Chapter 19

651 19 26
                                    


Title: Love Me Tomorrow

Writer: mixup15

Main Characters:

Freen : Faen Sarchee Chan

Becky : Rebby Patrice Liveste

Seng: Edward


CHAPTER 19

Faen Sarchee Chan

Wala naman akong ginagawang masama kay Boss Ma'am pero init-init ng ulo niya. Alam na alam kong badshot siya kasi sa backseat siya naupo. Tsk! Gagamitan ko sana ng damoves e! haha. Joke lang naman.

Panay ang irap sa akin. Tinitignan ko kasi siya sa salamin. Huli ko namang nakatingin din sa akin kaso naikot ang mata. Buti hindi nahipan ng hangin.

Ayaw ko lang sagutin 'yong ma-tsismis niyang tanong e. Gusto ba naman malaman ang mga nilakad namin ni Boss Mayor. Siyempre, ibang loyalty ang sa tatay, iba rin sa kanya.

"Boss Ma'am, bili na tayo ng almusal."

"Bahala ka."

"Naku! Anglala ng kapansanan mo, Boss Ma'am. Ikuhaan na kaya kita ng PWD card? Napakasungit e. Wala namang katuturan."

De focus na lang ako sa pagda-drive. Anglakas ng toyo, makakapagluto na siguro kami ng pancit at adobo. Nagpatugtog nga ako ng love song na luma para mairita siya. Nakalimang kanta na e wapakels! Snub ha? Tsk!

Sa hindi kalayuan, tanaw ko na ang signage ng ini-endorse niyang fast-food chain noon. Wala siyang no-choice. Drive-thru sana kaso naisip ko naman na parang maganda din 'yong dine in. Kakaunti pa naman ang customers e. Saka first time ko 'to. Haha!

Oh, de takang-taka siya nang nag-park ako.

"Boss Ma'am, date tayo. Libre kita."

Bumaba na ako agad para pagbuksan siya. Inabutan ko siya ng baseball cap at hoodie na charmander ang design.

"Desguise-desguise ka muna, Boss Ma'am. Hindi pa ako ready maging famous."

Matchy-matchy ang suot namin 'no! Tshirt lang sa akin na Pikachu naman. Angtagal bumaba! Gusto yata kargahin ko pa.

Yumuko na nga ako para silipin siya e.

"Boss Ma'am, angtagal."

Aba! Naghalukipkip pa talaga! Gusto pa yata papilit e! Tsk!

"Sige na, please? Date na tayo, Please?" pinagsalikop ko pa ang mga palad ko. "Tatanawin kong malaking utang na loob kung papayag ka, Binibining Patty."

"Mapilit ka e. De sige."

Sus! Pabebe!

---

Gusto ko sana sa sulok e. Aba naman! Siya daw ang masusunod. Sa bungad na bungad talaga. Tapos nag-tanggal pa ng cap. Bida-bida ang ating si Patty. 'Yong sa counter tuloy panay ang tingin sa kanya n'ong nagbabayad na ako.

"Angfresh naman ni Miss Patrice kahit madaling araw..." komento ng cashier.

"Korek ka diyan." Sang-ayon ko agad siyempre! "Parang hindi nagkakalibag e. haha!"

Mabango rin, Hoay! Amoy babyko! Haha!

Tumungo na ako sa mesa namin. Nakatanaw siya sa labas, nakahalukipkip at parang iniisip ako—assuming tayo sa part na 'yan. Kunot-noo kasi siya kaya iniisip ko baka pina-marder na niya ako sa imagination niya.

"Boss Ma'am, okay ka lang? Huwag mong isipin 'yon, di ka n'on mahal. Hahaha!"

Matalim na naman ang tingin niya sa akin. "What if? Ikaw ang iniisip ko? You and you're kadaldalan kay Daddy? Do you think nakakatuwa ka?"

Love Me Tomorrow (FREE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon