Title: Love Me Tomorrow
Writer: mixup15
Main Characters:
Freen : Faen Sarchee Chan
Becky : Rebby Patrice Liveste
Seng: Edward
AN: THIS IS A WORK OF FICTION. HUWAG GAGAWING EHEMPLO ANG MGA HINDI MAGAGANDANG SALITANG O DIALOGO NG MGA KARAKTER. Salamat!
Paki-follow ang fb account ng writer para maipakita ang suporta sa istorya. Maraming Salamat!
Maari rin kayong mag-avail sa Give Me Your Forever (Freenbecky story na isinulat ng writer). P200 para mabasa ang buong kwento sa private group. PM kung interesado.
Chapter 7
Faen Sarchee Chan
Sinungaling!
Gusto kong sumabatan si Boss Ma'am nang paulit-ulit. Hindi daw iinom nang marami pero lasing na! Isang oras daw pero umextend pa. Hay naku! Nilapitan ko na nga kasi 'yong isang lalaki nagiging touchy na e. inaambaan naman siya ng suntok ni Ma'am. Sus! Akala mo naman makakasakit 'yong suntok niya e angliit ng kamao.
At ang nakakainis na part ha? Bodyguard ako! Bodyguard! Ginawa ba naman akong escort girl niya! Nakakahiya sa mga kaibigan niya. Empleyado niya lang ako e. Itong si Boss Maam, iniaakbay niya ako braso ko sa kanya. Kapag nagbibida na siya, umaayos na ako ng ubo. Tanggal-akbay kaso huli pa rin.
"What? Bakit mo tinanggal?"
"Ha? Ano kasi. Nakakahiya Boss Ma'am sa mga kaibigan mo."
"Huh? Hindi 'yan. Nakakahiya ba, Guys?" baling niya sa mga kaibigan niya.
Parang wala naman silang reklamo. Nagkantyawan pa nga na normal na daw 'to kay Ma'am Patrice. So normal na ganito siya sa mga bodyguards niya? Bodyguard slash ka-table? Hay naku Boss Ma'am! Pasaway! Paano nasu-survive ni Auntie Berna ang ganitong attitude? Maoy! Stage one!
Nagshot pa nga siya ng isa saka bumaling sa akin. Hinapit pa nga ako. "Angganda mo. Alam mo ba 'yon?"
"Sabi nga ni Billy, Boss Ma'am. Maganda ako kahit kulang sa ligo."
"Shit."
Oh? Bakit mura pa ang sagot niya? Nagbuhos pa ng alak. Punuan? Itong mga kaibigan naman niya naghiyawan. May pagpalo pa sa mesa. Nakakawala ng class 'yong sobrang alak 'no?
"Patty! Wala! May binanggit na boy! Haha. Ekis ka! Haha!" komento ng isa.
Inaabutan pa niya ng isang shot si Ma'am pero ako na sumalo. Lasing na ang atay ni Ma'am Patrice panigurado.
"Saluhin ko na po." Binottoms upko ang puchanginang shot! Ano bang title ng alak na 'to? . Pucha! Ang alam ko langRoyal True Orange! Hagod na hagod ang bituka ko. Hindi kaya acido 'to? Pinigilan kong masamid dahilnakakahiya sa pride ko! Haha! Strong ka, Faen! Alak lang 'to. Alak lang."Hoohhh! Sarche! Sarchee!"Sige i-cheer niyo pa ang pangalanko. Inaabutan na naman si Ma'am. Matik ako na 'yan baka gagapang na 'to siMa'am Putres e! Patrice pala.
"Alright, Guys, that's enough. Hindi pa sanay sa party 'tong bodyguard ko." Inawat ako ni Ma'am. Kinuha niya ang shotglass saka nilapag sa mesa. "This is enough, Babe."
Harap-harapan sa mga kaibigan niya 'yong babe. Babe siguro tawag niya sa mga bodyguards niya.
"Faen nga ang pangalan ko."
Natawa ang mga friends niya.
"Sarchee, huwag mong kokontrahin si Patty. She's a monster! Haha! Ganda ng name mo pala." Sabi noong babaeng shorthair na angbaba ng neckline.