Title: Love Me Tomorrow
Writer: mixup15
Main Characters:
Freen : Faen Sarchee Chan
Becky : Rebby Patrice Liveste
Seng: Edward
AN: Nauuna akong magpost sa FB. Check my fb acc. WINTER FALLEN. :)
Chapter 15
Faen Sarchee Chan
Mag-a-alas dos na, dilat na dilat pa rin ako. Tambay muna ako sa balcony. Nice itong upuan nila. Kasya dalawang tao. Pwedeng i-slant lang o kaya maging higaan talaga. Forda sleep! Haha.
Hay! Iniisip ko 'yong mga chat ni Aurora. Tinanong ko si Sir Rich sa litol background niya, type na type daw siya ni Boss Ma'am pero hindi sang-ayon si Mayor. Pero naguguluhan ako e. Nahuli siya ni Ante Berna na niloloko si Boss Ma'am. Pero heto siya nakikipagbalikan. Angkupal naman ng feys value.
"Faen..."
Bakit gising pa 'tong si Ma'am? Nag-angat ako ng tingin. Bitbit niya ang unan at kumot. Sh't? Ano naman kaya ang balak niya?
"Yes po? Bakit gising ka pa, Ma'am? Imbes na mag-relax ka dito, best in eyebags ka."
"I can't sleep."
"Pumikit ka kasi," pang-aasar ko pa sa kanya. Lalong nag-abot ang mga kilay niya. "Ano ba 'yon? May iniisip ka ba?"
"Marami. Hmm. Tabi tayo."
Sabi na e! Umusog na nga lang ako. Tumanggi man ako, ipiplit pa rin naman niya ang gusto niya. Boss Ma'am Patty 'yan e! Ano ka diyan?
Naka-slant ang sandalan ng upuan. Nakaharap sa may beach. So nice 'yong liwanag ng buwan.
"Full moon ba?" tanong ni Boss Ma'am.
"Hindi. Pero may mga aswang na daw pag ganitong daling araw. Niwala ka d'on?"
"Hindi. Crazy. Hindi naman totoo 'yon."
"Hoay, totoo 'yon! Nabasa ko sa internet! Kaso 'yong mga asawang bitbit na nila 'yong kalahating katawan nila. Delikado na kasi sa panahon ngayon."
"Huh?"
Shems! Oo nga pala. Hindi siya marunong sa kanal jokes! Haha. Loading tuloy. Nakanganga pa.
"Wala. Alangan i-explain ko pa." humalukipkip ako. Dito ko na balak matulog. "Boss Ma'am, anong nagustuhan mo kay Aurora?"
"Why you asked?"
"Tinatanong ko lang. Naguguluhan kasi ako. Nag-usap na ba kayo? Nalinawan na ba lahat ng issues niyo?"
"I don't have time for that. I'm okay na. niloko niya ako. Nagpasilaw siya sa pera. Basura na siya para sa akin."
"Hindi mo ba naisip na baka tinakot siya ng Daddy mo? What if—"
"Faen!" Napaayos siya ng upo. Nag-aabot na naman ang mga kilay niya. "Hindi na 'yon mahalaga sa akin. Okay? Madaling araw ginagalit mo 'ko."
"Sorry naman. Nagtatanong lang e. Oh siya, awat na. Teka, iayos ko lang 'tong sandalan." Bumangon na ako para tanggalin 'yong lock ng sandalan. Kinuha ko 'yong 'yong makapal na kumot sa sofa saka ko inilatag. Ngingiti-ngiti pa siya e. Nang-aasar yata to si Boss Ma'am.
"Hmm. Looks bahay-bahayan for me."
"Basta hati tayo sa sampung milyon! Haha!"
Owryt! Okay na ang tutulugan. Pinauna ko siyang mahiga. Sakto lang 'yong space. Kasyang-kasya kami. Kapayat ba naman ni Boss Ma'am.