Title: Love Me Tomorrow
Writer: mixup15
Main Characters:
Freen : Faen Sarchee Chan
Becky : Rebby Patrice Liveste
Seng: Edward
CHAPTER 20
Rebby Patrice Liveste
She's too silent while we're going home. Something must be bothering her. Mayroon kayang kinalaman si Yam or Aurora? What if they had fed her with lies?
Until nakarating kami sa condo, she's hindi nagsasalita. She just helped Berna sa mga things ko na dalhin sa aking room then proceeded to the kitchen.
"Okay lang ba siya?" asked Berna. "Angkulimlim ng aura ni Sarchee ha. Baka naman nagbago isip niya hindi ka na niya mahal. Hahaha!"
"Berna! Huwag kang mag-joke ng ganyan. Tsk. Dito ka na mag-dinner."
"Sus! Labas ilong. Haha. Ako ay uuwi na. Siguro may dapat kayong pag-usapan. Sabi niya e hindi pa kayo. Kaya linawin mo na muna. Baka ikaw lang ang nakakaalam na girlfriend mo na siya. Haha!"
"Sarchee! Uuwi na ako!" Pasigaw na sabi niya kay Faen. "Walang schedule si Patty bukas pero huwag kayong magpupuyat ha? Hahaha!"
Tinapik niya ako sa braso. "Ingatan mo si Sarchee. Kapag nalaman ng Daddy mo 'to siguraduhin mong safe siya. Mas gusto ko siya kaysa kay Aurora."
I nod at her. Pinuntahan ko na si Faen sa kitchen. Nakaupo lang siya sa mesa. Nakatitig sa phone niya. There is really something here.
"Babe, ako na ang magluluto. You like?"
"Hindi ka naman marunong e. Nagpapahinga lang ako. Magluluto na ako mamaya-maya."
"Uhm. Seems need mo ng massage, Babe." Sinimulan kong imasahe ang temple niya but she holds my hands instead.
"Hindi naman masakit ang ulo ko. Ikaw 'yong nagtrabaho. Magpahinga ka."
Gusto kong kumandong sa kanya e! Pero baka mabigla naman siya kaya next time na lang. Naughty me! Her phone rings and God knows sobrang curious ko kasi image caller ni Yam ang nagfa-flash.
"Aren't you going to answer that? May gusto ba siya sa'yo?"
Umiling siya. Tinaob niya ang phone niya saka yumakap sa waist ko. My sweet little potato is so clingy.
"Anong gusto mong dinner?" she asked pagkaangat ng tingin sa akin.
"Ikaw."
"Ha? Ako?"
Haha! God! May natatagong naughty side din pala 'to e! Pinisil ko nga ang ilong niya.
"Silly. Ikaw na ang bahalang mag-isip or anything na iluluto mo na lang."
Her phone rings again. But 'yong ring tone ay boses ni Daddy!
"Sarchee, Mayor to. Sagutin mo..."
Napamura na siya agad saka dinampot ang phone niya.
"Teka lang ha? Confidential."
Pumunta agad siya sa room niya. Hay! Daddy! How will I deal with you?
It took her about ten minutes bago lumabas ng room niya.
"Anong sabi ni Dad?"
"Naka-deposit na daw sahod ko sa pagre-report ko ng mga activities mo. Sasabihin ko lang nagdi-date tayo? Haha!"