Kabanata 23

2.7K 89 0
                                    

After hearing his story I can't stop crying at subrang nasaktan din ako nong nalaman ko na wala na si Haze. Pero mas naiyak ako para kay Kein, siya yung mas nasaktan sa nangyari sa kuya niya.

"Eiri"

Napatingin ako kay Kein, seryoso ang mukha niya kaya medyo kinabahan ako. Napatingin ako sa may kamay namin nang hawakan niya ang dalawang kamay ko.

"I know this sounds crazy, but Eiri what I said before that I like you... It's true"

Gulat akong napatingin sakanya

"I like you--uh no... I love you"

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, yung puso ko nag-uumpisa na namang tumibok ng mabilis. Ramdam ko ang init sa mukha ko kaya napayuko ako dahil nahihiya akong makita niya ang mukha kong namumula.

"Eiri..."

Mas lalo akong kinabahan at hindi ako mapakali nang hawakan niya ang pisngi ko at inangat 'yon para makita niya ang mukha ko. Nakatitig siya sa 'kin at nakangiti. 

"K-Kein..."

"Ang init ng mukha mo" natatawang sabi niya kaya napanguso ako.

"Kein naman e!" Nakangusong sabi ko at tumingin sa malayo

"I'm sorry, you're just so cute"

"S-Stop..."

"But Eiri, I'm serious. I love you"

"Hm..."

"Is that all? Wala kang sasabihin? I love you too o kaya mahal din kita?"

" Pareho lang 'yon e!" Sabi ko at hinampas siya sa braso niya.

Natawa lang siya sa ginawa ko habang ako ito hindi na alam ang gagawin. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya habang nakatingin ako sa magkahawak naming kamay.

"I like you..." Bulong ko

"Huh? I can't hear you"

Napanguso ako at inis siyang tinignan

"I said I like you--"

Hindi ko natapos sasabihin ko nang ilapat niya ang mga labi niya sa labi ko. Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat pero maya-maya lang napapikit ako at ninamnam ang bawat halik niya. Mahigpit akong napahawak sa damit niya habang siya ay humawak naman sa bewang ko.

Humiwalay siya sa 'kin at ngumiti habang bahagyang ginulo ang buhok ko.

"Hihintayin ko ang araw na sasabihin mo sa 'kin na mahal mo din ako"

Napatitig ako sakanya

"Pero habang naghihintay ako... Can you be mine?"

Ngumiti ako at tumango. Napangiti  siya at niyakap ako.

"Thank you Eiri"

Gumaan pakiramdam ko at ang saya ko. Hindi ko man masabi na mahal ko siya pero alam ko sa sarili ko na gusto ko siya. I admire him for being a gentleman, I love the way he talked to me, the way he smiled at me, and the way stared at me. I love his hair, I love his nose, I love his eye color, and now I love his lips. I love everything about him.

Hindi ko mapigilan ang hawakan ang buhok niya, at tama nga ako ang lambot non. I did it! I touch his hair and I can touch it whenever I want... Because he's already mine. Right?

"Kein"

Humiwalay siya sa 'kin at takang tumingin sa 'kin.

"How about Starlyn?"

Bumuntong-hininga siya at ngumuso at ngumiwi at tinagilid ang ulo at bumuntong-hininga ulit.

He's d*mn cute!!

"Kein!"

He laughed and mess my hair

"I'm just joking" natatawang sabi niya at sumeryoso ulit.   "I will cancel the wedding"

"Papayag ba ang Hari?"

"I don't know, pero gagawin ko lahat to cancel the wedding"

Hindi ako nagsalita at bumuntong-hininga lang. Napaangat ako ng tingin sakanya nang hawakan niya ako sa magkabilang pisngi ko at ngumiti sa 'kin.

"Don't worry, you're the only one I want to marry"

Napangiti ako sa sinabi niya pero hindi pa rin maalis itong pag-aalala ko. Madaling sabihin pero mahirap gawin lalo na at hari at sariling ama niya ang kalaban namin at pati ang side ni Starlyn.

Napayakap nalang ako sakanya para mawala itong nararamdaman ko. Hindi ko alam kung kaya ko siyang ipaglaban.

"Eiri!!!"

Hinatid na ako ni Kein sa room ko at ito nga si Laria sinalubong ako.

"I'm so happy for you"

Wala pa man ako sinasabi ay natutuwa na siya. Siguradong nabalitaan na niya ang tungkol sa amin ni Kein at siguradong kalat na hindi lang dito sa school pati na sa buong Azure. Hayst!!

"Bakit malungkot ka? Hindi ba dapat masaya ka?"

Bumuntong-hininga ako at umupo sa upuan ko

"Masaya ako, pero hindi na magiging normal ang buhay ko"

Nakanguso akong tumingin sakanya nang tumawa siya.

"Syempre, mag-boyfriend ka ba naman ng prinsipe" sabi niya   "Pero sis, paano pala 'yon di ba engage na siya?"

"Isa pa 'yan" buntong-hiningang sabi ko at pinatong ang ulo sa mesa.

" Hindi mo ba tinanong si Kein kung ano balak niya?"

"He said he will cancel the wedding"

" Papayag ba ang hari? I don't think ganun lang 'yon kadali"

" I know right"

Hindi ko nalang muna inisip 'yon, nag-focus muna ako sa pag-aaral at sa club. Naging maayos at normal naman ang pag-aaral ko, and I'm glad na hindi ako masyadong pinag-uusapan sa school dahil siguro don sa pagbabanta ni Kein.

Nagdaan ang ilang araw na subrang busy at halos hindi na ako makapagpahinga. Sa room, puro lesson at activity lalo na sa physical education dahil puro practical activity ang ginagawa namin. Sports and combat training. Sa music club naman lagi ding busy dahil nagpa-practice kami para sa darating na school festival at inaabot kami ng halos hating gabi kaka-practice. Tapos kinabukasan gigising ng maaga para pumasok kaya kaunting oras lang ang naitutulog ko. Bugbog na yung katawan ko at ngayon ko lang naranasan 'to.

"I'm tired!!" Pagod na sabi ko at pabagsak na nahiga sa kama ko.

"Kaya pa?" Natatawang sabi ni Laria kaya inis ko siyang tinignan

"It's not funny, I'm really tired at ang sakit ng buong katawan ko" nakangusong sabi ko

"Sorry naman" sabi niya   "By the way, hinahanap ka kanina ni Kein"

Napatingin ako sakanya. Sa subrang busy ko hindi ko na nakakasama 'yon. I miss him...

" Alis muna ako"  sabi ko at tumayo   "I'll be back later"  sabi ko at nag-teleport papunta sa kwarto ni Kein. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at hinanap siya. Sakto bumukas ang pinto ng banyo at lumabas don ang hinahanap ko. Natigil ako nang makitang wala siyang suot pang-itaas at naka-tapis lang siya ng twalya.

"Eiri, what are you..."

Jusko! Ang ganda ng katawan ng lalaking 'to! Parang nawala lahat ng pagod ko at sakit sa katawan ko. Yung abs beh! Yung V line jusko!! I need water! Ang init!!

Napanguso ako nang bigla niya ako tapunan ng twalya sa mukha. Gagi ang bango ng towel niya. Tinanggal ko 'yon at binato sakanya 'yon pabalik.

"What are you doing here?"

"I'm tired"  sabi ko at pabagsak na nahiga sa kama niya. Ito kailangan ko ngayon, malambot na kama.

A Famous Killer Who Got Reincarnated As A Commoner (Isekai Series 5) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon