nagmukhang maliit dahil tambak ito ng mga kahong pinaglalagyan ng iba't ibang gamit. May lumang kabinet din dito na medyo maalikabok at halatang hindi nabubuksan. Maski sa pader at kisame ay maalikabok din at bakas ang mga agiw. Pagdating naman sa ilaw, medyo dilaw ito at mukhang papundi na dahil sa pagka-dim.
"Drop the word sir. Pwedeng Ryker lang ang itawag mo sa'kin."
"Pero ang impormal no'n—"
Napatigil sa pagpupunas ng lamesa si Ryker at natigil din sa pagsasalita si Maddison.
"Okay, Ryker," she immediately responded and smiled sheepishly.
"Ito lang ang silid na lilinisin mo. Samahan mo'ko sa taas at ituturo ko sa'yo kung saan ang bodega," utos nito at inabot sa kaniya ang basahang pinamunas sa lamesa.
Umakyat sina Maddison at Ryker pabalik sa silid-kainan. Nilibot nila ang lahat ng silid na maaari nilang puntahan sa unang palapaf tulad ng kusina, banyo, at mga silis na iba't iba ang laki. Maraming mga silid ang halos walang gamit bukod sa sofa at lamesa. Ito ang isa sa mga silid na pwedeng pagdausan ng mahahalagang okasyon.
Sa lahat ng silid na napuntahan ni Maddison, isa lang ang tumatakbo sa isipan niya. Sana ay kasama niya ang magulang at mga kapatid niya sa paglilibot sa mansyong ito. It was her childhood dream. Gusto niyang makasama ang buong pamilya sa isang malaking bahay— kung hindi man mansyon. Nakakalungkot lang dahil hindi nasaksihan ng kaniyang inang si Ruth na makaahon sila sa kahirapan at matupad ang mga pangarap niya. Siguradong kapag nagkataon ay ito pa ang unang papalakpak at magsasabing ipinagmamalaki siya nito.
"Ryker..." Medyo naiilang pa si Maddison hanggang ngayon na tawagin sa pangalan ang amo niya pero ginawa niya pa rin dahil sa utos nito. Iyon lang din naman ang nabago dahil ramdam niya ang malaking pader sa pagitan nila.
"Dito ang bodega. Dito mo kukunin ang mga panlinis na kailangan mo," wika nito at hindi napansin ang pagtawag niya.
"Mag-isa lang ba kayong nakatira rito?" puno ng kuryosidad na tanong ni Maddison. Kahit medyo nahihiya dahil mag-amo sila ay hindi na niya napigilan ang sariling magtanong ng medyo personal na bagay.
Saglit na sumulyap sa kaniya si Ryker at saka bahagyang itinaas ang sleeve ng suot na itim sweater. V-neck ito kaya kitang-kita ang maputi nitong kutis. "Oo."
"Buti 'di ka nalulungkot. O nababaliw. At buti rin hindi ka nananakawan. Nababalitaan mo naman siguro yung mga nakawang nagaganap nitong mga nakaraang buwan. Pa'no kung biglang may nanloob dito? Kaya mo ba?" pagpapahaba ng usapan ni Maddison. Sinusubukan niyang tibagin kahit papaano ang pader sa pagitan nila ni Ryker dahil alam niyang matagal silang magkakasama. Pero balanse lang dahil baka makulitan ito at maisipan siyang sisantehin.
BINABASA MO ANG
Winged Chaos
VampireAs soon as Maddison realized that Ryker was winged and the way they flew in the night sky, she knew it was chaos. *** Maddison Palacio, a senior high school graduate, works as an assistant of Ryker Verano- a lone vampire heir who lives alone in a ma...