Title: Love Me Tomorrow
Writer: mixup15
Main Characters:
Freen : Faen Sarchee Chan
Becky : Rebby Patrice Liveste
Seng: Edward
AN: Nauuna akong magpost sa FB. do check my fb account. WINTER FALLEN
--
Rebby Patrice Liveste
"So, pinatulog mo sa kwarto ko si Sarchee para makapag-inom ka malala?" usisa ni Berna. "Nag-away kayo? Naiiyak 'yong bata ko."
"Ako dapat ang umiyak." Nilagok ko ang kalahati ng beer saka ko ikinwento sa kanya ang mga nangyari kanina. "What's wrong ba sa pag-express ng feelings ko? Siya 'tong annoying e."
"Tsk." Hinablot ni Berna ang canned beer. "Heart to heart na talk na tayo alaga ko. I-take note mo sa isip mo ha. Sabi nga niya parang gusto mo siyang kontrolin. 'Yon ka kasi e. Sa mga exes mo. Kahit sa mga hindi mo sineryoso."
Kunot-noo ako sa mga sinabi ni Berna. "You think so?"
"Patty! Ganoon ka! Biri dominant! Kung hindi pera, kinokorner mo sila. Ang tingin ko kay Faen, 'no? Makikipag-date to marry siya. Kaya kahit alam niyang pini-flirt mo na siya, dinidistansya niya ang sarili niya. Opinyon ko lang naman 'yon."
"I'd love to marry her! Alam mo yan, Berna! Kahit ngayon na. Tapos magbuntis na siya next month."
Berna rolled her eyes and shakes her head. "'Yan na naman! Ikaw na naman masusunod. Naku, Patty! Nga pala. May isa ka pang problema."
Berna shows me her phone. Post n'ong Billy! Uuwi daw siya ng Pilipinas. Unang-unang nang-comment si Faen. Tsk! Sa comment section pa talaga nag-usap? Anong bakasyon? Walang magbabakasyon!
Nakakagigil! Hinablot ni Berna ang phone niya.
"Shuta. Baka maibato mo. Wala akong pambili. Never kang ganyan kay Aurora. Gigil na gigil ka ha."
Nangatngat ko na nga ang kuko ko sa inis.
"E kung pagselosin ko kaya si Faen?"
Berna crosses her arms in mid-air. "Masasaktan ka lang kasi hindi siya affected. Ang mabuting gawin mo e, magnilay-nilay ka. Haha! Maniwala ka sa akin, Patty. Hindi mo siya madadaan sa money kahit mukha siyang pera. Haha!"
"What to do then?"
"Wala. Huwag kang aggressive pero maging caring ka. Dapat kalma ka lang. Hindi 'yong naninira ka ng gamit. Parang hindi nag-serye e! Tsk!"
---
I have a week of rest. Onti-onti na akong tumatanggi sa mga projects. Gusto ko sana magpahinga, kaya umuwi ako sa puder nina Daddy. Pero kabaliktaran ang nangyari. Nai-stress ako. He's questioning my choices sa work.
"Dad, pagod na rin naman ako. Sapat na rin ang ipon ko. Gusto ko muna mag-rest."
"Malapit na ang eleksyon, 'Nak. Kailangan ko ang visibility mo sa mga tv shows."
"It's not like hindi na ako mapapanood, Dad. And sa panahon ngayon, social media na ang uso. Your PR Team should know that. Dad, gusto ko magpahinga. Ini-stress mo ako."
"Humihingi ng leave ang bodyguard mo. Bakit sa akin siya nagpapaalam?"
Kasi hindi ko papayagan. Tsk! I just shrugged my shoulders.
"Ewan. Hindi ko alam ang iniisip niya."
"'That Aurora. Baka naman gumagawa na kayo ng milagro behind my back, Patrice," Pang-uusig pa ni Daddy. "You know, I don't like her. We don't like her. And ayokong nakikipag-relasyon ka sa babae rin."