Title: Love Me Tomorrow
Writer: mixup15
Main Characters:
Freen : Faen Sarchee Chan
Becky : Rebby Patrice Liveste
Seng: Edward
Chapter 11
Rebby Patrice Liveste
Ginaganap ang birthday party ni Mom sa Isla Ravia resort na pagmamay-ari ng kinakapatid niya. Maraming bisitang politicians. Hindi na bago 'yan kaya ako naiinis e. Minsan makiki-picture sila sa akin. Malaman-laman ko na lang sa mga eleksyon, 'yong banners nila nandoon ako. Shitty people talaga! Buti kung may bayad e. mapapatawad ko pa.
"Mom, asan 'yong bodyguard ko?"
Yes. I need to sound arrogant sa harapan nila. Baka pag-isipan nila ng masama ang pakikitungo ko kay Faen.
"Nandiyan lang 'yon. Safe naman dito 'Nak. Maraming bodyguards. Hindi mo na siya kailangan."
Hindi, Mom! I need her! I need to be motivated tonight! I need to annoy her. Tsk! Nagpalinga-linga ako and there! I saw her. Nag-abot ang mga kilay ko 'coz she's chit-chatting with that woman, daughter of one of Dad's friends.
I was about to stand but Mom, holds on my right hand. She then shakes her head. Fine!
"I'll just get some wine."
Hay! Mom lets go of me. Siguro tama nga 'yong sabi na mas ramdam ng mothers ang mga anak nila. I casually say hi sa mga bumabati sa akin. Maya't-maya akong napapatingin sa kinatatayuan ni Faen. I can't just let my eyes off her. Silly Patrice!
"Bunso, you're too obvious." Hindi ko namalayan si Kuya na katabi ko na pala. "Here. Better drink juice tonight. Huwag kang mag-aalak. Crazy."
"Lahat na lang bawal? Konting alak lang naman. It's not a party without some alcohol."
"'Coz you're out of yourself kapag lasing ka. Baka biglang mawala kayo ni Faen. Mga tingin na ganyan? Bunso, huwag mong subukan. Angdaming bisita."
"Wait. Ano pala ang pinag-usapan niyo ni Babe kanina?"
"Babe. Haha! Some business matters. And don't ask her. Tikom ang bibig niya or else mawawalan siya ng komisyon. Haha!"
Inirapan ko si Kuya. He's two steps ahead minsan. Nakakainis na. Pero mas nakakainis 'tong pagpapakilala sa amin ni Dad sa mga kumpadre niya. Si Kuya? Bihasa na sa ganito. Kinukuha niyang opportunity para sa business niya.
"Anggandang dalaga ng iyong anak, Kumpadre. Bagay sa anak ko."
Yuck! Hindi na bago ang mga ganyang Segway pero yuck pa rin talaga. Lalo naman at 'yong anak niya ay hindi naman pogi! Hello! Rebby Patrice ang pinag-uusapan dito tapos hindi pogi ang ire-reto? Hindi na nahiya!
My phone rings. Anong kailangan naman ni Aurora? Bakit siya tumatawag? Medyo malakas ang music kaya lumayo na muna ako. Nasa may garden ako where few visitors lang ang nag-i-stay.
"Hello? What now?"
"Patrice..."
"Sino pa ba? Why?"
"Hmm. Nothing really. Mangangamusta lang."
"God! Aurora! Very updated ang social media accounts ko! Sana doon ka na lang nagtingin! Kaysa tatawag ka pa."
"I need to know something. Si Faen... kayo..."
Shit! Nagkaroon ng sunod-sunod na pagputok ng baril! Ang family ko! Shit! Nagkagulo na! Agad akong naharang ng isa sa mga bodyguards ni Dad.