Kabanata 16

3.5K 122 3
                                    

"Because I like you"

Ugh!! Bakit hindi mawala sa isip ko yung sinabi niya?!!

Balak ko mag-review para sa written exam bukas pero sa tuwing babasahin ko ang nakasulat sa libro pumapasok sa utak ko ang sinabi niya. So I decided na matulog nalang SANA pero hindi ako makatulog!! 

"Because I like you"

D*mn!!

Pagkasabi niya non bigla nalang siya sumakay ng karwahe at umalis. Ang tagal ko nakatulala at nakatayo lang sa tapat ng inn, mabuti nalang at nakita ako ni manang Fina kaya medyo bumalik ako sa sarili ko pero yung lakas ng kabog ng dibdib ko, yung pamumula ng mukha ko at yung panginginig ng katawan ko hanggang ngayon hindi pa rin naaalis. Kinakabahan din ako para bukas dahil baka wala akong masagot sa exam.

D*mn!!

Kinabukasan, puyat ako at antok na antok pero nilalabanan ko lang. Kumain nalang ako ng madami para kahit papa'no may lakas ako. Sabay ulit kami ni Laria na pumunta sa pag-i-exam-an, katulad kahapon madami ang nandoon ang iba ay binabati ako, nginingitian ko lang sila at tinatanguan.

Nasa training field kami kung saan dito ginaganap ang pag-training at dito rin ginaganap ang mga ganitong exam. May parang maliit na school na may limang room lang, kung saan kami nag-exam ngayon. Hindi ko kasama si Laria dahil nasa ibang room siya. Nasa likod lang ito ng GU pero may pader 'yon at gate para hindi makapasok ang mga hindi belong sa school na 'to.

Nagsimula na ang exam namin, tahimik ko lang sinasagutan ang test paper. Nasagutan ko naman lahat, hindi ko nga lang alam kung tama mga sinagot ko. Nauna din akong natapos sa mga kasama ko kaya nauna din akong lumabas ng room.  Paglabas ko mag-isa palang ako sa labas kaya tumambay muna ako sa isang malaking puno at doon nagbasa ng libro.

"Because I love you"

Why I am remembering this again...

" I don't want to marry a person I just meet, a person I don't even know what her full name, her age... The person I don't loved"

That's what he said, pero bakit niya sinabi 'yon? He likes me? Why? I mean, we just met, he don't exactly know me...

Natigil ako nang bigla nalang pumasok sa isip ko yung mga araw na magkasama kami. Yung unang araw na nagkita kami, noong araw ng festival, that moment in the library that we almost kiss. That time we enjoying the festival...

"Mas bagay sa 'yo 'yan"

"I heard about your situation, kaya agad akong pumunta dito"

" Ito kasing si Kein e! Pagkarinig lang na nasa piligro ang buhay ni Eiri agad na sumugod at hindi manlang nag-isip. Of course bilang kaibigan, tutulungan ko siya"

"Hayst! Hirap kapag in love kaibigan mo"

" Because I like you"

Ughh!! Why I can't stop thinking about him!! This is bad!

"Eiri!"

Napaangat ako ng tingin kay Laria

"Kanina ka pa tapos?"

"Uh..hm"

Umayos ako ng tayo at binalik na yung libro sa bag ko.

"Mamaya pa natin malalaman ang result, maglibot muna tayo"

" Hm..."

Naglakad na kami paalis doon at naglibot-libot muna kami sa city. Kumain lang kami ng mga street food at pumasok sa mga shop para magtingin ng mga damit at mga kung ano-ano pa. Wala akong balak na bumili ng kahit ano dahil wala naman akong sapat na pera. Madami akong nakikitang magagandang damit at mga anik-anik pero pinipigilan ko ang sarili ko, especially when I saw these beautiful red v-neck sleeveless dress.

Ang tagal ko ng gustong magsuot ng ganyan, lalo na nong nasa mundo ko pa ako. Pero hindi ko kayang bumili ng mga ganyan dahil mahirap lang ako at saka wala naman ako pag-susuotan.

After namin gumala, bumalik na ulit kami sa training field, wala pang result but we decided na doon nalang maghintay. May iba na naghihintay na rin doon. Saglit lang din naman ang hinintay namin dahil maya-maya lang ay pinost na sa bulletin board ang result. Hinanap ko mula sa huling papel ang pangalan ko dahil expected ko na nasa huli ang pangalan ko o baka hindi naman ako kasali sa mga nakapasa.

"Eiri congrats!!"

"Huh?"

"Nakapasa ka! At top 2 ka!"

"Huh?"

Napatingin ako sa unang papel at hinanap don ang pangalan ko, nasa pangalawa nga ang pangalan ko. Nagulat pa ako nang makita ang score ko. Ninety eight over one hundred.  Napatingin ako sa nasa taas ng pangalan ko.  Raiye Klauzien with perfect score.

Woah, he's so smart...

"How about you?" Tanong ko kay Laria

"Top five"

Nong tinignan ko nasa top five nga siya with 90 score. Not bad.

"Congrats!" Sabi ko

"Hm...I'll do my best next time"

"90 score is not that bad"

"Hm..."

Dumeretso na kami ng uwi at nang sabihin namin na pareho kami nakapasa agad na nagpa-party si manang Fina. So we spend our whole night partying in the inn, we eat a lot of delicious food and drink a lot of alcohol. Halos madaling araw na kami natapos kaya tanghali na ako nagising kinabukasan. Ang dami kong nainom kagabi kaya masakit ang ulo ko.

Nagdaan ang ilang araw at dumating na ang araw na kinahihintay ko, ang pasukan!  I'm excited!  Kahapon nagpadala ako ng sulat para kila ina at ama, sinabi ko lang na nakapasa ako sa exam at ngayon na ang simula ng pasok ko.  I'm sure matutuwa sila.

"Omg!!"

Nasa tapat na kami ng school ng GU, si Laria  nakatulala sa school building. Nakapasok na ako dito pero hindi ko pa rin mapigilan ang matuwa at ma-excite.

"Students!! Please proceed to the auditorium!!" Someone shouted.

" Let's go"

Hinila na ako ni Laria papunta sa may auditorium, sinusundan lang namin yung ibang mga estudyante.

"New students, sa left side kayo!! And top one to five sa unahan po kayo! At ang iba sundan niyo nalang po ang mga nasa unahan!"

Sinunod na namin ang sinabi nong babae, pumunta na kami sa unahan. May lalaki na nakapila na at sa tingin ko siya yung top one kaya  pumila ako sa tabi niya. Napatingin ako kay Laria na tahimik na nakapila lang din, lumingon siya sa 'kin at ngumuso. After maayos ang pila agad na ding nagsimula ang orientation.

"Good morning students, especially to the new students, welcome to Magic School, Gonzales University!"

Madami pa sinasabi yung mc pero hindi ko na pinagtuonan ng pansin 'yon.

" Please let us all welcome, miss Llievy Roueston..."

Lahat kami napatingin sa babaeng lumabas mula sa backstage, tumahimik ang buong auditorium kaya rinig ang bawat paghakbang niya papunta sa harap ko pero ang nagpukaw ng atensyon ko ay ang lalaking nakasunod sakanya.

"And her brother, Haze Kein Azyr"




A Famous Killer Who Got Reincarnated As A Commoner (Isekai Series 5) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon