Chapter 6

630 32 0
                                    


Title: Love Me Tomorrow

Writer: mixup15

Main Characters:

Freen : Faen Sarchee Chan

Becky : Rebby Patrice Liveste

Seng: Edward

AN: THIS IS A WORK OF FICTION. HUWAG GAGAWING EHEMPLO ANG MGA HINDI MAGAGANDANG SALITANG O DIALOGO NG MGA KARAKTER. Salamat!

Paki-follow ang fb account ng writer para maipakita ang suporta sa istorya. Maraming Salamat!

Chapter 6

Faen Sarchee Chan

Kabado trenta ako habang nag-aalmusal kami. Hindi ko kasi talaga maalala bakit ako nakayapos kay Boss pagkagising e. nahihiya akong tumingin sa kanya. Baka isipin niya minomolestiya ko siya. Hindi! Hindi ko gagawin 'yon!"

"Hindi!" Shit! Bigla ko ba naman naisaboses ang iniisip ko. Tsk!

Parehong nagulantang sina Ma'am Patrice at Auntie Berna.

"Sorry. Nakikipag-away lang ako sa sarili ko." Hiyang-hiya kong hingi ng tawad sa kanila. "Eat well lang. Time is gold."

Tsk! Kung ano-ano na lang lumalabas sa bibig ko talaga!

Nailing si Ma'am Patrice. "Don't overthink, Babe. Hindi naman ako nagreklamo e." Ngumiti pa nga! "Calm down, hmm?"

Pinatong niya ang kanang kamay niya sa braso ko. Tsk! Binawi ko nga agad. Nakakahiya e!

"Si Ma'am, parang hindi nag-grade two. Boss kita kaya nakakahiya 'yong inasta ko."

Tunog nang tunog 'tong bagong selpon ko. Hindi ko pa kasi gamay. Ipinipilit ni Ma'am na 'yong presyong 20K ang bilhin aba! Ano na lang matitira sa sweldo ko ano? Kaya itong tig-5K lang ang pinabili ko. Basta nakaka-text at nakakatawag.

Angkulit n'ong si Sir Edward e! Gusto daw ako i-friend. E marami na akong friends tama na 'yon sila. Nagiging civil ako sa kanya kasi baka siraan ako sa ibang artista. Paano na lang pag hindi na si Ma'am Patrice ang employer ko? Baka hindi na ako makahanap ng ibang boss.

"Sarchee, may dala ka bang swimsuit?" tanong ni Auntie Berna.

"Para saan?"

"Sa Bora. Dapat enjoy mo din ang work vacation 'no."

"Mahihiya ang mga shokoy sa akin, Auntie Berna. Haha! Huwag na lang. Magpapajama ako. Ayoko umitim!"

Oh si Billy Boi tumatawag naman! Anak siya ni Ma'am Esteban. 'Yong kumupkop sa akin. Nasa US na siya kasama si Ma'am e. Nakaalala ang tukmol.

"Ma'am sagutin ko lang po ito ha?"

Dumistansya na muna ako. Buti bulsa-bulsa ko 'tong headseat. Aligaga kong ipinasak sa tainga ko. Mainipin ang hayop e! haha!

"Hello, Billy Boi! Napatawag ka?"

Gagi naman. Video call ang bet! Kagising lang yata. Hubad pa ang pasikat!

"Uy Boi, bakit? Gabi diyan 'di ba?"

Nagtaas-baba siya ng kilay. "Heard you got a job na? Okay ka lang diyan?"

Nag-okay ako sa kanya. "Sesmoso! Goods na goods!"

"Sure ka? Sabi naman pwede kitang dalhin dito e. Ikaw lang ang may ayaw. Worried si Mama, wala kang kasama diyan."

"Kumusta na sila pala? Uwi-uwi naman kayo minsan."

"She's okay. Miss ka na niya. If this job won't work, please, ayusin mo na ang papers mo ha? Nag-aalala na si Mama. Alam mo naman 'yon. Gusto niya nasa ayos ka."

Love Me Tomorrow (FREE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon