Kabanata 24

2.5K 79 1
                                    

Sa mga nagdaan pang mga araw, naging mas abala na ang mga estudyante dahil ilang araw nalang ay school fest na. Bawat section may kanya-kanyang pakulo at ngayon nagme-meeting tungkol doon, ang dami nilang suggestion at lahat naman maganda kaya nahirapan kami pumili.

"I have a suggestion" taas kamay na sabi ko

"What is it?" Tanong ni Raiye

"Maid cafe"

"Maid cafe?"

"Yup, we served our visitor and treat him/her like our master. Once they enter here we greet them a Welomce home master  and when they go out we'll tell them  Thank you for coming our master"

"That's a good idea, but what do you think guys--"

" Let's do it!!" Sabay-sabay na sabi nila at may excitement sa mga mata nila.

" Okay okay, let's talk about it"

May kanya-kanya na silang assignment, may magtatahi ng costume, sa foods, design ng room, gagawa ng flyers, etc.

"President!" Taas kamay na tawag ni Agela kay Raiye. Siya yung gagawa ng flyers.  "Suggest po kung sino pwede ilagay sa front page sa flyer?"

" Uh..." 

Taka akong tumingin kay Raiye nang lumingon siya sa 'kin.

Don't tell me...

" Okay, si vice president"

" What? Ba't ako?"

" Miss vice president, ikaw po pinakamaganda dito sa room kaya ikaw nalang po"

" Alam ko naman na maganda ako, pero pwede naman si Laira nalang. She's beautiful too"

" Kinilig ako sa sinabi mo Eiri, pero may pakiramdam ako na mas madami ang pupunta dito kapag ikaw ang nasa front page" sabi ni Laria

Hindi na ako nakaangal dahil lahat sila sumang-ayon, napanguso ako at napailing. 

Hirap maging maganda!! Charr!

By the way, so ayon na nga pinag-usapan na nila mga gagawin nila. Halos apat na araw silang naghanda para sa gagawin namin. Yung magtatahi inuna niya ako gawan ng costume para magawa na ni Agela yung flyer. Semple lang naman yung costume, white long sleeve below the knee polo dress with buttons and black tie ribbon with black apron. Black shoes with three inches heels and white long socks and white and black maid headband.

May nag-ayos sa 'kin at after non ay sinimulan na akong iguhit ni Agela, hirap ng walang camera pero in fairness kay Agela ang galing niya gumuhit.

"Agela, ulitin mo"

Pareho kami napatingin kay Laria

"Huh?"

"Walang pupunta sa atin ng ganyan lang" sabi niya at lumapit sa 'kin. Tinuruan niya ako ng pose na gusto niya.  Ang dami niyang pinagawa sa 'kin bago magawa yung final pose. Nakakangawit pa dahil may dala akong pinggan at sa kabilang kamay ko naman ay yung round tray na may lamang pagkain. Kaya pagod ako nang matapos akong iguhit ni Agela. After ko doon pumunta naman ako sa music club para mag-practice.



"Hey" bati ni Kein sa 'kin, tumango lang ako at bagsak ang balikat na naupo sa upuan.   "You okay?"

"Hm... Napagod lang ako sa mga pinaggagawa ni Laria sa 'kin"

"Gusto mo massage kita?"

" Yes please--" 

Huli na ng ma-realize ko ang sinabi niya, hawak na niya ang dalawang balikat ko at sinimulan 'yon e massage.  Wala na akong nagawa kaya in-enjoy ko nalang yung pagma-massage niya sa balikat at likod ko.  Sarap niya mag-massage, medyo nawala yung pangangawit ng braso ko.

A Famous Killer Who Got Reincarnated As A Commoner (Isekai Series 5) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon