Title: Love Me Tomorrow
Writer: mixup15
Main Characters:
Freen : Faen Sarchee Chan
Becky : Rebby Patrice Liveste
Seng: Edward
Chapter 13
Rebby Patrice Liveste
I'm in a taping for an afternoon drama. Guest lang kami dito. Para daw umangat ang rating. Cameo role lang. Partner ko na naman si Edward.
"Angtagal ng break mo, Reb. Hindi ka na nagyaya lumabas. Kahit minsan. Nagbago ka na ba?"
"Kung nasa bahay naman ang pahinga ko, bakit pa ako lalabas. Right?"
I'm sure hindi niya 'yon gets. Kunot-noo pa nga siya e. Hay! Slow!
"Sounds weird. Hindi mo kasama si Faen, ngayon?"
Nagpalinga-linga siya. Humabaha ang leeg ng gago e. Kaya nga hindi ako nagyaya para hindi siya masilayan si Faen!
Inutusan ko siya e. May cravings kasi ako. Girl thing kapag malapit na ang monthly period.
Nagpabili ako ng turon na may langka sa isang specific AfaMart branch. And here she is! She really looks pretty and handsome in her suit.
Napaayos ng upo si Edward. Mukhang gusto pang gumood points. Tsk!
Friendly naman ng bodyguard ko. Panay ang tango sa mga nakakasalubong at sa staff. Binilhan niya ng coffee si Direct!
"What was that for?" tanong ko agad pagkalapit niya. "Why the need to buy her coffee?"
"Para maging mabait siya sa akin," sagot niya. "Marami kasi siyang sinusungitan na bodyguard. Nagtanong-tanong ako sa GC namin. Iba na ang prepared po."
"Hi, Faen. Long time, no see."
Epal naman si Edward. Buti nga! Tinanguan lang siya ni Faen Babe!
"Boss, ito na pala 'yong order mo. Marami namang turon sa gidli. Gusto ba itong giant turon na pwedeng umagahan, tanghalian, gabihan na."
"Angdami mong reklamo. Mamaya na ako kakain. Start na ng shoot."
Tinawag na nga kami para makuhaan ang eksena namin. Magpapanggap na namang magboyfriend. Huminga ako nang malalim para makapag-internalize sa role ko.
"She' so pretty." Tulala pa talaga si Edward kay Faen.
"She's mine." I made it clear para manahimik na rin siya.
"Kung sawa ka na sa kanya. You know? Nandito lang ako." Nagtaas baba pa siya ng kilay. "Just give me a call, Reb. Just like the others."
Fvck? This guy is sick!
"Others? God! pasalamat ka maraming tao. Let's just work para matapos na 'to."
I got some glimpse of Faen, taking some photos or videos? I don't know. Magma-my day kaya siya? Well, she should tag me!
Direct Sunny shouted cut. Dali-dali akong lumapit kay Faen. My reason? Of course, 'yong turon! Aww! Hinati-hati na niya.
"Nakakahiya naman 'kung kagatin mo with feelings 'yong turon 'no. Meryenda ka na muna, Boss Ma'am. May talong eksena pa."
"Binasa mo 'yong script?"
She nods. "Kagabi."
Tinusok ko ng tinidor 'yong isang cut. Isusubo ko sa kanya pero inunahan na ako ng pagkunot ng noo.