Love Me Tomorrow (SEASON 1) Chapter 3

945 32 0
                                    


Chapter 3

Title: Love Me Tomorrow

Writer: mixup15

Main Characters:

Freen : Faen Sarchee Chan

Becky : Rebby Patrice Liveste

Rebby Patrice Liveste

Just on time for some make up. Masaya si Berna dahil mababawasan na rin daw ang workload niya. That's because I have bodyguard na.

Pinauwi ko na lang muna si Faen para kumuha ng mga gamit niya. Mayroong out of town shoot bukas and we'll be out for a couple of days.

"Tapos na pala ang years of searching." Malisyosa niyang baling sa akin. "Finally ha? Nahanap mo rin siya."

"Yeah. She changed a lot. And she doesn't remember me. Hindi talaga siguro ako popular noon."

"Straight lang talaga siya kaya hindi ka niya pansin. Anghirap niyang hanapin ha? Social media account niya walang kalaman-laman ng informations niya. Panay lang siya shared post. Walang social life."

"She's always been like that. Dati pa. working student siya. Kung wala sa library, nasa canteen. How I love that sandwich, Berna! Remember 'yong kinukwento ko sa'yo noon na breakfast ko lagi sa MonSam?"

"Na pinagti-tiyagaan mo lang kasi gusto mong makita si Faen! Haha. Hoy! Hanggang ngayon pa ba 'yan? Alalahanin mo ang Dad mo."

I sigh. Panira talaga ng mood si Berna kahit kailan. Ako pa naman ang pumilit kay Daddy na si Faen ang kunin na bodyguard ko. After I saw her photo sa mga pinadalang folders ni Daddy, hindi na ako nagdalawang isip na siya ang i-hire. It's been years after she indirectly dumped me 'coz she's straight.

"Kwento mo nga ulit pa'no ka na-basted?" pang-aasar ni Berna. "Parang gusto kong ma-refresh sa memory ko kahit kakakwento mo lang last week? Hahaha!"

Inirapan ko nga. She loves to bring up that thing. The very first ant last lady who rejected me.

I gave her this flower once. Of course, iba ang pinag-aabot ko. Ibang tao rin ang nag-aabot ng flower doon sa nag-abot sa kanya. But Faen is so blunt to tell that lady na hindi siya papatol sa kanya kasi babae siya. I was there and it stings a bit! Tinapon niya 'yong bouquet sa bin ng canteen.

"Goodluck talaga kay Faen. Goodluck din sa'yo. Baka second time kang mare-reject. Haha! Akitin mo kaya? Haha!"

"Crazy! It's not like that. What I feel is beyond lust. Kung gugustuhin man niya ako, I want it na dahil sa pakikitungo ko sa kanya. In the first place, Berna, gusto ko siyang gawin asawa."

"Mayor. Remember? Mayor ang erpat mo. kalmahan yang asawa-asawa na 'yan. Hahaha! Baka bigla mo na lang makita sa kulungan si Faen. Ikalma mo ang puso mo."

Maybe now, hindi pa kaya ni Daddy tanggapin kung ano talaga ako. Pero in time, for sure, matatanggap din niya. Kahit gamitin ko pa ang love niya sa politics to get what I want.

"Miss Patrice, start na po ng shoot in fifteen minutes."

Tinanguan ko lang ang staff. Magpapanggap na naman akong kinikilig sa kapareha kong lalaki! Hay! The hell of hiding in a closet!

Just in time dumating na si Faen. She looks stunning in her black suit. She still has that charm na mapapa-second look ang kahit sino— even si Edward na kapareha ko sa project.

"Ma'am, pasensya na po kayo. Ma-traffic. Muntik pa ako ma-ticketan."

"Why muntik? What happened?"

Nakamot niya ang noo niya. "Overspeeding daw po. Sabi ko nag-aapura ako. Titicketan na sana ako e. nagbubuklat na ng ganito." She really is animated kapag nagkukwento! "Tinanong na ang pangalan ko..."

Love Me Tomorrow (FREE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon