Title: Love Me Tomorrow
Writer: mixup15
Main Characters:
Freen : Faen Sarchee Chan
Becky : Rebby Patrice Liveste
Seng: Edward
Chapter 12 (Time line party sa Isla Ravia)
Faen Sarchee Chan
Siguradong toxic ngayon dahil maraming sikat at mga prominenteng fersons ang bisita. Angdaming politicians! Kung bibigyan ko ba sila ng mga solicitation letters ngayon, bibigyan nila ako? Sabihin ko e pang-uniporme lang ng barangay liga! Haha!
Alerto kaming lahat, siyempre. What are bodyguards are for kung hindi kami alive alert awake enthusiastic?
Iniisip ko 'yong inilatag ni Sir Rich kaninang malaking bigtime offer! Babayaran daw ako ng malaking halaga e. May papaalagaan daw siyang bata sa akin soon. Hindi pwedeng malaman kahit sino. Gagi! 'yong offer niyang mil de mil na money hirap tanggihan! Kaya kong ipagpalit ang pagiging bodyguard. Haha!
Teka! Iwaksi na muna ang mil de mil! Alert alert muna baka maabo kapag may hindi magandang maganap dito.
Naiihi na ako! Puchangna! Nakiusap ako sa isang bodyguar, si Magnum, pakibantayan din si Boss Ma'am. Tingin-tingin lang ba. Nakakaaliw ang mga codename ng bodyguards ni Mayor. Magnum, Oreo, Muffins pa nga 'yong isa. Haha! Angkukulit. Dapat may codename din ako. Pero baka 'yong babe naman ay codename ni Boss Ma'am sa akin?
Sisipol-sipol ako papunta sa CR. Party na party pa ang mga people. Hindi pa siguro sila naiihi. Angtahimik naman dito. Bet ko 'tong CR nila may electric fan e. Puputok na ang pantok ko!
Shit? Lumagatog ang kabilang cubicle! May parang impit na ungol. Teka ha? Hindi naman sobrang SPG ang utak ko pero bakit dito?! Dedman, kailangan ko nang jumingle bells.
Pucha naman! Lagatog pa nga! Enjoy siguro sila.
"T-tulong!" Kasabay 'yong ng lagatog!
"Tulungan niyo kami!"
Dalawang magkaibang boses 'yon! Tao naman siguro sila. Maaga pa e. Hindi pa oras ng paglabas ng multo.
Dali-dali kong isinara ang butones ng pants ko. Makakatiis naman ang ihi pero ang nangangailangan ng tulong, hindi. Lumabas ako agad ng cubicle saka ko chineck ang kabila. Hirap buksan! Siguro ay nakadagan sila sa pinto!
"May tao ba diyan? Tao po?"
Huming ulit sila ng tulong. Pumasok ako sa cubicle na gagamitin ko sana. Tumuntong ako sa toiletbowl para makita ko ang kabila. Pucha! Dalawang lalaki na bugbog na bubog ang mukha! Hubad ang mga fersons!
Lumabas ako para tumawag ng tulong sa isang kasamahan ko—sinemplehan ko lang para hindi magkaroon ng komusyon.
Tinulungan niya akong ilabas ang dalawa sa cubicle. Crew daw sila nitong resort. Hindi daw nila nakilala 'yong gumawa nito sa kanila.
"Kilala niyo ba lahat ng crew dito?" tanong ko doon sa matangkad.
Tumango siya.
Bumaling ako dito kay kuya sarhento hindi ko alam ang pangalan at kung kanino siyang bodyguard.
"Manong... tsk. Paano ba kita tatawagin?"
"Torch..."
"Okay, Torch. Dito lang kayo. Video call tayo tapos ipatingin mo sa kanila kung sino 'yong hindi nila kilala sa mga waiters. Inform mo 'yong mga kasamahan natin. Sabihin mo chill lang."