FAEN SARCHEE CHAN
It's a nice morning. I'm having my morning walk as exercise sa village. Hingal ako. Approximately siguro ay naka-3000 steps na ako. Kailangan ang good health at matagal na stamina sa work ko kaya kailangan kong tiyagain itong pagpalakas ng katawan.
Tumatawag na ang boss ko.
"Hello, boss. Ang-aga mo namang tumawag."
"Pumunta ka na dito sa head quarters, Chankimha. Ibibigay na ang new assignment mo. This time, please, galingan mo na."
"Ginagalingan ko naman, boss. Sila lang tong mapahanap ng kamalian ko. Haha."
Natanggal ako sa first client namin dahil sinumbong ko sa magulang na nakikipag-date siya after school. Aba! Ginawan ako ng kwento ng maldita. De tanggal ako. Haha. Hindi ko na ipinagtanggol ang sarili ko dahil nakakatamad makipagdiskusyon sa mga taong hinusgahan ka na. Sayang energy!
Bodyguard nga pala ako. Bago pa lang sa work. Hindi ako mahusay pero hindi rin ako malamya. Saktong matikas lang. Single by choice. Ayaw ko ng may alalahanin lalo sa linya ng work.
---
Nasa Sentinel Force headquarters na ako. Inabot sa akin ni Boss Maloi ang folder. Nakalagay dito ang assignment ko.
"Ikaw ang ni-request ng client. Huwag ka nang tatanggi kasi maapektuhan ang buong agency. Nakasalalay sa'yo ang lahat."
"Ha? Pressure naman. Bakit ganoon?"
"Ewan. Check mo na lang yang folder."
Binuklat ko na nga ang folder. Napamura ako sa isip ko— Rebby Patrice Liveste. Bakit naman ganito ang aking tadhana? Anong klaseng kamalasan naman ang nag-aabang sa akin. Bakit sa artista pa?
"Hindi na ba 'to pwedeng iapela?" alanganin kong tanong kay Boss Maloi. "Bakit artista?"
"Well, kasi ikaw ang request ng family? Kasi babae ka. Ayaw nilang mga lalaki ng bodyguard."
"Dahil?"
"Ayaw mismo ni Patrice. And they did this background check. Schoolmate kayo n'ong college bago siya nag-artista."
Oo. Schoolmates kami. Sikat si Patrice sa campus. Lahat e nagkaka-crush sa kanya. Babae man yan o lalaki. Iba rin naman kasi ang ganda ng british. Except lang siguro sa mga straight na girls, like me. Mas bet ko siyang maging karibal noon kaysa kras. Haha!
"So? Mamamaya ay mag-re-report ka na. Pumunta ka na sa bahay nila."
"Wala akong kasama?"
Umiling si Boss Maloi. "Isa lang naman ang request nilang bodyguard. Husayan mo, Chan. Mahalagang kliyente ang mga Liveste. Hindi ka pwedeng pumalpak diyan. Alalahanin mo ang Sentinel."
Parang bumigat bigla ang dalahin ko ha. Di bale na nga. Ang mahalaga may trabaho.
---
Alas-diyes nang dumating ako sa malamansyon na tahanan ng mga Liveste. 'Yong kaba ko parang hanggang dulo na ng buhok kong blonde. Nakatayo ako sa harapan ng tatlong miyembro ng pamilya— Mayor Fernando Liveste, Mrs. Marmee Liveste at si Sir Rich Liveste. Wala si Ma'am Patrice.
"You're familiar with her nature of work, right?" tanong ni Mayor.
"Yes po, Mayor."
"Okay. Good. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Si Patrice ay pilyang bata. Ang tingin niya ay sa kanya lang umiikot ang mundo dahil sikat siya. She loves to play with people's emotions. Even with her bodyguards," pagpapaliwanag ni Mayor.
"In otherwords, playgirl ang kapatid ko." Dugtong ni Sir Rich. "Be it with a guy or a girl, like you."
"Straight po kao." Sagot ko kaagad.
"'Yan din ang sinabi n'ong huling babaeng bodyguard ni Patrice." Natawang tugon ni Sir Rich. "Anyway, goodluck sa'yo." Tumayo siya saka lumapit sa akin. Tinignan pa ako mula ulo hanggang paa. "Huwag kang magpapadala sa mga mabulaklak na salita ni Patrice. Artista siya, remember." Tinapik niya ako sa balikat. "Goodluck."
Umalis na siya kasama ng dalawa niyang bodyguards.
"Don't take him seriously." Baling ni Ma'am Marmee sa akin. "He's just annoyed sa kapatid niya. Sunduin mo na muna si Patrice sa condo niya. Alam niyang darating ka."
---
So heto na nga ako sa tapat ng condo unit ni Ma'am Patrice. Binigay sa akin ang susi. Baka daw tulog pa siya dahil nag-party kagabi kaya buksan ko na lang ang pinto.
"Yoohooohhh! Ma'am Patrice... Are you there?"
Wala namang sumasagot pero may patugtog ng Love Me Like You do. Ayos ang mga tugtugin naman ni Miss Patrice. Nakakagana ng imagination.
Tinawag ko ulit ang pangalan niya. Walang nasagot e. Pumasok na lang ako.
Shit? Nakahiga si Ma'am Patrice sa sofa. Kalat-kalat ang mga bote ng wine. Sa pakiwari ko naman ay siya lang ang nag-inom dahil isang baso lang ang nandito. Anglakas naman niyang mag-alak?
"Ma'am..." tawag ko ulit sa kanya pero hindi ako lumapit. May konting distansya baka kasi mabigla siya at mapalo ako ng bote. "Ma'am! Gising!"
Nagmulat naman siya. Siguro aninag na niya ako. Napahawak siya sa ulo niya.
"Ikaw ba 'yong masseuse na tinawagan ko?"
"Ho?"
"Tsk. Nevermind. Bingi ka siguro." Pinilit niyang tumayo. Nilapag niya sa sofa ang bote ng wine. "Sa room na lang. I'll take a bath muna."
"Ah eh. Miss Ma'am Patrice. Bodyguard po ako, hindi masahista."
Natigilan siya saka tumingin sa akin. Gaya ni Sir Rich, sinuri rin niya ako mula ulo hanggang paa. Kunot-noo siya. Mukha ba akong paa?
"You don't look like one. Anyway, masakit ang katawan ko. Imasahe mo na rin ako. I'll give extra payment."
"Hoh? Hindi ako marunog, Ma'am. Saka bodyguard lang po ang inapplyan ko. Hindi na po kasama ang ibang service."
Umismid si Ma'am Patrice. "For now, siguro. I'll take a bath muna. I'll leave the door open."
Paki ko naman kung bukas o sarado ang pinto?