Kabanata 19

2.5K 94 5
                                    

Lumabas na ako sa room at pagkalabas ko nakahinga ako ng maluwag. Napahawak ako sa dibdib ko dahil walang tigil 'yon sa pagtibok. Huminga ako ng malalim bago ako humakbang na paalis.  Nakatatlong hakbang na ako nang biglang may humawak sa kamay ko, gulat akong napatingin sa kung sino man 'yon at mas nagulat ako nang makita ko kung sino 'yon.

"K-Kein..."

"Can we talk?"

"H-Huh? Uh...hmm.."

Naglakad na siya kaya sumunod ako sakaniya. Habang naglalakad kami napapatingin yung ibang tao sa amin--or should I say sakanya. Nasa likod niya lang ako at medyo lumalayo ako sakanya dahil baka ano isipin nong mga tao.

Nahinto ako nang bigla siyang huminto, kunot-noo siyang humarap sa 'kin.

"Bakit ang bagal mo maglakad?" Takang tanong niya

"I'm not..." Nakayukong sabi ko  "Maglakad ka lang"

"Natatakot ka ba na baka ano isipin ng mga tao?"

"Ang isang commoner na tulad ko ay hindi dapat naglalakad katabi ang isang prinsipe" seryosong sabi ko habang nakayuko pa rin

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya

" Kaya ayuko sabihin sa 'yo ang tungkol sa pagiging prinsipe ko, dahil alam ko iiwasan mo 'ko at hindi na natin magagawa ulit yung dati"

Hindi ako nagsalita dahil tama naman ang sinabi niya. Nagulat ako nang bigla niya akong hawakan sa kamay at hinila.

" T-Teka K-Kein--I mean...P-Prince Kein..."

Natigil ulit ako dahil tumigil ulit siya. Seryoso niya akong tinignan at bakas sa mukha niya na naiinis siya. Bumuntong-hininga siya at tumalikod ulit. Akala maglalakad na ulit kami pero nagulat ako nang magsalita siya.

"Attention!!"

Natigil lahat ng estudyante na naglalakad sa hallway at takang humarap sakanya.

"This girl is my girlfriend, wala akong maririnig o mababalitaan na masama tungkol sakanya. Kapag pinag-usapan niyo siya at may ginawa kayo sakanya, hindi lang kayo mapapaalis sa eskwelahang ito kundi pati sa Azure at sa ibang kaharian ay hindi na kayo makakatungtong." Madiin at ma-awtoridad na sabi niya.

Natahimik ang buong hallway sa sinabi niya at kahit ako natakot sa sinabi niya. Ganito ba siya bilang prinsipe? Katakot.

"Let's go" seryosong sabi niya at hinila na ako paalis don. 

Dahil sa gulat sa mga sinabi niya hindi ko na namalayan na nakarating na kami sa tapat ng isang room. Pagpasok namin sa loob ng kwarto napanganga pa ako sa subrang ganda ng kwarto niya. Yes, it's a room. Malaki at maluwag, malaking kama, malaking cabinet, may sofa at dalawang single couch at may coffee table. May bookshelf din siya na puno ng libro at sa gilid non may isang pinto na sa tingin ko ay banyo.

Ang ganda, ang layo sa kwarto namin. Yung kwarto namin maliit, sakto lang ang dalawang double deck bed at isang cabinet at maliit na banyo. Bigla ko tuloy na-realize kung gaano kalaki ang agwat ng estado ng buhay namin.

He's a prince and I'm just a commoner. It's really impossible and hard to be with him...

Natigil ako nang bigla akong yakapin ni Kein.

"I'm sorry"  sabi niya at may lungkot sa boses niya malayo sa boses niya kanina. 

"Sorry saan?" Seryosong tanong ko. Lumayo siya sa 'kin at tinignan ako na may lungkot sa mga mata niya.   "Sa hindi mo pagsabi sa 'kin na ikaw yung batang nakilala ko years ago? Sa hindi mo pagsabi sa 'kin na isa kang prinsipe? O sa pagsabi mo sa mga taong girlfriend mo 'ko kahit hindi naman?"

" Eiri..."  

Seryoso ko lang siya tinignan

" I'm not Haze"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya

" What do you mean you're not Haze? You're Haze right? Haze Kein Azyr, that's your full name"

" Oo, pero hindi ako yung Haze na nakilala mo years ago. It's my older brother"

Hindi ako nakapagsalita sa gulat at hindi ko alam kung ano ire-react ko sa sinabi niya.

" Haze Dein Azyr, my older brother.  Fifteen years ago, nakwento niya sa 'kin na may nakilala siyang batang babae and you guys become friends. Nakwento niya sa 'kin ang nangyari at nasabi niya ang pangalan mo, kaya nong tinawag ka ni manang Fina sa pangalan mong Eiri agad ko naalala yung sinabi sa 'kin ni kuya at sakto nakita ko rin yung kwentas na suot mo nong araw na 'yon, it's a same necklace na binigay niya sa 'kin"

Napahawak ako sa necklace ko at tinignan 'yon. Napatingin ako sakanya nang maglakad siya papunta sa table cabinet niya at may kinuha sa loob ng cabinet. Humarap ulit siya sa 'kin at pinakita yung necklace na kapareho sa kwentas na suot ko ngayon.

"Sabi niya couple necklace daw 'to, binigay niya sayo 'yung isa at ang nakakatawa lang kasi binigay niya din sa 'kin yung isa na dapat sakanya dahil binili niya 'yon para sa inyong dalawa. Ang sabi niya, nakalimutan niya daw akong bilhan ng pasalubong kaya binigay niya nalang sa 'kin. Ayuko sana tanggapin pero pinilit niya talagang ibigay sa 'kin, since may binigay ka naman daw sakanya"

Bahagya akong napangiti sa kwento niya

" Where is he now? Alam ba niya na nandito ako?" Tanong ko at taka na napatingin sakanya sakanya nang hindi niya ako sinagot. Nakayuko siya habang nakatitig sa hawak niyang kwentas.   "Kein... You okay?"

" He's not here anymore"

" What do you mean? Where is he?"'

" He passed away"

Hahakbang na dapat ako palapit sakanya pero napahinto ako sa sinabi niya. Biglang bumilis tibok ng puso ko, yung katawan ko unti-unting namanhin at nanginig.

" You're joking... Right?"

" I'm not, and... I'm the reason why he is not here anymore"

" W-What do you mean?"

"Kuya is my half brother, as you know he's half human and elf. Nagkaroon ng karelasyon si Mom sa isang elf bago pa siya nagpakasal kay Dad. Nanganak na noon si Mom kay kuya bago sila nagpakasal ni Dad. At lumipas ang isang taon, nabuo ako at pinanganak. Pero hindi maganda ang kundesyon ko, pagkapanganak ko may sakit na agad ako at walang kahit na sino ang nakakaalam kung ano ang lunas sa karamdaman ko..."

Pinagpatuloy niya pa ang kwento at hindi ko mapigilan ang maiyak. Naaawa ako sa sitwasyon niya at naaawa din ako kay Haze at natutuwa din dahil sa kabaitan niya at kung gaano niya kamahal ang kapatid niya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin siya dahil naaawa ako sakanya, umiiyak siya at ramdam ko yung sakit na nararamdaman niya.

A Famous Killer Who Got Reincarnated As A Commoner (Isekai Series 5) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon