Title: Love Me Tomorrow
Writer: mixup15
Main Characters:
Freen : Faen Sarchee Chan
Becky : Rebby Patrice Liveste
Seng: Edward
AN: THIS IS A WORK OF FICTION. HUWAG GAGAWING EHEMPLO ANG MGA HINDI MAGAGANDANG SALITANG O DIALOGO NG MGA KARAKTER. Salamat!
Paki-follow ang fb account ng writer para maipakita ang suporta sa istorya. Maraming Salamat!
Rebby Patrice Liveste
I'm going to attend a friend's wedding and there will be a taping for a tourism advertisement with Edward in Boracay. Good thing hindi magkatabi ang mga seats namin. Palingon-lingon lang siya. Hitting two birds with one stone! Make it three 'coz I have Faen here. Napakahigpit ng kapit niya sa upuan.
"You okay?"
"Mukha po ba akong okay, Ma'am?"
Cute! 'Yong inhaler niya nakasiksik na sa kanyang ilong. Kawawi naman ang bebe ko. Kiss ko kaya siya? Haha! Kidding. Baka biglang mag-hysterical dito.
"Dapat masanay ka na sa mga ganitong travel, Babe. Marami akong ouf of town work and out of the country."
"Kumuha ka kaya ng ibang bodyguard na pang-air, water, ako na lang sa land? Huwag mo nga akong kakausapin muna, Ma'am. Pasensya na."
The only bodyguard na mas ma-attitude pa sa akin. 'Yong mga nauna? They love it. They can't flex it ofcourse but they are so flirty kapag kami na lang. Kung iba ka lang talaga, Faen, sinungit-sungitan na kita.
Focus na focus siya sa pagpipigil ng kanyang hilo siguro. I just witness her once na ganito noong nasa MonSam pa ako. She's with her classmates that time. Sa naalala ko, naghihintay sila sa registrar. Naririnig ko ang convo nila na hindi pa sila kumakain, para mauna sa pila. And there! She fainted.
"Nasusuka ako." Napahawak siya sa braso ko. Tinakpan niya ang bibig niya.
Nagmadali kaming tumungo sa CR. Kasunod naming si Berna. And there she goes! Mangiyak-ngiyak na nagsuka. Hay! Kawawa naman. Naka-cross arms ako while Berna is attending to her. Hindi naman pwedeng ako dahil masusuka rin ako kapag may nakikita akong nasusuka. Ngayon nga e pinipigilan ko na lang. Should have bought some medicines pa.
"Is she okay, Berna?"
"Oo. Kulang lang 'to sa lovelife haha!"
Faen curses. Grabe namang pagmumura 'yon. How do they descrive that? Malutong?
"Hindi ko need ng lovelife. Mahina lang ako sa erfleyn. Shit." Nagsuka ulit siya. God! parang pati ako masusuka na. I'll go na lang ulit sa seat ko.
Kunot-noo ang salubong ko kay Edward. Heck? Bakit parang pupunta rin siya sa CR?
"Is she okay?"
I nod. "Why? You gonna check on her?"
"Yes. I think she's not okay."
"Okay na nga siya. Hindi weak ang bodyguard ko para kailanganin ka. Go. Hindi ka niya kailangan."
Iiling-iling siyang bumalik sa seat niya. Hindi niya pwedeng gawin kay Faen 'yong mga mixed signals niya sa mga bodyguards ko dati. He'll never get a chance to date, Faen. Not in my watch!
Bumalik na si Faen sa seat niya. Nagkakulay na ang mukha niya unlike kanina. Sinenyasan niya akong huwag siyang kausapin. Cute! Baliktad ang sitwasyon but it's okay.