Chapter 16

641 28 3
                                    


Title: Love Me Tomorrow

Writer: mixup15

Main Characters:

Freen : Faen Sarchee Chan

Becky : Rebby Patrice Liveste

Seng: Edward


Chapter 16

REBBY PATRICE LIVESTE

It's our last day here sa vacation. Honestly, 'yong mga nakaraang araw, we just spent it sa rented house. I have no reklamo with it kasi 'yong makita ko siya lagi-lagi is enough. Say it's a cliché thing but that's how I see things e.

Maybe nagiging totoo nga 'yong mga famous lines sa social media, "Siya lang sapat na" when you're really into a person.

"Boss Ma'am, lakad-lakad tayo sa beach. Lamang na lamang na si Ante Berna sa atin."

"Not in the mood. Ikaw na lang pero balik ka agad."

"Hindi naman goods 'yon. Mamaya may masamang loob dito e. Tara na kasi hindi na gaanong mainit. Uuwi na tayo bukas. Hindi mo pa nai-enjoy oh. Bahay-bahay ka lang. Best view ang sunset. Alam mo 'yan."

"Would you believe if I say na-enjoy ko kasi kasama kita?"

Dorky face naman 'to!

"Weh? Chika mo 'yan. Haha! Boss Ma'am, maumay ka naman sa beauty ko, i-appreciate mo rin ang beauty of nature." Nagtaas-baba pa siya ng kilay. "Maniwala ka sa akin, mare-recharge kang sobra."

"Mapilit. Isipin ko na lang gusto mo akong makasama maglakad-lakad. Papalusot ka lang."

"Isipin mo na lang ang gusto mong isipin. Bayad naman ako kahit nagbabakasyon tayo."

---

Faen bought some snacks. Pinahawak niya sa akin ang basket ng foods while she's fixing the blanket na uupuan namin.

Okay. This may sound cliché or whatever, but I'm loving her gestures. Be it dahil lang sa work or I don't know! Kukulayan ko na lang bawat nakakakilig ng gestures dahil doon ako natutuwa.

'Yong Billy, hindi na nagpakita sa amin. Which is na-appreciate ko. I get to spend time with Faen. Kung aalis man siya to buy some things or puntahan si Billy, kung sabihin niyang isang oras siyang wala, before an hour babalik talaga siya. Para nga akong crazy na naghihintay sa may terrace nga. Berna is teasing me so much. Daig ko pa daw ang asawa.

She gets the basket na as she lends me her hand nang uupo na ako. She sits beside me.

"Alam mo na ba ang schedule mo this week, Boss Ma'am?"

Tumango ako. "Why?"

"Naks! Hindi worried. Finorward na kasi sa akin. Kasama niyo pala si Ma'am Yam. Huwag kang kikiligin kapag nakita mo si Aurora. haha! Pigilaaaann mooo..." Inabot niya sa akin ang sandwich. "Hindi perfect 'yan. Pero atleast hindi tayo maha-high blood."

"Thanks."

I don't know about her but, I'm just enjoying this silence. The calm breeze, magical colors of sunset, and this time with her.

"Bakit sa mga pelikula laging romantic 'yong sunset?" bigla niyang tanong. "Pinapaliwanag ba 'yong sa inyo ng director?"

"Sometimes they tell us what to show na emotions. Why? Hindi ka ba natutuwa sa sunset?"

"Depende." Binuksan niya ang bottle of buko shake then gives it to me. "Depende sa level ng pagod ko. Pero hindi laging romantic ang sunset para sa akin. Lalo kung wala nang pera ang wallet ko. Haha!"

Love Me Tomorrow (FREE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon