Chapter 17

541 16 3
                                    


Title: Love Me Tomorrow

Writer: mixup15

Main Characters:

Freen : Faen Sarchee Chan

Becky : Rebby Patrice Liveste

Seng: Edward


CHAPTER 17

Rebby Patrice Liveste

As soon as we got home, tinawagan ko agad si Yam. I need a reasonable explanation bakit siya makikipagpalit ng bodyguard. Damn her! Hindi niya sinasagot!

Sinundan ko ng tingin si Faen sa room niya. Pagkalabas niya, may dala siyang isang cup noodles. Sinundan ko siya sa kitchen.

"Hindi ka nag-dinner kanina?"

Umiling siya.

"Ako din. You still have pa?"

"Wala na. Marami ka naman pagkain sa ref, Ma'am. Ipainit mo na lang."

She puts hot water sa cup noodles, picks it up and goes to the living room. She'll probably wait until pumasok na ako sa room ko.

Wala akong ganang kumain. She's not her tonight! How dare she treats me like air lang? Nakatutok siya sa phone niya. Mai-chat nga.

"Babe!" sent it like five times.

Nasi-seen naman niya but no reply at all! Kainis ha? I took a selfie na siya ang background then sent it to her. Seen ulit pero kahit tapunan ako ng tingin ay hindi niya ginawa. How rude naman!

Now, Yam is calling. Sinagot ko agad.

"This is new. Sorry kanina hindi ko nasagot 'yong call mo. Why pala?"

"Ano 'tong nakarating na news sa akin, Yam? Nakikipagpalit ka ng bodyguard? Do you like Faen?"

Direct to the point! Wala nang paligoy-ligoy.

"Wait. Hear me out, Girl. Gustong bumawi ni Aurora sa'yo. I mean to win you back. I learned that you and her, you know? Had a thing before. Pero ayaw ng dad mo."

"That's another story, Yam. Niloko ako ni Aurora. Pinatulan niya si Edward."

"That's because binayaran rin ng Dad mo si Edward. He framed-up Aurora. She's too drunk that night. Probably, sinadya ni Edward na makita sila."

Hindi ko alam kung paniniwalaan ko siya. What if Aurora just made those kwento lang?

"She really wanted to make it up to you, Rebby. I hope you'll think about it."

Pagbaling ko kay Faen, nakatulog na siya while sitting. What a talent she has there.

"Rebby? Still there?"

"Huh? Yeah. I need to hang up."

"Okay. Linawin niyo ni Aurora. Hindi ka niya niloko. Wala lang siyang magawa that time."

I cut the call na. Nilapitan ko si Faen. Naalimpungatan siya agad.

"Tsk." Nag-angat siya ng tingin saka kinusot-kusot ang mga mata. "Nakatulog na ako dito. Aalis ka ba? Importante ba 'yan?"

Umiling ako. "Tatabihan sana kita dito. E kasya naman ako. Basta yakap mo ko 'til morning."

"Hindi pwede. Magpahinga ka na, Ma'am. Para makapagpahinga na rin ako."

Dinampot niya ang cup noodles. Ne hindi niya ito nabawasan. I hate this cold treatment!

"Kausapin mo ako nang maayos."

Love Me Tomorrow (FREE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon