Love Me Tomorrow (Season one) Chapter 4

761 28 1
                                    


Dito na lang ang AN. PLEASE SHARE THIS POST TO REACH MORE READERS. THANK YOU!

Chapter 4
Title: Love Me Tomorrow
Writer: mixup15
Main Characters:
Freen : Faen Sarchee Chan
Becky : Rebby Patrice Liveste
Seng: Edward
#mixup15

Faen Sarchee Chan
"Alam mo hindi 'yan pwede kay Miss Patrice. Hindi pwedeng laging noodles ang kinakain mo," puna sa akin ni Auntie Berna. "Magagalit 'yon."
"Eh? Nagtitipid ako. Ito lang kaya ng budget for now. Masarap naman 'to. Kaysa dildil ng asin. Haha!"
Waiting kami ni Auntie Berna kay Miss Patrice. May date kasi sila ng kanyang kuya. Binigyan naman kami ng budget pero dahil nga nagtitipid ako, cup noodles muna ang kakainin ko.
"Masyado namang pagtitipid 'yan," komento na naman niya. "I-libre na lang kita. Pa-welcome ko sa'yo. Matagal-tagal rin tayong magkakatrabaho."
"Uy libre! Gusto ko 'yan. Teka ubusin ko lang 'to. Every piso counts."
Binilisan kong kinain ang noodles. Hindi na 'yong sabaw. Papunta na kami sa café sa tapat ng resto na kinaroroonan nina Miss Patrice.
"Okay lang ba na alis tayo? E paano kung may nangyari doon?"
"May sariling bodyguard si Sir Rich. Huwag kang mag-alala."
E di don't! Mas matagal siya kay Miss Patrice, mas alam niya ang likaw ng intestines ng magkapatid.
Naupo kami sa table na malapit din sa entrance para kung ano't-ano ay madaling makalabas. Iniaabot sa akin ng waiter ang menu pero si Auntie Berna ang kumuha nito.
"Ako na."
Feeling ko mahal dito! Walang gaanong kumakain e! haha. 'Yong mga customers nga englishan ang labanan. Parang mauuna akong mauubusan ng dugo dito kaya magutom.
Pasta, clubhouse at iced tea ang inorder ni Auntie Berna. Five minutes pa daw.
Panay ang tingin ko sa phone ko. Baka hinahanap na kami ni Miss Patrice e. Nag-chat pa ulit 'yong ka-love team ni Miss Patrice—'yong Edward. Nire-reply ko na nga lang para hindi ma-offend e. reply pa rin naman ng reply. Kung like icon na lang kaya ang i-reply ko sa kanya? Parang angsama ko naman noon. Kaibigan siya ni Ma'am e.
"May tanong ako, Sarchee."
"Po?"
"Ayon sa profile mo, ulila ka na. Okay lang kung hindi mo sagutin ha? Siyempre bilang PA ni Miss Patrice, gusto ko ring malaman kung mapagkakatiwalaan ka talaga."
Pak! Kaya siguro may palibre si Auntie Berna kasi i-interrogate niya ako.
Tinaas ko ang kanang kamay ko. "Nanunumpa akong magsasabi ng totoo. Mamatay man ako bukas, agad-agad."
Natawa si Auntie saka ako namura nang very light. Mahinang "puchangina" lang naman.
"Ah opo. Wala na akong magulang. Itinakwil ko sila."
"Halla. Bakit?"
"Kasi may kanya-kanya na po silang pamilya. Sinubukan ko namang maki-close pero maldita din ang mga half-half kapatid ko. Kaya umalis na lang ako. Ayoko namang alilain ako ng mga 'yon 'no."
"Wala kang ka-close kahit isa?"
Umiling ako. "Ayokong maging malapit sa kanila. Kumbaga, pinili ko ang peace of mind ko. Nakitira ako sa daycare teacher ko noon. Tagalinis ako ng bahay niya, tapos ipinasok niya akong scholar sa MonSam. Gang tinulungan rin ako ng mga kapatid niyang makapasok sa Sentinel. Sila talaga 'yong pamilya ko. Hindi 'yong bumuo sa akin. Haha!"
"Okay. Sa lovelife naman tayo. May boyfriend? Girlfriend? M.U.?"
"Wala po lahat. Single pero hindi available. Work muna."
Tumango-tango si Auntie Berna. Ano pa kaya ang mga itatanong niya? Tina-type pa talaga niya sa cellphone niya e. Makakalimutin siguro siya.
"Okay. Homophobic ka ba?"
Saglit akong nag-isip. "'Di ba 'yon 'yong galit sa mga bakla?"
"Oo. Bakla, lesbian, basta belong sa LGBT community. So? Homophobic ka?"
"Hindi po. Marami akong kaibigan na bakla. Angsaya kaya nilang kasama."
"How about lesbian? Friends na bi? You know? Mga babae na na-attract sa babae?"
Tumango ulit ako. "May konti pero hindi close na close. Kasi nami-misinterpret nila ako. Nagugulo 'yong peace of mind ko. Biruin mo ha? Pinupusuan ko lang ang MyDay n'ong isa, pinagkalat nang crush ko siya. Kaumay! Assuming si Anteh."
Natawa na naman siya. "Anghard mo ha."
"Totoo naman! E malay ko bang parinig 'yon. Akala ko nagka-clout chase lang siya para mamonetized yong video niya. Haha! Tumutulong lang naman ako napagkamalan pa."
Pareho kaming naalarma nang nag-ring ang group chat na kasama si Miss Patrice. Si Auntie Berna na ang sumagot.
"Parating pa lang ang order namin."
"Pumunta na kayo dito after. Message niyo ako."
"Copy! Sige sige."
"Asan si Faen? Why is she not answering the call?"
Naku! Masungit na ang Madam! Tiningnan ako ni Auntie Berna. Sinenyasan niya akong sagutin na ang pagri-ring ng phone ko. Ginawa ko naman.
"Ma'am...Mahina ang data..." pagrarason ko kaagad! Siyempre dapat may back-up na reason para konti ang galit. "Ano kasi mahina na po itong phone ko. Bibili pa lang ako sa Sabado."
"Bibili na tayo mamaya. Bilisan niyo diyan. And don't reply, Edward. He's just messing around."
Magsasabi pa lang ako ng 'Opo' pero pinutol agad niya ang call. Angsungit! May regla siguro ngayon si Madam!
Pina-take out na 'yon foods. Naabutan na namin ang magkapatid sa may kotse ni Ma'am Patrice. Nakakahiya! Dala ng katakawan 'to e!
"Pasensya na po, Ma'am, Sir. Natagalan kami."
"It's okay. Tinotoyo lang si Patrice kaya nagyaya na agad umuwi," sagot ni Sir Rich. "I'll see you sa weekend. Mag-free ka naman ng araw mo for the family."
"Sa birthday ni Mama. I'll come. For now, magpapayaman muna ako para makuha ko 'yong gusto ko."
Ganyan ang mindset! Mayroong goal! Moneyfesting! Haha!
Pinagbuksan ko na ng pinto si Ma'am. Sa backseat siya pero hindi man lang natinag.
"Berna, sa likod ka. Sa front seat ako." Tumalima si Auntie Berna. "Copy."
"Ha? Bakit? Dapat sa likod ka, Ma'am."
"Don't question my choices."
Pinagbuksan ko na nga siya ng pinto sa frontseat. Siya naman ang boss e. Siya ang masusunod. Kakagising magsimangot si Ma'am! Sarap din itapon sa Pasig River, lambatin na lang kapag wala nang toyo.
---
Ang schedule niya ngayon hanggang gabi ay isang fan meet. Para sa pabango. Napakarami namang fans na babae. 'Yong totoo ha? Parang mas marami ang mga pormang lalaki. Napeke pa nga ako n'ong isa kanina.
Sa gilid lang kami ni Auntie Berna. Kuha siya nang kuha ng pictures at mga videos. Ako namang tamang masid sa paligid baka may threat e. Hindi sa pagiging judgmental naman, pero parang may mga masamang balak 'yong iba. Haha! Parang gutong iuwi si Ma'am! Naku! Hindi 'yan marunong magluto. Huwag niyo nang balakin! Haha!
May interaction na. Question and Answer portion! Dalang-dala ni Ma'am ang crowd. May gustong mag-abot ng isang teddy bear sa kanya. Siniko na ako ni Auntie Berna.
"Ikaw kumuha ng mga gifts. 'Yon ang work mo kapag ganito."
Alright! Aakyat na! So heto na nga, angsama ng tingin sa akin ng mga fans. Patawad! Trabaho lang talaga. Ako ang tumatanggap ng mga regla nila tapos iniaabot ko pa sa isang staff. 'Yong ngiti ko naka-plaster na. Nangangawit na. Puchang ina naman!
"Nauuhaw ako." Sabi sa akin ni Ma'am Patrice pagkabigay ko ng isang paper bag sa staff.
'Yong host muna ang nagpapatuloy ng programa. Kinuhanan ko ng bottled water si Ma'am Patrice. Binuksan ko ito saka inabot sa kanya. Kinuha ko muna ang microphone saka ibinulsa. Tinakpan ko rin ang magkabilang side ng bibig niya para hindi makita ng mga people ang pag-inom niya ng tubig. Aba! Bilin ni Auntie Berna 'yon e!
"Thanks." Inabot niya na ulit ang tubig sa akin. "Angdry ng lips mo. Drink."
"Eh? Maya na lang po, Ma'am."
Aba! Ayaw patalo! Tinaasan pa ako ng kilay. E ayaw ko rin patalo! Haha.
"Balik na kaya kayo doon? Work na ulit. Si Ma'am parang ewan."
Humalukipkip pa nga siya. "Who's the boss?"
"Sabi ko nga po. Kayo. Ito na nga. Iinom na. Malakas ako e. Tatagal nga ako ng isang araw na walang tubig." Inis kong binuksan ang bottled water. Uminom ako nang konti saka muling tinakpan ang bote. "Goods na?"
---
Natatawa na si Auntie Benra habang pinapakita sa akin 'yong isang post sa Popbook. Compilation ng mga caught on cam na interaction ni Ma'am Patrice at mga dating bodyguards niya. Idinugtong 'yong eksena kanina. 'Yong pag-inom sa iisang bottled water.
"Grabe ang fans. Hahaha! 'Yan. Dagdag ka na sa mga i-stalk nila. Wala pa namang kalaman-laman ang social media mo."
"Bakit kasi ganyan si Ma'am Patrice. Kahit puro babae ang mga bodyguard na 'yan, nakakahiya pa rin maki-share ng tubig sa kanya."
"Masasanay ka rin naman kay Patrice. Malambing ang batang 'yan."
Tapos nang magbihis si Ma'am. Naka-kaswal na ito. Naka-slippers na nga rin.
"Uuwi na po ba tayo, Ma'am?"
Umiling siya. "Bibili tayo ng phone para sa'yo."
"Ho? Bakit? May gamit pa naman ako. Gumagana pa po. Mahina lang sa data."
"Hindi pwedeng mahina sa data ang phone ng empleyado ko. Ayokong pinaghihintay ako. Do you get me? O gusto mong magalit pa ako sa harap ng maraming tao?"
Hindi na naman ako nakakontra. Siguro kapag bumibili ng siomai si Ma'am, hinihigop niya 'yong toyo. Anglala niya e! Sobra!
"Deretso na tayo sa airport after bumili ng phone. Okay na ba ang mga gamit ko, Berna?"
Nag-thumbs up na si Auntie Berna. "Mood mo na lang ang hindi. Smile na. maraming media pagkalabas natin dito. Ikaw din, masisira ang image."
Hoooh! Ito na nga ang kinakatakot ko— 'yong mga out of town na kailangang magbyahe sa himpapawid! Siguro maglaklak ako ng tatlong gamot kontra-hilo.
"Bakit amputla mo, Sarchee? Okay ka lang?" tanong ni Auntie Berna. "May masakit ba sa'yo?"
"Okay lang. Naimagine ko lang 'yong eroplano. Nasusuka na ako." Pag-amin ko naman agad. Mabuti nang magpakatotoo! Kaysa mapahiya ako mamaya.
"You'll be okay. Katabi mo ako. I got you, Babe."
Bida-bida na naman si Ma'am. Rinig na rinig ng iba na babe ang tawag niya sa akin. Grabe! Parang pati kaluluwa ko pinapaswelduhan niya sa mga trip niya sa buhay.
---

Chapter 1-
Chapter 2-
Chapter 3-

AN: Update will depend sa schedule ng writer due to other stories in other platforms.
you may show support to the writer by following her in
wattpad: [https://www.wattpad.com/user/mixup15](https://www.wattpad.com/user/mixup15)
twitter: [https://twitter.com/mixup15](https://twitter.com/mixup15)
facebook: https://www.facebook.com/wintermerida/

Love Me Tomorrow (FREE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon