Magdamag lang ako na nasa kwarto, natutulog. Nagising naman ako ng madaling araw pero kumain lang ako ng natirang baon ko then nagpaantok ulit hanggang sa nakatulog ulit ako.
Kinabukasan maaga ako nagising, actually madaling araw palang. Mahaba na ang naitulog ko kaya maaga ako nagising. So I just decided to do my morning routine. Hindi muna ako naligo, nagbihis lang ako ng black sando, black leggings and black leather boots. Nagsuot din ako ng hoodie jacket dahil malamig. After ko magbihis tinali ko naman ang buhok ko then done!
After that lumabas na ako, sa bintana ako dumaan dahil sigurado ako sarado pa ang pinto sa baba. Pagtalon ko sa baba naglakad-lakad na ako palabas ng main gate ng city. Dahil subrang aga pa, wala pang masyadong tao at ang iba ay naghahanda palang para sa pagtitinda.
Nakalabas na ako ng main gate kaya mabilis na akong pumunta sa kagubatan para gawin ang morning routine ko, which is ang mag-jogging. I'm doing this for my healthy body and of course training na rin. Halos abutin siguro ako ng dalawang oras bago ako nagpahinga. Dahil lagi kong ginagawa 'to nasanay na ang katawan ko, hindi na ako mabilis mapagod. Pero syempre kailangan pa rin magpahinga.
Dahil wala namang orasan at wala naman talagang oras dito, hindi ko alam kung ilang oras ako nanatili sa kagubatan na 'yon. Napansin ko nalang na tirik na ang araw. Nagpahinga nalang muna ako saglit habang pinagmamasdan ang kabuuhan ng city. Nasa taas ako ng puno at sa kitang kita dito kung gaano ito kalaki at kaganda, kita rin sa pinakadulo ang malaking palasyo ng Azure.
Nandiyaan kaya siya?
In-enjoy ko muna ang magandang tanawin bago ko naisipan na bumalik na. Nag-teleport na ako pabalik sa kwarto ko at naligo na at nag-ayos ng sarili. I'm wearing a white long sleeve crop top, it's V-neck so medyo kita ang cleavage ko and then high waisted black pants and three inches brown leather boots. Hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko then sinuot na ulit yung kwentas ko na mas nagpakompleto sa outfit ko. This is the necklace he gave to me.
Sinuot ko na rin sa kanang hita ko ang leather dagger belt case at ang espada naman sa may bewang ko. After that, I wear my black cape and I'm done. Sinuot ko na ang sliding bag ko at lumabas na ng kwarto.
Naglakad na ako papunta sa may hagdan at pababa na nang makita ko ang isang pamilyar na lalaki. Nahinto ako sa pangalawang palapag ng hagdan nang bigla siyang nag-angat ng tingin sa 'kin. Bigla akong na-conscious nang tinitigan niya ako then he smile.
"Eiri, andiyan ka na pala. Hinahanap ka nitong si Kein" sabi ni manang Fina.
Tinuloy ko na ang pagbaba ko ng hagdan at lumapit sakanila. Medyo kinabahan ako, ewan ko kung bakit.
"Uhm... Anong ginagawa mo dito?"
"I don't have class today, so balak ko sana na ilibot ka dito sa city if you're not busy"
"I'm actually planning to explore this city"
" Then I'll go with you"
" Pero wala ka ba talagang gagawin ngayon? Baka naman busy ka"
" No, I'm free"
I just nodded then look away
" Uh Eiri..."
Napatingin ako kay manang Fina
" Pasensya ka na sa nangyari kahapon" hinging paumanhin niya at yumuko ito sa harap ko.
" Okay lang po 'yon, hindi niyo naman po kasalanan ang nangyari"
" What happened?" Takang tanong ni Kein
BINABASA MO ANG
A Famous Killer Who Got Reincarnated As A Commoner (Isekai Series 5)
FantasyYana Flores known as Lady Killer. She killed to protect and to defend her self. One day a unexpected day happened, a Goddess showed up and told her, God will give her another chance to live and she's going to reincarnate in another world to have a n...