Kabanata 7

4.2K 130 1
                                    

Demi-human is a half animal and half human. Hindi naman 'yon kakaiba dito, may mga kaharian o city na hinahayaan nila na mamuhay ang mga demi-human kasama ang mga tao. Pero may mga tao na tinuturing sila na alipin lalo na ang mga mahaharlikang tao. Mas mababa ang tingin ng mga mahaharlika sa demi-human kaysa sa mga mahihirap na tao.



May mga tao na hinuhuli sila at binibenta sa mahirap man o sa mayayaman. Walang pinipili, basta kaya mo silang bilhin sa maganda at mataas na presyo, mabibili mo sila. Ang layunin ng taong bibili sakanila ay ang pahirapan, at abusuhin sila. At ang mas nakakadurog ng puso ay pati mga bata, mga wala pang muwang ay inaabuso na nila, pinapahirapan at pinapagawa ang bagay na dapat hindi nila ginagawa dahil sa mura nilang edad.



Ang nakakalungkot dito, walang kahit na sino ang kaya silang tulungan. Dahil nasa batas na nila na ang mga demi-human ay isa lamang alipin na dapat sundin ang mga tao. Kapag tinulungan mo sila, kamatayan agad ang kapalit.



"Miss?"



Nabalik ako sa huwisyo ko nang magsalita yung babae.


"Uh... Sorry po" hinging-paumanhin ko   "Uhm... Gusto ko po sana mag-stay dito ng apat na araw, may bakante pa po bang kwarto?"



"Meron pa miss, Hali ka at doon tayo mag-usap"




Naglakad na siya at pumasok sa loob ng counter table. May nilapag siyang notepad sa counter table at pen.



" Pa-sulat ako ng pangalan, ilang taon, address at kung ilang araw ka mananatili dito"



I just nodded then nagsulat na



" Adventurer ka ba miss?"



" Hindi po, balak ko po mag-take ng exam sa Gonzales University"  sabi ko tapos binigay na sakanya yung papel at pen.


"Ah.. pareho pala kayo ng anak ko. Uh nga pala, ako pala si Fiorna ang may-ari ng bahay-tuluyan na 'to. Pero tawagin mo nalang akong manang Fina"



" Eiri Avriel po, Eiri nalang po"


"O'sha Eiri, five penny"


Inabot ko sakanya ang limang penny coin



" O'sha, Ipapaayos ko na ang kwarto mo. Habang naghihintay may nais ka bang kainin?"



Napagod din ako sa paglalakbay at hindi pa din ako nakakakain ng pananghalian kaya medyo nagugutom na rin ako.



"Uhm... Kung ano nalang po yung masarap at affordable na meron kayo, isang order lang po ah"



" Okay sige, ihahatid ko nalang sa mesa mo"



Naghanap na ako ng mapepwestohan, Kaunti lang naman ang tao kaya nakahanap agad ako ng pwesto na medyo malapit sa may counter. Habang naghihintay nagbasa muna ako ng libro.  Minsan nakakasawa na rin magbasa ng libro pero wala naman kasing pwedeng gawin habang naghihintay ka. Pero nasanay na rin ako at naging libangan ko na rin ang pagbabasa ng libro. There's a lot of interesting story, madami na akong nabasang libro pero sigurado ako may mas maganda at kawili-wiling kwento pa ako mababasa at madidiskubre.


Kaya excited ako pumasok sa Gonzales University, mas madaming libro doon.




"Eiri, ito na ang pagkain mo"



Nialapg na ni aling Fina ang platong may lamang pagkain sa lamesa.



"Salamat po"



A Famous Killer Who Got Reincarnated As A Commoner (Isekai Series 5) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon