Kabanata 20

2.5K 99 0
                                    

Haze Kein Azyr POV

"No!! I won't do that!!" Sigaw ni Mom 

Nakasilip ako sa may pinto at nakikinig sa pinag-uusapan nila. Alam kong mali itong ginagawa ko pero alam ko na tungkol sa 'kin ang pinag-uusapan nila at alam ko wala silang balak na sabihin sa 'kin.

May sakit ako sa dugo, ang sabi madumi daw ang dugo ko at mahina ang daloy nito sa katawan ko dahil medyo malapot ito kumpara sa normal na dugo. Walang kahit na sino ang nakakaalam kung ano ang lunas sa karamdaman ko. Nagpahanap sila ng mga propesyonal na doctor at halos lahat na ng doctor dito sa mundo ay pumunta na dito para tignan ang karamdaman ko, pero ni isa sakanila walang nakapagsabi kung ano ang pwedeng gawin o kung ano ang lunas.

Hanggang sa ngayon, nakahanap sila ng doctor na nakapagsabi kung ano ang pwede naming gawin at kung ano ang makakapagpagaling sa 'kin.

"Pero mahal, ayon lang ang paraan para gumaling si Kein"

"And you want me to sacrifice my son?!"

Sino ang isasakripisyo? Si kuya?

"Ganun lang kadali sa 'yo ang magdesesyon dahil hindi mo kadugo si Dein!!"

"No, it's not that..."

"Hindi! Kahit ano sabihin mo hindi ko isasakripisyo ang buhay ng anak ko!!"

Hindi ko alam at hindi ko maintindihan ang ibig nilang sabihin. Bakit isasakripisyo ang buhay ni kuya?

"Kein!"

Kinabahan ako nang may tumawag sa 'kin pero nong makita ko si kuya nawala ang kaba ko.

"Kuya!!"  Tawag ko sakanya at tumakbo palapit sakanya at niyakap siya.

Galing kasi siya sa ibang kaharian para sa isang tea party at halos isang linggo din siya nawala.

"I miss you kuya"

Humiwalay siya sa 'kin at bahagyang ginulo ang buhok ko habang nakangiti sa akin.

"I miss you too, how are you?"

"I'm fine kuya. Ikaw ba? How's the tea party?"

Isang taon lang ang agwat naming dalawa kaya subrang close kami at bukod sa magkapatid kami tinuturing din namin ang isa't isa na magkaibigan. I admire him, sa murang edad ang matured na niya mag-isip at subrang bait niya sa 'kin. Siya lang yung naging kaibigan ko, dahil sa sakit ko pinagbawalan ako na lumabas ng palasyo kaya siya lagi ang kalaro ko.

"I meet a lot of friends"

"Really?"

Medyo nalungkot ako sa sinabi niya, buti pa siya nakakakilala ng mga bagong kaibigan. Naiinggit ako minsan sakanya pero naiintindihan ko naman at masaya pa rin ako para sakanya dahil may mga nakakatagpo siyang ibang kaibigan.

"But I meet someone wierd but she's kind"

"Wierd?"

"Ouhm...gusto mo kwento ko sa 'yo?"

"Yes" excited na sabi ko

Pumunta kami sa kwarto ko at doon siya nag-kwento. Nasiraan daw sila ng karwahe kaya napagdesesyonan niya na maglibot-libot sa lugar at may nakatagpo siyang mga salbahing mga bata at sinaktan daw siya, habang sinasabi niya 'yon hindi ko mapigilan ang mainis don sa mga bata.

How dare they hurt my kuya?!!

"Then Eiri came and she help me"

Si Eiri yung nakilala niya at naging kaibigan niya. Siya daw yung nag-insist na maging magkaibigan sila kahit na ayaw ni kuya, but in the end pumayag na siya. Nakwento niya din na nagkita ulit sila noong pabalik na sila dito at binigyan siya nito ng isang kwentas at ganun din siya. He buy a couple necklace for the two of them.

"Oh yeah!! I forgot to buy you a souvenir! Sorry" natatarantang sabi niya

" Nakalimutan mo ako dahil don sa bago mong kaibigan mo"  nakangusong sabi ko pero nagbibiro lang ako.

" Sorry"

Tumawa ako at ngumiti

" Okay lang kuya, nagbibiro lang naman ako. Pero basta next time ako naman bilhan mo ha"

Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko

"I promise"

Madami pa siyang nakwento at ako naman ay nakikinig lang sakanya. Kita ko sa mukha niya na masaya talaga siya lalo na nong kinikwento niya sa 'kin ang tungkol sa pagkikita nila nong bago niyang kaibigan.

Years and months passed... Mas lalong lumalala ang sakit ko, hindi na ako nakakalabas ng kwarto ko at kahit sa pagbaba ng kama ko ay hindi ko na magawa dahil sa tuwing tatayo ako nahihilo ako. Halos buto't balat nalang ako dahil wala akong ganang kumain dahil sa tuwing isusubo ko ang pagkain agad ko 'yon sinusuka na para bang ayaw tanggapin ng tiyan ko yung kinakain ko.

"K-Kein..."

Dahan-dahan akong napamulat ng mata nang marinig ang boses ni kuya.

"Kuya"

Naupo siya sa gilid ng kama ko at hinawakan ang kamay ko. Kita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"Kein...sorry"

Taka ko siyang tinignan

"Bakit ka nagso-sorry?"

Hindi niya ako sinagot, niyakap niya lang ako.

"Sorry"

"K-Kuya..."

"Lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ni kuya"

Nagulat ako sa sinabi niya pero napangiti din. Nagpapaalam na ba siya kasi mawawala na ako? Masaya ako na tanggap na niya na mawawala na ako.

"Mahal din kita kuya, please wag ka na malungkot. Kahit mawala ako may mga kaibigan ka pa rin, si ate Llievy at si Eiri..."

Hindi siya nagsalita at nanatili lang nakayakap sa 'kin.

" Kuya..."

Humiwalay siya sa 'kin at nagpunas ng luha sa pisngi niya. Taka ko siyang pinagmasdan nang bigla niyang hinubad ang kwintas niya at nagulat ako nang isuot niya 'yon sa 'kin.

" Kuya... Bakit mo sinuot sa 'kin 'to?"

"It's a gift, happy birthday"


Napatingin ako don sa kwentas. I forgot, it's my fifteenth birthday.

" Pero di ba couple necklace niyo 'to ni Eiri?"

Natawa siya sa sinabi ko

" It's not a couple necklace, it's friendship necklace" natatawang sabi niya at sumeryoso ulit.   "I want you to keep it"

"Pero mawawala na din naman ako, so I can't keep this"

Sabi ko at huhubarin na sana pero pinigilan niya ako.

" Just keep it, okay? It's a gift"

Taka ko siyang tinignan pero napangiti din agad nang ma-realize ko ang ibig niyang sabihin.

"Ahh... So, you're giving me a gift for my last birthday? Okay, I understand" nakangiting sabi ko  "Thank you kuya"

"Hm... You're always welcome"  sabi niya at bahagyang ginulo ang buhok ko habang ako naman pinagmamasdan yung kwentas.

Ang ganda.

"Kein, can I sleep here with you?"

"Sure kuya!"  Natutuwang sabi ko

Pareho kaming nahiga sa kama, nakaunan ako sa braso niya habang nakayakap ako sakanya at nakayakap din siya sa 'kin. I'm happy that we can do this for the last time.

Hindi ako natatakot o nalulungkot dahil mawawala na ako, I'm actually happy dahil hindi na ako mahihirapan at saka para hindi na maghirap sila Mom at Dad lalo na si kuya. Malulungkot sila pero alam ko malalagpasan din nila 'yon. Makakalimutan din nila ako.


"I love you"

Patulog na ako nang marinig ko 'yon. Napangiti ako at tuluyan nang nakatulog.


A Famous Killer Who Got Reincarnated As A Commoner (Isekai Series 5) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon